Taas ang kamay ng mga bagong bayani Sa arap ng pagsuko, wag kang susuko Ligyan ang boses ng sigaw ng masa Ang bagong pag-asa ay mula siyo Mula siyo, mula siyo Panibagong pag-asa'y mula siyo Magandang araw sa inyo. Ang titulo ng aking paksa ay Tatak-UPD-NSTP Orientation. Sasaklawin ang aking pagtatalakay ang sumusunod.
Ang UP bilang Public Service University, ang batayang batas sa pagpapatupad ng NSTP, at ang implementasyon ng NSTP sa UP Diliman. Para sa unang bahagi, magsisimula ako sa isang katanungan. Ano ang salitang pumapasok sa inyong isip? na nakikita ninyong tumutuhog o nagpapakita ng malapit na kaugnayan ng ating universidad at ng NSTP.
Kung naisip ninyo ang salitang servisyo o paglilingkod, ay tumpak ang inyong sagot. Sa pangalan pa lamang ng NSTP na nangangahulugang National Service Training Program, naroon na ang salitang service. Samantala, bahagi naman ng atentidad. o pagkakakilanlan ng ating pamantasan ang kanyang pagiging public service university. Bagaman ang NSTP ay isang required course, ang puso nito ay sumasentro sa paglilinang sa kakayahan ng ating mga kabataan na maglingkod sa ating bayan.
Samantala, isinusulong naman ang ating pamantasan, hindi lamang ang kahusayang pang-akademiko, hindi ganyan din ang maraming anyo ng paglilinikod sa pamamagitan. ng hindi na mabilang ng mga proyekto at gawain para sa kapakinabangan ng ating mga mamamayan at ng ating bayan sa pangkalahatan. Sa madaling salita, malinaw na parehong nakaukit sa kaibuturan ng NSTP at ng UP ang marugdob na adhikain makapaglingkod sa bayan.
Paano ba natin higit nauunawain ng UP bilang isang public service university? Mahaba ang tala ng kasaysayan sa paglilingkodbaya ng Universidad ng Pilipinas. At dahil limitado lamang ang ating oras, hindi natin ito komprehensibong matatalakay. Sa halip, sasamahan niyo lamang ako na silipin ang ilang yukto sa kasaysayan ng ating universidad na magtatanghal kung paanong sa pagdaan ng kasaysayan ay ikinintal ng pamantasan sa ating kamalayan, sa ating puso, sa ating pagunawa. ang diwa ng paglilingkod at kung paanong ang diwang ito ay nagbunga ng hindi matatawarang ambag sa pagsasakatuparan ng adhikaing mapabuti ang kondisyon ng ating kapwa Pilipino at ng ating likunan.
Sa una pa lamang ay naipahayag na ng unang Pangula ng Pamantasan na si Murray Simpson Bartlett, isang Amerikano, ang direksyong ito hinggil sa napakahalagang papel. na ating gagampanan sa paglilingkod sa ating kapwa Pilipino. Ayon sa kanya, UP must be for the Filipino and that it can serve the world best by serving best the Filipino.
Napakalinaw na noon pa man ay ipinupunla na sa atin ang pagbibigay halaga sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. Samantala, sinabi rin ni... UP President Rafael Palma sa kanyang investiture noong 1925 na ang misyon ng UP ay hindi lamang makapagpatapos ng mga mag-aaral, kundi ang makahikayat ng orihinal at malayang pag-iisip na magbibigay benepisyo o magsusulong sa kapakanan ng mga Pilipino. Nangangahulugan lamang na may mataas na layon ang UP education. at pangunahin dito ang makapaglingkod sa ating kapwa Pilipino.
Sa panahon ni UP President George Bocobo, ginawa naman niyang required sa mga mag-aaral ng UP ang magturo ng sibika sa kanilang probinsya. Isinulong ni UP President Bocobo ang patriotismo, disiplina, pagganap sa tungkulin, sakripisyo, ng mga pagpapahalagang nakikita niya na pawang importante sa pagbubuo ng bansa. Sa panahon ng martial law, malaki rin ang papel na ginampana ng aktivismo sa mga kaganapan sa bayan.
Sa panahon ito, marami ang mga kabataan sa UP na nag-align maging ng kanilang buhay para sa hikunan. Ilan naman sa mahalagang kaganapan sa pananungkulan ng UP President Emil Javier, ang pagkakatatag sa UP Open University at ugnayan ng pahinungod. Sa pamamagitan ng distance learning sa UPOU, nabibigyan ang pagkakataon at pag-asa ang maraming kapwa natin Pilipino na nasa mapanghaming sirkumstansya na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng UP education.
Halimbawa, ang mga nahinto sa pag-aaral na hindi na makabalik sa kanilang paaralan. Dahil lang sa magiging mahirap na para sa kanila na pagsabayin ang oras ng trabaho at pagpasok sa paaralan. Sa distance learning, posible na nilang maisagawa ang kanilang pagtatrabaho na hindi kakailangan ng isakritisyo ang kanilang pag-aaral.
Sapagkat ang pag-aaral ay maaaring gawin matapos ang oras ng pagtatrabaho. Saan man sila naroon, gamit lamang ang kanilang computer at internet connection. Nagbigay din ito ng pag-asa sa mga kababayan natin na may pisikal na kapansanan, na magiging mahirap ang pisikal na pagtungo sa isang paaralan kung gagawin ito sa regular na setup.
Sa UPOU, maaaring maisagawa ng may pisikal na kapansanan ng pag-aaral kahit nasa loob lamang siya ng kanyang tahanan. Sa pamamigitan din ng distance learning, maging ang mga kababayan nating OFW, ay maaari ding makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral bilang offshore students ng UPOU, malayo man sila sa ating bayan. May kitang isa itong pamamaraan upang mailapit ng universidad sa mas marami nating kapwa Pilipino ang pag-asa at pagkakataon na kanilang makamit ang edukasyon sa UP at makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Ang pagbubuo naman sa ugnayan ng pahinungod ay commitment ng pamantasan sa pagsusulong at paglulunsad ng mga bulontaryong gawain ng mga guro, mag-aaral, kawani, at alumnay ng universidad para sa mga mas may hirap nating komunidad at mga kababayang nasa laylaya ng lipunan.
