Estrukturang panlipunan sa iba't ibang bahagi ng Asia at Daigdig Ang kabias ng Sumer ay tinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabiasnan sa Daigdig na umusbong sa Mesopotamia taong 3500-3000 BCE. Ang Mesopotamia ay bahagi ng tinatawag na Fertile Crescent. Isang arko na matabang lupain dahil ito ay dinadaluyan ng malalaking ilog gaya ng Tigris at Euphrates.
Teokrasya ang uri ng pamahalaan na umiral sa sinaunang Sumeria. Ito ay isang uri ng pamahalaan na nasa ilalim ng pamumuno ng simbahan. Ang bawat lungsod ay pinamunuan ng mga paring hari na tinatawag na patesi na tumayo bilang spiritual at political na leader na kumakatawan bilang tagapamagitan ng mga tao sa Diyos. Ang zigurat ay matatagpuan sa bawat lungsod estado at nagsisilbing tahanan at templo ng patron o Diyos ng isang lungsod. Ayon sa matandang paniniwalang Sumerian, Ang mga kabundukan ang siyang sentro ng kapangyarihang supernatural sa mundo.
Ang mga Sumerians ay naniniwala sa maraming Diyos at Diyosa. Ilan sa mga pangunahing Diyos na kinikilala ay si An, ang Diyos ng Kalangitan, si Enlil, ang Diyos ng Hangin, si Enki, ang Diyos ng Katubigan, at si Nin Hursag, ang Diyos ng Sangkalupaan. Sa lipunan ng sinaunang Sumerians ay may mataas na pagtingin sa mga hari na sinundan ng mga mga ngalakal, artisano at mga iscribe at sa huli ay ang mga magsasaka at mga alipin. Mayroong sistema ng pagsulat na tinatawag na cuniform kung saan na itala ng mga iscribe ang mga mahalagang pangyayari, tradisyon at epiko. gaya ng Epic of Gilgamesh na nagsilbing katibayan ng kanilang kabihasnan.
Naimbento ang teknolohiya sa pagsasaka tulad ng araro at mga kariton na may gulong, paggawa ng palayok, paggamit ng salaping pilak, lunar calendar at decimal system. Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing Pharaoh. Ang Pharaoh ang tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuturing ding isang Diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa. Ang Pharaoh ang tagapagtanggol ng kanyang nasasakupan. Kontrolado niya ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian.
at kabilang sa kanyang mga tungkulin ang pagsasayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga batas, at pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt. Ang mga eskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga Egyptologist at batay sa ilang tala. Mahahati ang kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt ayon sa mga sumusunod na panahon.
Ang Sibilisasyong Indus ay umusbong sa Timog Asya noong 2750 hanggang 1750 BCE at pinaniniwalaan na itingatag ng mga Dravidians. Ang kanilang pagkawala ay nananatiling mahiwaga. Ang paliwanag ng mga eksperto, ito ay maaaring dahil sa mga kalamidad o pagsakop ng mga Aryans.
Ang mga Indo-Aryans ay pinaniniwalaang nagmula sa hilagang kanluran na bahagi ng India at dumaan sa Khyber Pass. Sila ay matatangkad at mapuputi. Ang unang kabihas ng Indo-Aryan sa Timog Asya ay tinawag na Vedas.
Ito ay base sa pangalan ng kanilang unang panitikan na ang kahulugan ay karunungan. Pagsasaka ang kanilang pangunahing ikinabubuhay at mula sa mga simpleng pamayanan ay nabuo ang mga lungsod estado. Tinatawag na Vedas ang mga naunang panitikan na nakasulat sa wikang Sanskrit na mga Indo-Aryans.
Mayroong apat na aklat ang mga Vedas. Ito ay ang Rig Veda, ang pinakamatanda at pinakamahalagang aklat na naglalaman ng mga awit, dasal at mga papuri sa kanilang Diyos. Yahur Veda, naglalaman ng mga batayan sa pagsasagawa ng mga seremonya at ritual.
Sama Veda, na naglalaman ng mga melodiya at awitin. at ang Atharva Veda na naglalaman ng mga dasal, mahika at ilang sumpa. Nagpatupad ang mga Indo-Aryans ng diskriminasyon o pagtatangi laban sa mga Dravidians upang mapatatag ang kanilang kapangyarihan.
