Intro Music So hello at welcome ulit sa ating Abnormal Psychology Series. So ngayon naman ay pag-uusapan natin ang isa sa mga pinakasikat, pinaka-controversial, and pinaka-well misunderstood na psychological disorder which is ang depresyon. Yes, ang depresyon ay isang mental disorder.
And no, hindi itong mariresolba ng thinking positive lang. And no, hindi ito kasalanan. And maybe, at some point in your life, naranasan nyo na ito in one form or...
Another. So yun yung pag-uusapan natin ngayon. So roll na natin yung intro na parang kailangan ko ng paltan. Hindi, wag muna. Wala akong panahon para gagawa ng bago.
So roll na natin yung intro. So, umpisa natin sa fact na ang depresyon ay isang mood, hindi ito isang emosyon. Hindi ko alam kung anong Tagalog ng mood pero basically magkaiba sila ng emotions. So, emotions usually kasi is response sa mga bagay.
bagay-bagay na nangyayari sa paligid natin. Like for example, nalaman mong pinagpalit ka ng jowa mo, so mas pangit sa'yo. So ang emotion na mararamdaman mo at that time is inis, galit, puot, pighati, at well, siguro at some degree meron kang selos na nararamdaman.
So that is emotion. Now, dahil nga nalaman mo na wala ka ng jowa at that time, so syempre medyo mag-iiba na yung mood mo. Parang masisira yung mood mo for that day, or even for that week, or even for that month. Parang hint... hindi na maganda yung mood mo.
So, in that case, yun yung mood na sinasabi kong, hirap explain kayo, example na lang. So, ang mood is pang matagalan, hindi katulad ng relasyon mo ng ex mo, and ng emotions. Okay?
So, anyway, so ang depression ay isang mood, and just like anxiety na napanood natin nung last na video natin, natural lang na magkaroon ng depressed mood ang isang tao. So ang depressed mood is parang wala kang gana, low yung energy mo, parang ang hirap bumangon, and then ang hirap ngumite kahit nasa harap mo na yung bias mo sa K-pop. And just like anxiety, nagiging disorder lang ito kapag sobrang nakaka-apekto na negatively sa pang-araw.
araw na buhay yung depressed mood na ito. So ang tawag sa disorder version ng depression ay major depressive disorder. So may major, may depressive disorder.
So para masabi kung isang tao ay may MDD na, kailangan meron siyang two main symptoms which is yung depressed mood nga and yung pagkakawalan ng gana sa mga bagay-bagay na parang dating naman eh gusto mong ginagawa, no? Lack of interest sa mga dating interesting naman for you. Plus lima sa mga sumusunod na sintomas na sasabihin ko. So una is yung pagkabawas or pagdagdag ng timbang.
Pagkawala or pagkaroon ng labis-labis na appetite sa pagkain. Hindi makatulog or sobra naman yung tulog. So pagiging aligaga or pagiging mabagal sa mga pang-araw-araw na ginagawa ng isang tao.
Pagkahapo or pagkapagod kahit wala namang ginawa buong maghapon. Nahihirapan sa pagkoconcentrate And para sa iba naman ay nagkakaroon sila ng agam-agam About sa kamatayan Or kagustuhan nilang mamatay So kapag ang mga sintomas na ito ay nagpa-persist for more than 2 weeks na, eh pwede nang i-diagnose ng isang psychologist or ng isang psychiatrist ang taong ito ng major depressive disorder. So in summary, ang pinagkaiba ng depressed mood or pagiging malungkot lang in general, tsaka ng MDD is basically yung physical symptoms na involved sa major depressive disorder. Kasi may mga times naman na malungkot lang tayo pero hindi naman siya nagmamanifest in our physical forms.
Pero kapag nagmanifest na siya sa pang-physical natin ninyo, eh that is already accurate. candidate for major depressive disorder. Nawang tanong, anong nga ba ang cause ng major depressive disorder?
So just like any other disorder, maraming pwedeng pagmulan ang mga disorder na ito. And usually it's not just one cause, usually it's a multitude of cause interacting with one another. And ang model na gagamitin natin in explaining the origins of MDD is yung biopsychosocial approach.
So unahin natin sa biological. So biologically speaking, maraming nagsasabi sa research na ang pagiging depressed or ang tendency to become depressed is namamana. In other words, genetic siya.