Nagbigay daan ang pahinungod sa paglilingkod bayan na may mas malawak na saklaw. Ilan sa mga naging gawain nito ang... peer counseling, teacher training program, na naglalayong sanayin ang mga kalahok na guro upang tulungan sila na higit nilang mapahusay ang kanilang pagtuturo. Nariyan din ang gurong pahinungod.
Ito yung binubuo ng mga volunteer teachers na nagtutungo sa pinakamalalayo na lugar o probinsya sa ating bansa upang magturo. Ayon sa unang direktor ng Ugnayan ng Pahinungod, Ang diwa ng pahinungod ay pagpapahayag ng kaisahan ng pamantasang sa ating lipunan. Aniya, hindi tayo tumatayong hiwalay, kundi kabahagi ng lipunang humuhubog sa atin. Mula sa mga natututunan natin dito, maari tayong makahalaw ng ating maibabahagi rin sa iba. Sa panahon ni UP President Pascual, nabuo ang UP Padayon Public Service Office na nagpatuloy ng diwa ng pahinungod.
Bahagi ng layo nito ang sumusunod, to respond promptly and efficiently to the demands of public service and to develop relevant networking and support from the different publics of the university. Maging sa na-aproba ang UP Charter 2008, RA 9500, malinaw ang mandato ng UP bilang isang public service university. Sinasaad dito na UP As a national university, shall lead as a public service university by providing various forms of community, public and volunteer service, as well as scholarly and technical assistance to the government, the private sector, and civil society while maintaining its standards of excellence.
It shall harness the expertise of the members of its community and other individuals who regularly speak. study the state of the nation in relation to its quest for national development in the primary area of politics and economics, among others. It shall identify key concerns and give advice and recommendations to Congress and the President of the Philippines. And it shall serve the Filipino nation and humanity and relate its activities to the needs of the Filipino people and their aspirations for social progress and transformation and provide venue for student volunteerism. Hanggang sa panahon ngayon sa ilalim ng panunungkulan, Ni UP President Danilo Concepcion, kung kailan marami rin tayong mabigat na hamon na kinakaharap, nagpapatuloy ang UP sa pagyakap sa kanyang mandato at natatangin papel na ipagpatuloy ang pangunguna sa pagtuturo, pananaliksik, ekstensyon at public service at bigyang katuturan ang mga ito sa pamamagitan ng aktibong pagbubuo at paglulunsad ng mga programa at inisiyatibo tungo sa ikauunlad at ikabubuti ng sambayanang Pilipino.
Halimbawa, sa panahong ito ng pandemya, mahaba rin ang tala ng pakitisangkot at pangunguna ng universidad sa iba't ibang anyo ng paglilingkod bayan gamit ang busay nito sa pagtuturo, pananaliksi, pag-oorganisa ng mga gawain pang-ekstensyon at pagsiservisyo publiko upang tugunan ang hamon ng pandemia. Nariyan ang pagde-develop ng UP NIH ng mas mura at mas mabilis na COVID-19 test kits. Ang pagsisilbi ng UP PGH bilang pagamutan sa Maynila ng mga pasyente may COVID-19.
Ang pagsasagawa ng UP Manila ng PGH online consultation request and appointment system. Ang paglulunsad ng web portal at mapa para sa COVID-19 responders. Ang pagbubuo sa UP COVID-19 Pandemic Response Team na kinabibilangan ng mga eksperto at mga mathematician na naglalathala ng kanilang mga COVID-19 projections, mga pagsusuri at rekomendasyon bunga ng kanilang siyentipikong pag-aaral upang makatulong sa mahalagang pagpapasya ng ating pamahalaan. Nariyan din ang pagsasagawa ng mga napapanahong pag-aaral, proyekto at pananaliksi.
ilang halimbawa nito ang sumusunod. Ang DOST at UPPGH ay nagsasagawa ng convalescent plasma transfusion bilang posibleng gamot sa COVID-19. Mayroon ding research project on combination drug for COVID-19. Nariyan din ang isang Pilipinong alumna ng UPLB na nasa likod ng COVID testing technology na dineveloped ng mga eksperto sa Switzerland.
Ang paglalabas ng mga lathalain o publikasyon upang ipahagi ang mga pag-aaral, pag-analisa at mga gabay na may kinalaman sa COVID-19. Ang paglulunsad ng mga napapanahon webinars, pagsasanay at iba pang mga gawain pang ekstensyon. Halimbawa nito ang PGC Mindanao Trainings Capacitating Medical Personnel for COVID-19 Testing, ang free online Bridge English and Math courses ng UPOU.
At UPOU ugnayan ng pahinungod ang pagbabahagi ng expertise ng UP sa pagiging resource persons ng ating mga eksperto sa loob at labas ng pamantasan. Maging ang mga organisasyong pang mag-aaral, mga guro, pawani at alumni ay aktibo rin sa pakikilahok sa pag-oorganisa at paglulunsad ng donation drives at iba pang mga inisiyatibo bilang tugon sa hamon ng COVID-19. Ilang halimbawa nito, Ang pagtutulungan ng stranded UP Desaias dormers sa Miyag-Ao, mga iba pang mag-aaral at alumni sa paggawa ng do-it-yourself face shields.
Ang donasyong UPV-produced ethyl alcohol. May mga grupa ng mag-aaral din sa UP Diliman na tumutulong sa mga magsasaka na maibenta ang kanilang ani. Ang proyektong Kita Ka!
