Music Good Vibes Only para akit swerte! Music Kung bago po kayo sa ating channel, maaari lang pong i-click ang subscribe at ang bell para manotify kayo sa tuwing meron tayong mga bagong video. Mga variety ng wika, kahulugan at halimbawa.
Ang ating wika ay may iba't ibang variety. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan. Geografiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian, at uri ng pangkat itniko na ating kinabibilangan.
Dahil sa pagkakaroon ng heterogeneous na wika, tayo ay nagkakaroon ng iba't ibang baryasyon nito, at dito nagugat ang mga variety ng wika. Ayon sa pagkakaiba ng mga individual. Unang halimbawa dito ay ang ideolik.
Bawat individual ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak. ng kanilang pagkatao.
Ito ay mga salitang namumukod tangi at unique. Ang mga halimbawa ng idiolik ay ang masayahin na pananalita ni Mark Logan sa mga kwento ni Mark Logan. Ang kakaibang tuno ng pagsasalita ni Rufa May Quinto. Go, go, go!
Todo na to! Naiibang tono sa pagbikas ni Nolly Di Castro ng mga katagang Magandang Gabi, Bayan? Ang maharot na istilo ng pag-i-interview ni Arnold Clavio.
Ang malumanay na pananalita ni Charo Santos Concio sa kanyang programang Maalaala Mo Kaya? Sa madaling salita, mas madaling natin makilala ang isang tao sa kanilang sariling tono o simbolo bilang pagkatao. Sila ay mga halimbawa lamang ng mga prominenteng tao sa ating lipunan na may sariling tatak na sumisimbolo sa kanilang pagkatao.
Nakakabilib nga naman kung tutuusin na walang dalawang individual ang magkapareho sa aspetong pananalita. Pangalawa ay ang dialect. Ito ay variety ng wika na nalilikha ng dimensyong geografiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa particular na rehyon o lalawigan ng kanilang kinabibilangan.
Tayo ay may iba't ibang uri ng wikang panrehyon na kung tawagin ay wikain. Merong tatlong uri ng dialect. Una ay ang dialek na geografiko.
Ito ay batay sa espasyo ng lugar. Dialek na tempura, batay sa panahon. Dialek na sosyal, batay sa katayuan ng pamumuhay.
Narito ang mga halimbawa ng dialek. Una, Tagalog. Bakit?
Batangas. Bakit ga? Bataan. Bakit a? Ilokos.
Bakit ngay? Pangasinan. Bakit e? Tagalog.
Nalilito ako. Bisaya. Nalilibog ako.
Naglibog ako. Ang pangatlo naman ay ang sosyolek na minsan ay tinatawag na sosyalek. Ito ay pansamantalang variety lamang.
Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Sosyolek. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyoekonomiko at kasarian ng individual na gumagamit ng mga naturang salita.
Mga halimbawa, kalurki, wala akong masay. Na ibig sabihin ay kaloka, wala akong masabi. Oh my God, it's so mabaho naman dito. Na ang ibig sabihin ay, nako, ang baho naman dito.
Pangatlo, wapakels ako sa modra mo. Wala akong pake sa mama mo. Pangapat, okay, gora na tayo.
Sige, punta na tayo. Ito ay mga halimbawa ng sociolect. Ang pangapat naman ay ang tinatawag na etnolect, isang uri ng barayti ng wika na na-develop mula sa salita ng mga etnolongwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pakat-itniko, Sumibol ang iba't ibang uri ng etnolek.
Taglay nito ang mga wikang naging bahagi ng pagkakilanlan ng bawat pangkat etneko. Halimbawa, palangga sa ilonggo, na ang ibig sabihin ay minamahal. Kalipay, na ang ibig sabihin ay tua o ligaya. Kalipay sa mga Bisaya, Tohan, tawag sa Diyos ng mga Maranao, Oha ng mga Ifugaw na ang ibig sabihin ay isa, Kadal-Hirayo na ang ibig sabihin ay sayaw ng kasal na nagmula naman sa Kalinga-Apayaw. Marami sa mga wikang etnolek.
ay halos namamatay na o bihira na nating marinig. Karamihan sa mga katutubo ay lumilisan sa kanilang lugar dala ng kahirapan sa buhay. Sa kanilang pangingibang lugar ay tuluyan na rin nilang nawawaglit ang paggamit ng kanilang katutubong wika.
Naging salitang Tagalog na ang kanilang pangkaraniwang gamit, lalo na sa mga batang membro ng kanilang mga pangkat. Panglima ay ang ekolek. Ito naman ang variety ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan.
Ito ang mga salitang madalas ay namumutawi sa bibig ng mga bata at mga matatanda. Malimit ito ang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-talastasan. Mga halimbawa ng ekolek, mama at papa meron ring mudra at pudra. Kaibigan, ngayon meron na tayong beshi o kaya dabarkads at taong bayan na ngayon ay nauunawaan na natin yung salitang madlang people na nangangahulugang taong bayan. At para naman sa mga kabataan, ginagamit ang salitang baguets.
Ikaanim ay ang pidgin. Ito ay variety ng wika na walang formal na estruktura. Ito ay binansagang nobody's native language ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang individual na naguusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang kumong wikang ginagamit.
Umaasa lamang sila sa mga makeshift na salita o mga... pansamandalang wikal lamang. Halimbawa ng pidgin. You're so funny talaga.
Ibig sabihin, nakakatawa ka talaga. I don't like nga sabi. Ayaw ko nga sabi. Aray, it's so hurt. Ibig sabihin, aray, sobrang sakit.
You make pili na sa mga dress here. Pumili ka na sa mga damit dito. It's okay, kaya ko to.
Ayos lang, kaya ko to. Sa ibang konsepto, sinasabing ang pidgin ay nagiging makeshift language ng dalawang taong hindi pareho ang wika upang maging tuloy-tuloy ang kanilang usapan o komunikasyon. Sabi pa nga ng ilang eksperto sa wika, ang pidgin ay nobody's native language.
o wikang hindi katutubo kanino man. Ikapang pito na variety ng wika ay ang kreole. Ito naman ang mga variety ng wika na nadevelop dahil sa pinaghalo-halong salita ng individual mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar.
Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol, ang Chavacano. At pinaghalong Arikan at Espanyol, ang Palengkuero. At ang halong Portugis at Espanyol, ang Anobonis. Narito ang mga halimbawa ng Kriole.
Minombre ang pangalan ko. Di donde lugar to? Taga saan ka? Buenas dias. Ibig sabihin magandang umaga.
Buenas tardes. Magandang hapon. Buenas noches.
Magandang gabi. At ang pangwalo ay ang register. Minsan sinusulat na register na merong letrang J. Ito ay barayti ng wikang espesyalisadong ginagamit ng isang particular na domain. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
Una ay ang larangan, pangalawa ay ang modo at ang tenor. Ang larangan, ang layunin at paksa nito ay naaayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito. Ang modo naman ay ang paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
At ang tenor ay naaayon sa relasyon ng mga naguusap. Narito ang mga halimbawa ng register. Una ay ang mga salitang jejemon.
Mga salitang binabaliktad. Ethneb. Gagaya ng ginagamit ni Esco Moreno.
Mga salitang ginagamit sa text. Mga salitang ginagamit ng mga iba't ibang profesyon gaya ng mga doktor. Ang mga variety ng wika.
Maraming salamat sa pagbisita ng ating channel.