So ngayon kung tatanungin nyo kung anong genes ba ang involved dito sa depression na to, kung pwede bang tagalin na lang or edit, well, wala pa sa ganung klaseng level ang genetics dito sa mundo. But it is safe to assume na ang mga genes na... na involved sa neurotransmitters, particularly yung serotonin, eh, involved din sa depressivity or tendency ma-depress ng isang tao. Basically, ang serotonin is yung tinatawag nilang happy hormones, no?
Na kung saan, kapag kulang ka daw dun, eh, magmataas yung chance na magkaroon ka ng mood disorder or even anxiety. And speaking of anxiety, kung mapapansin nyo rin, anxiety and depression are like twins, no? Madalas sa mga taong may depression is nagkakaroon din sila ng anxiety or nagkaroon sila ng anxiety bago ma-depress.
And then, yung mga ibang... ang nadidepress naman is usually meron din silang anxiety na kasama. Para silang two heads of the same dragon, no? Parang Jakiro lang. So anyway, and just like anxiety, meron din mga psychological causes.
Of course, ang depression. In general, ang cause ng mga psychological disorder is stress. And the way we respond sa stress na yun will determine if magkakaroon ba tayo ng disorder or hindi tayo magkakaroon. And if magkakaroon man tayo, eh anong klaseng disorder ang makukuha mo.
So sa case ng depression, usually ang response... ng mga tao sa mga stressors nila sa buhay is, well, wala. What I mean with wala is feeling nila eh wala na silang magagawa sa mga stress na naranasan nila sa buhay.
Kung wala silang control. And minsan kapag tatry pa nilang i-assert yung control nila, eh mas lalo pang napapalala yung problema naranasan nila. For example, may isang student na parang nag-a-aim siya ng mataas.
na grades, no? Gusto niya or magkaroon siya ng magandang performance sa school kasi gusto niya maging proud yung parents niya or whatnot. Alam niyo man dito sa Pilipinas, di ba?
So, ang gagawin niya is yun, mag-aaral siya mabuti, natatry niya yung best niya para magkaroon ng mataas na grades. And then eventually, nung lumabas, pabas na yung grades, medyo mababa pa rin yung grades niya or hindi is expected yung grade dun sa binigay niyang A4. So, dun pa lang, ikita na natin yung parang, yung control, medyo questionable. And then, nung sinabi niya sa magulang niya, ayun, no, merong look of disappointment yung magulang.
And then, after ng look of disappointment, ayun, kinumpara pa sa kapatid, sa pinsan, sa pamangkin, sa kapitbahay, at sa mga taong nasa saan-saan pa. Well, that is exaggeration, but sometimes it happens. Hindi natin alam.
So, in the end, ang matututunan niya is, Feeling niya kasalanan niya, feeling niya wala siyang control, and feeling niya mas magaling yung iba, and feeling niya wala ng meaning ang lahat. Kasi parang ano pa bang point kung mag-i-effort ako? So eventually, i-apply din niya ito sa mga ibang areas ng buhay niya.
From her love life, sa finances niya, and even sa self-worth niya as a person. So ang thought processes na to or mga beliefs na to ay automatic. So dahil lagi nangyayari sa kanya, in-apply niya na sa buong buhay niya, parang hindi niya na kinu-question kung tama ba or mali yung ganong klaseng conclusion.
na nag-a-arrive siya. So at some certain extent, walang control yung pasyente or walang control yung tao dun sa mga automatic thoughts na ito. Kaya nga automatic. And kapag nagpatong-patong yung mga beliefs na ito, nagpatong-patong yung mga experiences niya na kung saan wala siyang control, na kung saan feeling niya kasalanan niya lahat, eh magkakaroon ng pressure sa kanya and then bababa yung self-esteem niya, bababa yung self-confidence niya para ma-resolva yung mga problema na ito and parang bababa rin yung kanyang kumpiyan sa sarili na kaya niyang resolva. i-resolvahin yung mga problema na ito.
And then eventually, dahil wala na nga siyang kumpiyansa sa sarili niya, eh hindi niya na i-resolva yung mga problema na naranasan niya. And dahil hindi niya na i-resolva yung problema na naranasan niya, eh lalong mawawalan siya ng control. And lalo na siya nawalan ng control, bababa ang self-esteem niya, bababa ang kumpiyansa niya sa sarili, and then the cycle goes on and on and on hanggang sa point na magkaroon na lang ng shutdown ng mental health yung taong ito. O baga, parang binubugbog niya yung sarili niya, psychologically speaking.
So bagla na lang magsashot. down yung kanyang emotions. And pag nag-shut down ng kanyang emotions, then that is already depression or major depressive disorder.