Reflect to Protect ng UP Mountaineers para sa mga bikers. Ang paglulunsad ng UP System ng Kaagapay sa Pag-aaral ng mga Skolar ng Bayan na nangangalap ng tulong upang masuportahan ang mga estudyante ng UP na kapos sa pangangailangan para sa remote learning. Ang donasyong test booths na ipinagtaloob ng UP Los Baños. Ang pangangalap ng donasyon para sa mga ikot-jipney drivers.
At marami pang iba, hindi rin natin makakalimutan. ang ating mga medical frontliners, doctors, nurses na nagbuwis ng kanilang buhay sa kanilang matapat na pagganap sa kanilang tungkulin sa gitna ng pandemia. at maging ang mga nagpapatuloy pa sa matapat na paglilingkod sa kanilang sinumpaang profesyon at matapang na humaharap sa panganib na dala ng pandemia.
Lahat ng aking nabanggit ay matibay na patunay at demonstrasyon lamang na buhay na buhay at mahigpit na niyayakap ng ating universidad ang ating tungkuling paglingkura ng ating bayan. Bukod sa isinusulong na pagtatanghal sa husay at dangal, mapapansing paulit-ulit na ipinapaalala sa atin sa iba't ibang yugto ng ating kasaysayan ang ating tungkuling maglingkod sa bayan. Ito rin ang binibigyang diin ni UP President Concepcion sa kanyang mensahe sa mga magsisipagtapos na mag-aaral sa UP Manila noong June 2017. Aniya! A UP graduate has to be a willing, creative, and audacious agent of social transformation going above and beyond the normal call of duty to find ways of uplifting the lives of our countrymen.
Dagdag niya, huwag sana ninyong sayangin ang inyong natutunan. Sana ay gamitin ninyo ito ng tama at waspo. Tungo sa kapakinabangan, hindi lamang ng inyong sarili at pamilya, kundi tungo sa kapakinabangan ng buong sambayanan. Malinaw ang mensaheng mahuhugot sa talumpating ito. Hindi natin pinapanday at pinahuhusay ang ating sarili para lamang sa ating sarili.
Sa halip, ito rin ay para sa iba at para din sa ating kapwa Pilipino. at ninamahal na bayan. Matapos ninyong maunawaan ang UP bilang public service university, tadako naman tayo sa pagtatalaki mismo ng NSTP, ang batayan nito at ang implementasyon nito sa UP Diliman.
Ano ba ang batayan sa pagpapatupad ng NSTP? Ang batayan ng kurso ay ang NSTP Law of 2001 o RA 9163 at 2009 Implementing Rules and Regulations ng NSTP. Kinikilala ng batas ang mahalagang papel ng kabataan sa pagpapaunlad ng bayan. Nakasaad sa Rule 1, Section 2 ng NSTP-IRR na isusulong ng Estado ang civic consciousness sa kabataan at sila ay pauunlad rin sa aspetong pisikal, moral, spiritual, intelektual at sosyal. Ikikintal sa kanila.
ang pagkamakabayan at ang pakikisangkot sa likunan. Sinasabi naman sa Rule 1, Section 2B nito na ang mga kabataan ay huhubugin, sasanayin o organisahin at pararaanin sa programa military, literacy, civic welfare programs at iba pang kaugnay na inisiyatibo para sa paglilingkod sa bayan. Ano nga ba ang NSTP? Binibigyang linaw sa Rule 2, Section 3A ng IRR kung ano ang NSTP.
Ito ang programang naglalayon na paunlari ng civic consciousness at defense preparedness sa kabataan sa pamamagitan ng paghuhubog ng ethics of service at patriotismo habang dinadaanan ang isa sa tatlong program components ng NSTP na nakadesenyo para paigtingin ang aktibong kontribusyon ng mga kabataan sa pangkalahatang kagalingan o general welfare. May tatlo itong program components. Ang ROTC o Reserve Officers Training Corps, ang LTS o Literacy Training Service, at ang CWTS o Civic Welfare Training Service.
Mapalad tayo sa UPT 5 na naihahain natin ang lahat ng components na ito sa ating pamantasan. Ngayon ay linawi naman natin kung ano ba ang ROTC, ang LTS at ang CWTS. Matatagpuan sa Rule 2, Section 3, B2D ng NSTPIRR ang paliwanag sa mga ito. Ang ROTC ay ang programang idinsenyo upang mahasa, maorganisa at maihanda ang mga mag-aaral sa pangangailangan pangdepensa ng bansa.
Alinsunod ito sa Section 38 at 39 ng RA 7077. o Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act na nilagdaan noong June 27, 1991. Isinasaad sa Section 38 ng RA 7077 na ang ROTC ay military training para sa mga mag-aaral sa kolehyo, pamantasan at kaparehong mga paaralan na mandatory sang ayon sa probisyon ng 1987 Constitution at ng National Defense Act o Commonwealth Act I na nilagdaan noong December 21, 1935. Isinasaad naman sa Section 39 ng ROTC. RA 7077 ang pagtatatag ng ROTC unit sa mga paaralan. Ang Program of Instructions ay tatalaga ng Secretary of National Defense at kabilang dito ang instruction na maghahanda sa mga babaeng mag-aaral para sa servisyong militar. Ang pagsasanay ay hindi lalampas sa dalawang taong akademiko sa kaso ng mga enlisted reservists. Samantalang apat na taon naman, Para sa officer reservists, kabilang ang summer o probationary training na hindi lalampas sa 60 araw kung kakailanganin.
Ang dalawang taong mandatory ROTC training ay tatawagin basic ROTC training, samantalang ang sunod na dalawang taon matapos ang basic ROTC training ay tatawagin advanced ROTC. Ang alokasyon ng ROTC units sa iba't ibang pangunahing servisyo ng AFP ay batay sa tinatayang manpower needs ng particular na reserve components. Sa kasalukuyan, anong unit ba sa UP Diliman ang naghahain ng ROTC? Kung ang sagot mo ay DMST, o Department of Military Science and Tactics, tama ang iyong kasagutan. Tanging ang DMST lamang ang naghahain ito sa ating pamantasan sa UP Diliman.