Nilikha nila ang sistemang caste upang hatiin ang lipunan sa mga pangkat. Ang mga pangkat na ito ay ang sumusunod. Ang mga Brahmins na binubuo ng mga pari at eskolar at siyang may pinakamataas na antas sa lipunan. Ang mga Shatriyas na binubuo ng mga mandirigma. Ang mga Vaishyas na binubuo ng mga mga ngalakal at magsasaka.
At ang Sudras na binubuo ng mga alipin at siyang may pinakamababang antas sa lipunan. Ang mga Dravidians ay hindi kasali sa caste system, kaya't sila ay mga outcast o tinatawag na dalit. Sila ay mga untouchables at siyang gumagawa ng mga pinakamabababang uri ng gawain gaya ng paglilinis ng kalsada at mga palikuran. Ang sistemang caste ay mahigpit at malupit.
Hindi pinapayagan ang pagpapakasal sa hindi kauri at ito ay namamana. Ibig sabihin, kung ikaw ay isang sudra, ay maaari ka lamang mag-asawa ng isang sudra. At ang inyong magiging anak ay isang sudra din at ang kanyang mga magiging anak.
Naging sentro ng kabiyasna ng klasikong Greece, ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa Timog. at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala ang karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo. Sa mundo ng sinaunang Griego, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay.
Dahil dito, karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan 60 metro lamang anlayo mula sa baybaying dagat. Mula sa labi ng madilim na panahon ay unti-unting umusbong sa ayon niya ang isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece. Ang pamayanan sa baybaye ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyon ito.
Kinilala ito sa kasaysayan bilang kabihas ng Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 BCE hanggang 400 BCE at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyon na naganap sa kasaysayan ng daigdin. Dahil sa mga digmaan bago pa man ang panahong Helenic, ay nagtayo ang mga Griego na mga kuta sa gilid ng burol at mga tuktok ng bundok upang proteksyonan ang kanilang mga sarili. Ang mga pook na ito kalaunan ay naging mga pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod-estado o polis, kung saan hango ang mga salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisiya, politika at politiko.
May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuarang bilang na dapat bumuo sa isang polis ay limanlibong kalalakihan. Ito ay dahil sa lalaki lamang ang inilalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng isang lungsod-estado.
Karamihan sa mga polis ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinatawag na Akropolis o mataas na lungsod. Sa panahon ng digmaan, ito ang nagiging takbuhan ng mga Griego para sa kanilang proteksyon. Sa Akropolis matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya't ito ang naging sentro ng politika at reliyon ng mga Griego. Samantala ang ibabang bahagi naman ay tinatawag na agora o pamilihang bayan.
Sa mga lungsod estado naramdaman ng mga griyego na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob nila dito ang kanilang katapatan at paglilingkod. Ang ilan sa mga lungsod estado na nakilala sa Greece ay ang Athens at ang Isparta.
Ang lungsod estado ng Athens ay nagpatupad ng mga pagbabago sa sistemang politikal na nagsilang sa demokrasya, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan. At ang lungsod estado ng Esparta na nakilala sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas. Ang kabias ng Romano ay sumibol sa bansang Italy na matatagpuan sa kanlurang Europa.
Ito ay isang peninsula na nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng Greece, ang Italy ay binubuo na maraming kabundukan at ilang mga kapatagan. Isang mahalagang kapatagan dito ay ang kapatagan ng Latium kunsaan dumadaloy ang ilog Tiber. Ang Rome ay naitatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo. bago ang karaniwang panahon.
Ito ay itinatag ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng sakahang pamayanan sa kapatagan ng Latium. Ayon sa isang matandang alamat, ang Rome ay itinatag ng kambal na Sinaromulus at Remus.
Habang sila ay sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa ilog Tiber ng kanilang amain sa takot na angkinin ng kambal ang kanyang trono. Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaeng lobo. Nang lumaki ang kambal at nalaman ang kanilang pinagmulan, ay kanilang inangkin muli ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng ilog Tiber noong 753 BCE.