Ang tawag sa cycle na ito ay learned helplessness na pinropose ni Martin Seligman na isang founder or co-founder ng Positive Psychology, which is a bit ironic, pero ganun niya in-explain kung bakit nade-depress yung mga tao. So itong reason kung bakit ang mga tao may depression e, meron silang intense feeling of self-blame, self-guilt, and extreme yung kanilang low self-esteem. Kumbaga, mababa talaga ang kumpiyansa nila sa sarili nila.
So, parang feeling nila, eh, hindi na nila deserve ang mabuhay sa mundong ito. As you can see, ang depression ay hindi instantly na nangyayari lang. Kaya, hindi ito mariresolba ng isang think positive ka lang or mga preachings na dapat maging think positive ka lang kasi maganda ang mangyayari in the future.
Well, maybe that's true, but for them, it's something na hindi nag-work out sa kanila. based sa experience nila. So ngayon ang tanong, may pag-asa pa bang may ahon sa malalim na depresyon ang isang tao?
So ano yung treatment na pwedeng ibigay natin sa kanila? So ang first na treatment na pag-usapan natin is of course yung biological treatment which is usually medication. So sa medication, meron tayong mga tinatawag na antidepressant.
So maraming klase and iba-iba yung mechanics na involved sa mga antidepressant. Pero in general, ang mechanics nila is kinokon... nila yung serotonin ng isang tao. So, pwede yung i-block nila yung reuptake or yung mga SSRI or pwede naman na i-stimulate nila yung mga neurons para mag-produce ng mas maraming serotonin. So, in that way, mas ma-regulate na ng tao yung kanyang mood.
So hindi na siya masyadong magiging depressed. But of course, just like any other medication, meron itong side effects. So first side effect niyan is yung magkakaroon ng weight gain, yung iba nagkakaroon ng sexual dysfunction, yung iba naman nagkakaroon ng emotional blunting or parang pagkawala ng abilidad ng tao para express yung kanyang emotions.
So kung baga magt-take nga ng antidepressant para mawala yung sadness. But eventually, dahil nawala nga yung sadness, nawala din yung ability ng tao to express his or her emotion. And just like other medications din, hindi 100% ang efficacy nito sa mga tao. Kasi may mga tao na responsive sila sa mga medication, may mga tao na wala silang response sa medication.
Minsan pa nga lumalala pa yung kanilang mga cases. So, of course, there are other alternatives for medication. One of which nga is yung mga psychological intervention.
So, mga psychotherapy. So, ang psychotherapy na binibigay sa... sa mga taong may MDD is yung tinatawag nating CBT or Cognitive Behavioral Therapy. So sa therapy na ito, tinatarget yung mga automatic thoughts and mga faulty belief systems nila about their life and about their self-esteem or about their self-worth. So ginagawa nila ito through Socratic Questioning na based sa isang philosophical method na pinauso ni Socrates.
Sa Socratic Questioning, parang pinipigilan ng isang therapist yung mga automatic thoughts and faulty beliefs ng isang tao sa pamamagitan ng pagkakwestiyon. sa validity ng mga ito. So for example, may belief yung taong ito na parang wala ng point yung buhay.
So ang gagawin ng therapist is maghuhukay pa ng mas malalim, magdidig deeper pa siya dun sa statement na yun ng kliyente. Parang tatanungin niya kung totoo ba na ganun talaga yung case. So kumbaga, pwede niyang tanong, meron ko pa bang mga ibang bagay na inaabangan sa buhay mo? And then pag sinabi ng kliyente na meron naman, or therefore, yung false belief niya na wala ng point yung buhay, eh somehow, meron pa rin siya.
Pero of course, hindi lang ganun ka-direct yun. So hindi ganun ka-simple. Meron pa siyang mga ins and outs. Meron pa siyang mga complex methods. But basically, ganun yung point niya.
Parang i-refute yung mga belief systems na ito. Ang hirap palang explain ang CBT, boys. So ang goal dito is ma-realize ng client na may ibang ways pa on interpreting the events na nangyayari sa buhay niya.
Kasi nga, usually, yung mga tao may MBD parang isa na lang yung interpretation nila sa boys. nila which is kasalanan nila lahat, walang magaganda mangyayari and hayaan ko na lang. So babaguhin yung belief system na yun. And once na magkaroon na ng change sa cognitions or sa way of thinking eh doon na i-apply yung behavioral part ng therapy. So sa behavioral part ng therapy eh i-apply yung mga realizations na yun.