Patuloy na sumusuporta ang UP DMST sa armed forces. Forces of the Philippines sa pagkakaroon ng mahusay ng mga reservists na kayang tumugon sa tawag ng paglilingkod sa pamamagitan ng pagtulong sa mga operasyon sa DRRM. Tumutulong din ito sa pagtupad ng layunin ng AFP ng panatidihin ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba't ibang uri ng Civil Military Operations or CMOs katulad ng Medical Civic Action Program sa komunidad ng AITA sa Pampanga.
Samantala, ang LTS ay programang idinisenyo upang hasain ang mag-aaral ng LTS na maging guro ng literasya, matematika sa mga batang mag-aaral, out-of-school youth at iba pang sektor ng lipunan na nangangailangan ng kanilang serbisyo. Anong unit naman ang naghahain ito? Sa mga nagdaang semestre, inahahain ito ng College of Education, ng College of Social Sciences and Philosophy. UP Asian Institute of Tourism at UP Diliman Extension Program in Pampanga o UP DEPP. Halimbawa, ang mga mag-aaral ng LTS sa College of Education ay nagtuturo ng remedial reading at pagmamahal sa pagbabasa sa mga mag-aaral ng kanilang partner school.
Ang mag-aaral naman ng LTS sa Departamento ng Filosofiya sa CSSP ay nagtuturo ng Philosophy for Children Sa mga mag-aaral ng San Vicente Elementary School, ginagamit ng mga sinanay na mag-aaral ng NSTP ang kanilang natutunang metodo ng P4C upang mapalabas at mahasa ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan. May mga mag-aaral din ng LTSAIT ang nagturo ng pagbibilang, pagbabasa at pagsusulat sa mga preso ng Nubilibid Prison sa Muntinlupa City. na may edad 14 to 61 na wala o may limitado lamang nakaalaman dito. Layo nito na maihanda ang mga preso sa kanilang produktibong integrasyon sa malayang lipunan sa oras na sila ay makalaya na sa kulungan. Ang CWTS naman ay programa o mga gawaing tumutugon sa pangkalahatang kagalingan at pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan ng lipunang Pilipino.
Anong unit naman ang nagahain ito? Sa tatlong nabanggit ng mga components, ang CWTS ang pinakapopular na inihahain ng mga kolehyo sa ating pamantasan. Ito ang matatagpuan nating may pinakamaraming bilang ng seksyon sa CRS. Sa pagkatukol ito sa pangkalahatang kagalingan, napakaraming anyo ng paglilingkod komunidad ng mag-aaral ang maaaring mapailalim dito. Kalimbawa, Naging proyekto ng klase na ginaong Ian Logan sa NSPPC-WTS College of Human Kinetics ang paggawa ng eco-bricks mula sa mga plastic recyclable materials.
Ipinagkakaloob nila ang mga ito sa kanilang partner communities upang gamiting materyal sa kanilang paggagawa ng facility para sa kanilang komunidad. Nariyan din ang Coloring Book Project ng College of Fine Arts kung saan ang mga mag-aaral ng NSTP sa kanilang kolehyo ay gumagawa ng mga coloring books para sa mga abandonado at naabusong mga kabataan na kinukupkup ng pamahalaan sa Reception and Study Center for Children ng Department of Social Welfare and Development. Sino ang kailangang kumuha ng NSTP? Lahat ng mag-aaral na kumukuha ng kursong bachilyer o dalawang taong kursong sertipiko ay kailangang kumuha ng NSTP, liban sa sumusunod.
Mag-aaral na nakakuha na ng NSTP sa naonang kursong natapos. Kung second degree mo na ang kursong kinukuha mo ngayon at natapos mo na ang NSTP sa naonamong kurso, hindi mo na ito kakailanganin kuhaning muli ngayon. Transparees na nakakompleto na ng NSTP bago pa man isinagawa ang paglipat. Kung bago mo isinagawa ang iyong paglipat sa UP Diliman, ay nakompleto mo na ang iyong 6 units ng NSTP sa iyong pinanggalingang paaralan, hindi mo na ito kakailanganin kuhanin muli dito sa UP Diliman. Mag-aaral sa klasifikasyong Foreign Students or Aliens.
Tanging ang mga Filipino citizens lamang ang kailangan kumuha ng NSTP. Hindi ito akay lang kuhanin ng mga dayuhang estudyante. Sa kuntong ito, gusto kong magbahagi sa inyo ng isang kwento. Nangyari ito nung ako ay nanunungkulan bilang NSTP coordinator ng CSSP. Nagkaroon kami noon ng isang dayuhang mag-aadal na nakapag-enroll sa klase ng NSTP sa CSSP.
Nung malapit ng matapos ng common module, ay sumangguni siya sa akin at nagtanong kung kailangan bang tapusin niya ito. Dahil siya ay nasa kategoryang dayuhang mag-aadal, Sinabi ko sa kanya na hindi siya required. Bagaman binanggit ko rin na dahil papatapos na rin naman ang semestre, ay maaaring ikonsideran niyang ipagpatuloy na rin lamang ang kurso.
Nagulat ako nang makalipas ang ilang semestre ay muling sumangguni sa akin ang mag-aaral matapos niyang mapagpasyahan na hindi na lamang ipagpatuloy ito. Sa pagkakatong ito, tinanong niya akong guli. kung kailangan ba nakuhaning niya ang NSTP. Aniya, nagpapalit na siya ng citizenship at ngayon ay isa na siyang Filipino citizen. Sapagkat required ang Pilipinong mag-aaral nakuhaning ito, katulad ng nabanggit kanina, kailangan niyang muling i-enroll at tapusin ang 6 units ng NSTP program.