Ang mga Romano ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila ay magagaling sa sining, musika at sayaw, at dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal at kalakalan. Noong 509 BCE ay namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan.
Matagumpay niyang napatalsik ang huling haring etruscan ni si Tarquinius Superbus at itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang republika na tumagal mula 509 hanggang 31 BCE. Sa Republikang Romano, sa halip na pumili ng hari ay naghalal sila ng dalawang konsul na may kapangyarihan na tulad ng isang hari. at manunungkulan lamang sa loob ng isang taon. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, ay humina ang sangay ng tagapagpaganap. At sa oras ng kagipitan, ay kinakailangang pumili ng isang diktador na manunungkulan lamang sa loob ng 6 buwan.
Ang isang diktador ay magtatamasa ng higit na kapangyarihan kaysa sa mga konsul. Tanging ang mga patricians o maharlika, ang maaaring mahalal na konsul, diktador at senador. Ang mga plebians o karaniwang mamamayan ay hindi pinapayagang makakuha ng posisyon sa pamahalaan maliban sa pagiging isang sundalo.
Ang Republika ng Roma ay naging imperyo noong 27 BCE at si Octavian ang naging unang emperador na mas kilala sa titulong Augustus Caesar. Katapos ang halos limang siglo ng pamamayani, ang imperyo ng Roma ay bumagsak noong 476 CE. Ito ay bunga ng sunod-sunod na pagkatalo sa digmaan, problemang pang-ekonomiya, sobrang gastusin sa gawaing militar, korupsyon sa pamahalaan, at marahil na rin sa sobrang lawak ng kanilang nasasakupan.
Ang ilan sa mahalagang kontribusyon ng kabihas ng Romano para sa mundo ay ang batas. Ang mga Romano ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinuunang panahon. Ang kahalagahan ng Twelve Tables ay ang mga katotohanan na wala itong tinatanging uri ng lipunan.
Ito ay batas para sa lahat, patrisyanman o plebian. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at atyahin ang kaukulang parusa, nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at pamamaraan ayon sa batas. Ikalawa ay ang panitikan. Ang panitikan Romano ay nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong siglo bago ang karaniwang panahon.
Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng bansang Greece. Ang halimbawa nito ay si Lubius Andronicus na nagsali ng Odyssey sa wikang Latin. Si Macchius Plotus naman at Terence ang mga unang manunulat ng komedya.
Ang iba pang kilalang manunulat at orador na Romano ay si Natitus Lucretius Carus at Gaius Valerius Catulus. At si Cicero, isang manunulat na nagpahalaga sa batas. At nagwikang ang batas ay hindi dapat maimpluwensyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera. Pagdating naman sa inhenyeriya o engineering, ay ipinakita ng mga Romano ang kanilang galing.
Nagtayo sila ng mga daan at tulay upang pagugnayin ang buong imperyo kabilang na ang malalayong lugar. Marami sa mga daan na ginawa nila noon ay ginagamit pa hanggang ngayon. Isang halimbawa ay ang Appian Way na nag-uugnay sa Rome at Timog Italy.
Gumawa rin sila ng mga aqueduct upang dalihin ang tubig sa lungsod. Pagdating sa arkitektura ay sinasabing ang mga Romano ang nakatuklas ng semento. Marunong na rin silang gumamit ng stuko, isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader.
Ang arch na natutuhan ng mga Roman mula sa mga Etruscan ay ginamit sa mga templo, aqueduct at iba pang mga gusali. Ang estilo ng gusali na ipinakilala ng mga Roman ay ang basilika, isang bulwaga na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng asembleya. Ang forum ay ang sentro ng lungsod at ang koliseum, isang amphitheater. para sa labanan ng mga gladiator. Pagdating sa pananamit ay dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman.
Ang tunic ay ang kasuotang pambahay na hanggang tuhod at ang toga ay isinusuot naman sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay. Ang mga babaeng Roman ay dalawa rin ang kasuotan. Ang estola ay ang kasuotang pambahay na hanggang talampakan at ang palya na inilalagay sa ibabaw ng estola. Estrukturang panlipunan sa iba't ibang bahagi ng asya at daigdig.