So for example na realize niya na kahit in general eh wala ng pointa yung buhay no, walang point yung buhay pero worth it pa rin yung time na ginugugol niya sa pamilya niya no. O kaya inaabangan niya pa rin yung bagong chapter ng One Piece no, ang gagawin niya. is mag-spend siya ng more time sa family niya.
Or magkakaroon siya ng time para tignan yung mga ibang fans ng One Piece para pag-usapan kung ano yung mga theory regarding sa spoiler basta ni Luffy or something like that. So in that way, parang magkakaroon siya ng ibang experience na mag-refute dun sa belief niya na ang buhay is wala ng kwenta. That's the hope, of course. But of course, ang example na ito is Very simplistic, no? Mas complicated pa yung mga real-life cases ng depression and how to do CBT with them, no?
But I guess you get the point. And as you can see din, malaking factor din yung social support, no? Sa therapy ng isang tao may MDD.
Kasi nga naman madala... Alas yung source ng mga stressors ng mga tao may MDDs involve usually yung mga relationships nila. Hindi naman necessarily na-abuse sila or something like that, although there are some things na nangyayaring ganon.
But minsan kasi nasa perception din nung taong may depression. May mga times na parang feeling niya unsupported yung family or may mga times din naman or madalas na may misunderstanding sa family. So sa therapy, tinuturoan din yung client na i-resolve ba yung mga ganitong klaseng problema.
Kasi nga naman kung after ng therapy, babalik siya sa pamilya niya. na in the first place yung reason kung bakit nagkaroon siya ng depression, eh baka mag-relapse lang. And baka pag nag-relapse, mas malala pa yung symptoms na maranasan niya.
Kasi usually, yung depression, nag-relapse yan. Once na nagkaroon ka ng depression, and then nawala yung depression mo, tapos nagkaroon ka na naman ng stressor, bigla ka na ako madi-depress. So, at least kung magkaroon naman ng relapse, well-equipped na yung client at family para i-deal yung disorder. So, in summary, ang goal sa pagtitreat ng depression is, first of all, breaking the automatic thought. or yung beliefs.
And second is, turuan ng client na magresolba ng mga problema para tumaas yung kumpiyansa niya sa sarili na kaya niyang resolbahin yung mga stress na naranasan niya sa buhay so that hindi niya nahahayaan na lang yung mga stressors na yan. Tapos, hindi na magpatong-patong. Once na na tumaas yung kumpiyansa niya sa sarili and nasosolve niya na yung problema niya, e, tataas na yung self-confidence niya and pag tumaas yung self-confidence niya, mas lalo niya nang isosolve yung problems niya and the cycle will go up imbis na go down.
So ang major depressive disorder ay isang mental disorder na once or twice mararanasan ng mga tao sa talambuhay nila. Madalas nawawala din itong mag-isa, lalo na pag mild yung mga symptoms niya, pero may mga times na sa ibang tao, given the worst of circumstances, lumalala towards moderate to severe symptoms of depression. To the point na pwede na itong makakitil ng buhay ng isang tao. So para sa mga tao may MDD kasi feeling nila ang mundo ay parang nasa isang malalim na hukay, madilim, makipot at mahirap makaahon mula dito.
Pero kung tatawagin natin sila, bibigyan natin sila ng pansin, bibigyan natin sila ng atensyon at pagintindi, marahil ay pwede nilang maisipang tumingala at makita na may liwanag pa rin ang buhay. And kung iabot natin ang kamay natin sa kanila ng walang pag-uusga at puno ng suporta, marahil ay matutulungan din nila ang sarili nila para makaahon mula sa kadaliman na dala ng kalangkota. So ayan, napapag-usapan natin kung ano nga ba talaga ang depresyon, ano yung causes ng depresyon, and ano yung mga ilan sa mga treatments na pwedeng ibigay sa mga tao may major depressive disorder.
So sana may natutunan kayo and nag-enjoy kayo kahit papano. And huwag nyo kalimutang i-like and i-share nyo na to sa mga over-positive thinker nyong friends nang maintindihan nila yung mga... mga memes na pinapost nyo from time to time. And huwag nyo rin karemuta mag-subscribe for more content like this. And by the way, shoutout nga pala sa ating mga long-time member ng channel na si Ivy Janelle Barros, si Alanita Librada, Julie Ann Beltran, and of course si Terese Castro.
So maraming maraming salamat sa pag-support ng channel. And if you also want to support the channel, you can be a member. Click nyo lang yung join and tignan nyo na lang kung ano yung mga perks na binibigay natin sa mga members. So yun lang. lang mo na sa ngayon at maraming salamat sa pananood at hanggang sa muli.
Paalam!