Ang mga mag-aaral na kakailangan kumuha ng NSTP ay hindi maaaring makapagtapos sa pamantasan nang hindi nakukumpleto ang six units na programa. Ano ba ang tatak UPD-NSTP na nais maikintal sa kamalayan ng mga mag-aadal na dadaan sa programa? Noong December 2018, nabuo at nakumpleto ng UP Diliman Extended NSTP Council matapos ang serya ng mga workshops ang NSTP Program Map. Ito ang nagtatakda ng direksyon ng pagpapatupad ng tatak UPD-NSTP sa pamantasan.
Dito nakasaad ang sumusunod na layo ng programa. Tatak-UP Diliman NSTP na yumayakap sa identidad ng UP bilang public service university. Tatak-UP Diliman NSTP na nagtataguyod ng dangal at kausayan sa paglilingkod sa bayan. Tatak-UP Diliman NSTP na tumutugon sa mga banta sa pambansang seguridad. At Tatak-UP Diliman NSTP na nagpapayabong sa kamalayang sipiko sa pamamagitan ng transdisciplinary engagements sa mga individual at mga komunidad sa adhikaing makapaglingkod sa bayan.
Sa pagdaan sa pagsasanay at pag-aaral ng mga mag-aaral sa Tatak Yupi Diliman NSTP, ninanais ng programa na mahubog at matanim sa nagtapos na mag-aaral ng NSTP ang pagiging nationalistic, innovative at Ang mga paksang tinalakay, mga pagmumuni, mga pagsasanay at mga dana sa pagbuo at pagsasakatuparan ng mga paglilingkod komunidad na nakatungtong sa etikal na pamantay ng serbisyo publiko ay inaasahang magbunga ng sumusunod, mas mataas na antas ng malasakit sa kapakanan ng kapwa, ng lipunan at ng bansa. Mas aktibong pagpapakita. plano at paglikha ng mga proyekto at makabuluhang pagbabago batay sa mas mataas na antas ng pag-unawa. at mas malalim na pagkilala at pagyakap sa itikal na pamantayan ng paglilingkod bayan, komunidad at kapwa.
Patas, marespeto, sensitibo, responsable, makatarungan. Ngayon, ano ba ang struktura ng programa ng TATAC-UPD-NSTP? Ang TATAC-UPD-NSTP ay nagsisimula sa Common Module, Nagugugol ng 25 oras upang talakayin ang sumusunod na baksa. NSTP-Tatak UPD Orientation, Understanding the Self and Others, Human Dignity and Human Rights, Gender and Development at UP-ASH Code, Citizenship Training, Disaster Risk Reduction and Management, Basic Life Saving, Environment Protection at Drug...
education. Sapagkat ito ay common module, lahat ng mga mag-aaral na kumukuha ng NSTP sa unang tatlong units nito ay dadaan sa pag-aaral sa mga nabanggit na paksa. Ito ang inaasahang maghahanda sa mga mag-aaral para matagumpay na maisakatuparan ang nalalabing tatlong units ng programa.
Sa pagtatapos ng common module, ang mag-aaral ng NSTP ay inaasahang malinaw papahayag ng balangkas ng programa ng NSTP na nakasandig sa mahalagang papel ng kabataan at sa mga ideals ng ating pamantasan na dangal, akademikong kahusayan, at serbisyo publikong tutugon sa mga suliranin sa pambansang seguridad o national security concerns. Paglilinaw lamang sa puntong ito na ang tinutukoy na suliranin sa pambansang seguridad or national security concerns ay hindi lamang sumasaklaw sa tradisyonal nating pag-unawa na tumutukoy sa mga labanang gumagamit ng baril at iba pang mga sandata. Saklaw ng banta sa pambansang siguridad, ang ating mga kinakaharap na sari-saring suliraning pangkalusugan, katulad ng COVID-19 pandemia, suliraning pangkalikasan, halimbawa ay ang maduming kapaligiran o kaya naman ang pagkasira ng ating... kapaligiran.
Suliraning pang ekonomiya ang kahirapang ating dinaranas, ang pagkawala ng hanap buhay ng maraming Pilipino. Suliraning panlipunan, halimbawa, ang hindi pagkakapantay-pantay na oportunidad at marami pang iba na banta sa panatag at matiwasay na pamumuhay na pinapangarap ng bawat mamamayang Pilipino. Nararapat tayong aktibong kumilos at mag- kung paano natin lalabanan ang mga bantang ito kahit sa maliit lamang natin na mga kaparaanan.
Inaasahan din na matapos ang Common Module, ang mag-aaral ay makapagmuni sa mga mahalagang kaisipan na nakapaloob sa mga inilinyang paksa nito. Makapagpakita ng basic competencies na kakailanganin para sa pagsasakatuparan sa kahingian ng NSTP component courses. at makapagpakita ng mas tumaas na antas ng kamalayang sipiko, security preparedness, etikal na pagsiservisyo publiko, at ng kung paano magiging bahagi sa pagpupabuti sa Estado ng sambayanang Pilipino. Sunod nating tatalakayin ang proseso ng redistribution at change of matriculation na nagaganap matapos ang common mutual.
Hinati ko ito sa dalawang versyon. Ang unang versyon ay ang nagaganap na redistribution at change of matriculation sa regular na panahon matapos ang common module. At ang ikalawang versyon naman ay kung ano ang magaganap sa proseso ng redistribution at change of matriculation sa espesyal na panahon katulad ng panahon ito ng pandemia kung saan ang sistema ng ating pag-aaral ay remote learning. Sa normal na sirkumstansya para sa unang versyon, matapos ng NSTP Common Motul, makakaroon ng takdang panahon para sa redistribution at change of matriculation na iaanunsyo ng NSTP Diliman Office sangayon sa kung anong mapagkakasunduan ng mga kasapi ng konseho ng NSTP Diliman.
Ito ay pababatid sa inyo ng inyong guro sa NSTP. Bago ma-redistribute ang mag-aaral sa component course, kailangang matiyak ng mag-aaral na kanyang nadaanan ang lahat ng paksa sa common module. Sakaling mayroon siyang nalibanan, kailangan niyang makipag-ugnayan sa kanyang guro.
upang mapag-usapan kung paano niyang mapupunuan ang kanyang kakulangan. Paalala na istrikto pa rin susundin ang pulisiya ng universidad kaugnay ng pinahihintulutang bilang ng pagliban sa klase. Sakaling wala ng kakulangan ng mag-aaral sa Common Module, kailangan niyang mamili kung anong component course ang nais niyang kuhanin. ROTC?
LTS? o CWTS ba? Bago mapunta ang mag-aaral sa kanyang piniling component course, kakahilanganin muna niya na siya ay ma-redistribute. Ang lahat ng mga mag-aaral na nakakompleto ng NSTP Common Module ay malilipat o i-redistribute mula sa kanyang generic NSTP class o Common Module class patungo sa component course na hinahawakan ng kanyang guro sa NSTP.
Halimbawa, sakaling LTS ang hinahawakan component course ng iyong guro, ikaw ay malilipat lamang mula sa generic class patungo sa LTS class ng iyong guro. Kung hindi mo na nanaisin pang malipat sa ibang NSTP component, doon na magtatapos ang proseso at hindi ka na mangangailangan ng change of matriculation. Ipagpapatuloy mo na lamang iyong component course sa pareho mong guro sa NSTP.
common module. Ang kinabibilangan mong klase sa common module ay magiging klase sa LTS 1. Samantala, ang iyong kamag-aral na nagnanais lumipat sa klase ng NSTP ng ibang guro o sa ibang component course, halimbawa ay ROTC, ay dadaan din sa parehong proseso ng redistribution sa klase ng LTS 1 ng inyong guro. Matapos siyang may redistribute, Doon lamang siya maaaring makalipat sa ibang klase sa pamamagitan ng pag-aasikaso ng kanyang change of matriculation.
Kailangang matiyak ng lilipat na mag-aaral na mayroon siyang slot sa lilipatang klase at mayroon siyang kopya ng sertifikasyon mula sa kanyang guru ng common module na nakumpleto niya ang lahat ng paksa sa common module. Ito ay kailangan niyang maipakita sa lilipatang guru. upang magsilbing katibayan na wala siyang kakulangan sa common module.
Ang proseso ng change of matriculation ay katulad ng proseso ng change of matriculation sa ibang mga regular na klase sa pamantasan. Ang tanging kaibahan nito ay wala itong bayad at mayroong spesyal na pecha para sa pagsasagawa nito. Para naman sa ikalawang versyon, dahilan sa pandemya na kinakaharap natin ngayon at At pagbabago sa sistema ng pagtuturo at pagkatuto, dahil sa ngayon ay remote teaching at learning tayo, nahigit na mapanghamon kumpara sa regular na setup, mayroon din ginawang pagbabago sa regular na sistema ng redistribution at change of matriculation. Bagaman magaganap pa rin ang redistribution, katulad ng prosesong natalakay na natin kanina, hindi na magkakaroon ang pamimili ng NSTP component ang mga mag-aaral kung kaya...
wala nang magaganap na change of matriculation. Magiging otomatiko na malilipat lamang sa component course na hinahawakan ng guro ang lahat niyang mag-aaral sa Common Module. Halimbawa, kung ang hawak na component course ng iyong guro sa NSTP Common Module ay CWTS, otomatikong mareredistribute ka lamang mula sa generic course patungo sa klase ng CWTS-1 ng iyong guro. Sa madaling salita, hindi opsyon sa pagkakataong ito ng mga mag-aaral ng NSTP ang pamimili o paglipat sa ibang component course.
Matapos ang common module, ano ang aasahan ng mag-aaral sa natitirang panahon sa semestre sa NSTP component course 1? Sa pagkat sa panahon ito ay tukoy na ang program component na kinabibilangan ng mag-aaral ang natitirang panahon ng semestre. ay pagpapatuloy sa pagsasanay at paghahanda sa mga mag-aaral na angkop sa mga gawain sa kanilang component course. Dito iaangkla ang karagdagang pagsasanay at pagtatalakay sa mga paksain katulad ng voluntarismo, oryentasyon sa paglilingkod komunidad at leadership training.
Ang bahagi ito rin ng kurso ang sumasaklaw sa isasagawang needs assessment, project preparation, Proposal writing at proposal evaluation ng mga mag-aaral para sa napipisin na proyekto o paglilingkod komunidad ng klase. Ang mga planong proyekto na tumutuon sa pagtugon sa isang national security concern ang siyang isa sa katuparan ng mga mag-aaral, particular ng CWTS at LTS sa kanilang NSTP-2. Halimbawa, maaari itong isang proyektong pangkalikasan, maaaring mapag-isipan ng klase ang pagsasagawa ng online information campaign kaunay ng pangangalaga ng ating kalikasan.
Partikular na halimbawa ang information campaign laban sa paggamit ng single-use plastic items. Sa kaso naman ng ROTC-1, inaasahang matutunan ng mag-aaral ang basic markmanship principles, maingat at ligtas na paggamit ng mga sandata, paggamit ng navigation devices, efektibong komunikasyon, at iba pang mga kasanayan patungo sa matagumpay na pagsasakatuparan ng kanilang misyon. Ano naman ang aasahan sa NSDP? Sa NSTP 2, particular sa LTS 2 at CWTS 2, inaasahan na maayos na may sasakatuparan ng mga mag-aaral ang implementasyon ng kanilang pinlanong paglilingkod komunidad sa kanilang klase sa LTS 2 o CWTS 2 na bit-bit ang mga kaalamang nakuha sa mga isinagawang paghanda sa Common Mutual at NSTP 1. Sa pagtatapos naman ng ROTC 2, Inaasahan na may papakita ng mga mag-aaral ang kanilang mas mataas na level ng drill proficiency, infantry rifleman skills at basic search and rescue skills. Samantala, daan din ang programang Servisong Tatak UP o STUP, isang award-winning radio program ng tanggapan ng NSTP Diliman sa pakikipagtulungan ng DZUP, UPROTC at UP Corp sponsors.
na ineere tuwing lunes sa ganap na ikasyam hanggang ikasampunang umaga sa DZUP 1602 upang maisulong ng tanggapan ang bulunterismo at makabuluhang paglilingkod bayan. Isa itong live interactive radio program na supplementary material para sa mga klase ng NSPP sa UP Diliman. Naman ang mga episodes ng unang semestre ang panayam sa mga panuhing eksperto na nagtatalakay sa NSTP Common Module Topics upang maituro sa mga mag-aaral ng NSTP ang mahalagang kaisipan at pag-unawa na kanilang bibit-bitin sa paglilingkod komunidad. Samantala, may mga imbitadong advocacy groups na itinatanghal sa STUP episodes sa ikalawang semestre. Dito, tinatalakay ng imbitadong kinatawa ng grupo ang kanilang advokasya, karanasan sa pagbabolontaryo, at mga volunteer opportunities para sa mga tagapakinig na mag-aaral.
Nagbibigay pagkakataon din ang programa sa aktibong pakikipagtalastasan ng mga tagapakinig na mag-aaral sa PAKSA sa pamamagitan ng kanilang pagsagot sa Question of the Week. Halimbawa ng tanong at sagot sa pagtatalakay sa PAKSA sa Common Module na Gender and Development. Tanong, paano mo may papakita ang suporta sa mga kababayan nating LGBTQ+. Halimbawa ng sagot ng isang tagapakinig, maipapakita ko ang aking suporta sa mga kababayan nating LGBTQ+, sa pamamagitan ng aktibong pagsulong sa mga karapatan nila.
Kasama na rin dito ang walang sawang pagpapaliwanag sa ating mga kapwa Pilipino upang buksan ang isipan tungkol sa usapin ng gender, karapatan at diskriminasyon. Naniniwala kasi ako na kapag hinayaan lang natin ang sistema ng nakakasakit sa mga LGBTQ+. at kapag hinayaan lang din natin ang ibang tao na manatiling mababa ang pagtingin sa kanila para na rin natin kinalaban ang mga LGBTQ+.
Sa pamamagitan ng Question of the Week, hindi lamang ipinapaunawa ang mga pangunahing kaisipan tungkol sa paksa kundi binibigyang pagkakataon din ang mga tagapakingin na mapagmunihan ang mga isyong kakabit ng paksa at ang papel na maaari niyang gampanan para makaambag sa pagpapabuti ng ating likunan. Mayroong ilang mahalagang impormasyon pa na kailangang malaman at tandaan ng mga mag-aaral ng NSTP. Halimbawa, sa tuition.
Sakaling kasama kayo sa mga mag-aaral na pipilihing hindi mag-avail ng free tuition at mamabutihing magbayad pa rin, ang tuition ng mag-aaral ng NSTP ay kalahati lamang ng regular na tuition kada unit. Para sa proteksyon ng mga mag-aaral, itinatakda ng batas na mayroong health and accident insurance ang mga mag-aaral na nakatala sa kahit anong NSPP component. Hindi maaaring lumabas ng pamantasan para maglingkod komunidad ang mag-aaral ng NSTP nang walang insurance.
Ang kabuang programa na 6 units ay maaaring puhanin sa loob ng dalawang semestre o kaya naman ay sa loob ng isang semestre lamang o mid-year. Kung dalawang semestre, halimbawa, NSTP 1 sa unang semestre at NSTP 2 sa ikalawang semestre. Kapag isang semestre lamang o mid-year, Ito ang tinatawag na integrated NSTP. Sa ating pamantasan, regular na naghahain ng integrated NSTP kada semestre ang Virata School of Business o VSG. Dito, maaaring matapos ng mag-aaral sa loob lamang ng isang semestre ang kanyang 6 na units ng NSTP.
May mga pagkakataon din sa nagdaang mga taon na naghahain din ng integrated course ng mid-year ang AIT, STAT, FA at CMC. Mahalagang tandaan ng NSTP-1 ay prerequisite ng NSTP-2. Nangangahulugan ito na hindi maaaring kuhanin ng NSTP-2 na hindi patapos ang NSTP-1.
Iisang component lamang ang dapat kuhanin ng mag-aaral sa NSTP-1 at NSTP-2. Halimbawa, LTS-1 at LTS-2, CWTS-1 at CWTS-2, ROTC-1 at ROTC-2. Nangangahulugan ito na hindi pahihintulutan na ang kukuha ng LTS-1 sa unang semestre ay kukuha ng CWTS-2 sa ikalawang semestre Ang NSTP-1 at 2 ay dapat kuhanin sa parehong kolehyo Ang mag-aaral na kumuha ng NSTP-1 sa kolehyo X ay hindi maaaring kumuha ng NSTP-2 sa kolehyo Y Kailangan parehong sa kolehyo X na kuhanin ang kanyang NSTP-1 at 2 Halimbawa Hindi maaaring ang LTS 1 ay kukuhanin ng mag-aaral sa College of Education at ang LTS 2 naman ay kukuhanin niya sa CSSP.
Ang NSTP na nakuha sa ibang unibersidad ay otomatikong credited sa pamantasan kung kaya hindi na kailangang ulitin sa nilipatang paaralan. Kung sakaling mayroon lamang 3 units na nakuha ang mag-aaral mula sa pinagalingang paaralan, Bago lungipat sa UP Diliman, kailangan niyang tiyakin na kaparehong component course ang kanyang kukuhanin sa nalalabing 3 units ng NSTP na kukuhanin niya sa UP Diliman. Halimbawa, kung ang natapos mo ay CWTS-1 sa iyong pinanggalingang paaralan, kailangan mong tiyakin na CWTS-2 ang iyong kukuhanin component course sa UP Diliman para sa pagkompleto sa kabuoang 6 units ng programa. Ngayon, ano ang gagawin sakaling mayroong naganap na paglihis o hindi pagsunod sa ilang nabanggit na panuntunan?
Ano ang halimbawa ng ganitong mga klase ng paglihis? Hindi pagkuhan ng magkaparehong component, halimbawa LTS-1 at CWTS-2. Pagkuhan ng NSTP-1 at NSTP-2 sa maling pagkakasunod na una ang NSTP-2 sa NSTP-1, pagkuhan ng NSTP sa magkaibang kolehyo.
Sa ganitong pagkakataon, kakailanganin ng mag-aaral na sumulat ng apela sa Vice Chancellor for Academic Affairs kasama ang mga kakailanganin nagda at iba pang mga dokumentong hihingi ng NSTP-Diliman Office para sa pagpoproseso ng kahilingang makredit ang mga nakuhang kurso. Samantala, ipinapaalalang hindi ineendorso ng NSTP Diliman ang pag-aproba sa unang klase ng paglihis. Ito ang hindi pagkuha ng magkaparehong component.
Maliwanag na isinasaad sa batas ng NSTP na kailangang isang program component ang daanan ng mag-aaral sa programa. Ngayon din, kailangan din magproseso ng apela ang mag-aaral na nakakumpleto ng unang 3 units sa pinanggalingang paaralan at magtatapos ng nalalabing 3 units sa nilipatang UP Diliman para sa kaso ng mga transferees. Kailangang maglakip ng kopya ng TOR mula sa pinanggalingang paaralan at ng true copy of grades sa UP Diliman na kapwa. Nagpapakita ng grado sa natapos na NSTP 1 at 2. Ito'y upang matiyak na isang component lamang pinuhan ng mag-aaral. sa 1 at 2 mula sa magkaibang paaralan.
Paano minamarkahan o ginagraduhan ng mag-aaral sa NSPP? Ang markang ibinibigay ay numerical at hindi lamang pass or fail. Ang grado sa NSTP ay hindi kasama sa kompytasyon ng GWA ng mag-aaral. Ano naman ang NSRC at CAF? Ang lahat ng magtatapos ng NSTP CWTS at LTS ay bibigyan ng serial number at magiging bahagi ng National Service Reserve Corps o NSRC.
Ang NSRC ay katipunan ng mga volunteers na maaaring tawagin ng Estado sakaling may mahigit. nagpit na pangailangan para sa literasya at paglilingkod para sa kagalingang panlahat sa bansa. Ang lahat ng magtatapos ng ROTC ay magiging bahagi naman ng Citizen Armed Force o CAF, sangayon ito sa pagtupad sa kahingian ng Department of National Defense. Mayroon ding igagawa ng Certificate of Completion na may kasamang serial number para sa mga mag-aaral na matagumpay na nagtapos ng programa ng ROTC. Kadalasang nag-oorganisan ang programa ng pagtatapos ang kolehyo matapos ang NSTP II upang bigyang pagkilala hindi lamang ang mga mag-aaral na matagumpay na nakakumpleto ng six units ng NSTP, kundi gayon din ang mga katuwang na komunidad o organisasyon na mahalaga para sa pagsasakatupara ng proyekto.
Kasama rin sa highlights ng programa, Ang pagtatanghal sa isinagawang paglilingkod komunidad ng klase at pagpapakilala sa mga nagsipagtapos ng LTS at CWTS bilang mga bagong kasabi ng NSRC sa ginagawang oath-taking at pinning ceremonies. May kapareho rin programa ng pagtatapos para sa mga nakakompleto na ng ROTC. Bukod sa pagkakataong makapaglingkod komunidad sa klase ng NSCP, Marami pang nakahain programa at gawain ang NSTP Diliman na patuloy na nag-iimbita sa ating mga mag-aaral at nagsipagtapos na ng NSTP na maging aktibong kaagapay ng universidad sa pagsasagawa ng paglilingkod komunidad. Nariyan ang si Kai Lingkod na nagpapakilala sa iba't ibang advocacy groups at naglalatag ng mga volunteer opportunities sa ating mga mag-aaral, ang Blood Donation Drive. Mga pagsasanay para sa mga interesadong volunteers tulad ng NSRC First Responders Training, NSRC Peer Educators Training, at marami pang iba.
Maraming pangangailangan ang ating mga kababayan. Maraming pangangailangan ang ating bayan. Ngayon din, maraming forma o anyo ang oportunidad upang makatulong. Bilang pagtatapos, nais kong mag-iwan ang ilang tanong.
Anong suliranin sa lipunan ang bumabagabag sa iyo ngayon? Ano sa iyong palagay ang papel na maaaring gampanan ng isang kabataang tulad mo na makakatulong upang tugunan ang iyong natukoy na suliranin o sitwasyon? Nasasalamin ba nito ang isinusulong na adhikain ng NSTP at mandato ng UP bilang isang public service university?
Sa ating patuloy na pagbubukas at pagpapataas ng ating kamalayan at pagunawa sa nangyayari sa ating lipunan na inaasahang magbunga ng aktibong pakikilahok gamit ang dunong at husay sa pagbuo at pagsasakatuparan ng mga positibong solusyon sa ating mga sulirangin habang nakatuntong sa marangal at etikal na pamantaya ng paglilingkod bayan, mananatiling buhay ang pag-asa. na ating makakamit ang higit na mabuting pagbabago sa lipunang Pilipino. Kung kaya ang hamon sa inyo, tulad ng binitiwang mensahe ni President Concepcion, sana ay gamitin ninyo ang inyong natututunan, ang inyong kausayan bilang sandata upang makatugon sa pangangailangan ng ating lipunan tungo sa ikauunlad at ikabubuti ng kondisyon. ng ating bayan. Maraming salamat po sa inyong pakikinig.
Pagkakamay ng mga bagong bayani, sarap ng pagsuko, huwag kang susuko Ligyan ng boses ang sigaw ng masa, ang bagong pag-asa ay mula siyo Mula siyo, mula siyo, panibagong pag-asa ay mula siyo