Transcript for:
Karapatan at Pananagutan ng Mamimili

Ngayong araw na ito ay tatalakay naman natin ang module tungkol sa pagkonsumo, ang mga karapatan at pananagutan ng mamimili. Kung bago ka pa lang sa aking channel, huwag kalimutang i-like, comment, subscribe, share at i-turn on nyo na rin ang notification bell para sa mga susunod pa ng mga videos. O siya, sugdan na nato! Tayo pa rin ay nakaangkla sa most essential learning competency na dahil pag pagtatanggol ng mga karapatan at nagagampana ng mga tungkulin bilang isang mamimili. Partikular sa araling ito, kayo inaasahang na ipapaliwanag ang mga karapatan na mamimili, nagagampana ng mga pananagutan na mamimili, at na ipagtatanggol ng mga karapatan bilang isang mamimili. Bago tayo tumungo sa ating talakayan, ay magpapalik-aral muna tayo. Nung nakarang linggo sa Module 7 ay tinalakay natin ang mga pamantayan ng pamimili. Ating balikan. Maalala mo kaya? Balikan natin ang aralin sa kahulugan at mga salik na nakaka-apekto ng pagkonsumo. Punan mo ng mga titik ang mga patlang upang mabuo ang salitang tinutukoy sa bawat payag. Dapat mong tandaan ang iyong mga karapatan, tungkulin at mga ahensya ng pamahalaan na maaaring makatulong sa iyo upang makamit ang makatarungang pakikitungo bilang consumer sa panahong maharap ka sa di mapanagutang negosyante. Ang batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili. Nakatakda sa Republic Act 7394 o ang Consumer Act of the Philippines, ang kalipunan ng mga patakarang na bibigay proteksyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili. Isinusulong sa batas na ito ang kagalingang dapat makamit ng lahat ng mamimili. Itinatadhana ng batas na ito ang mga pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at industriya. Ang sumusunod ang binigyang pansin ng batas na ito. Una, ang kaligtasan at proteksyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan. Pangalawa, proteksyon laban sa mapaninlang at hindi makatanong ang gawain may kaugnay sa operasyon ng mga negosyo at industriya. Pangatlo, pagkakataong madinglig ang reklamo at hinain ang mga mamimili. At pangapat, representasyon ng mga kinatawan ng mga samahan na mga mamimili sa pagbabalangkas at pagbuo ng mga patakarang pagkabuhayan at panlipunan. Tayo'y tumunguna sa walong karapatan ng mamimili. Ang kagawaran ng kalakalan at industriya o ang Department of Trade and Industry ay naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksyon sa pamilihan. Una na riyan ang karapatan sa pangunahing pangangailangan. May karapatan ka sa sapat na pagkain, pananamit, masilungan o tahanan, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay. Pangalawa, ang karapatan sa kaligtasan. May karapatan ka rin bigyan ng katiyakang ligtas at mapangalagaan ka laban sa pangangalakal ng panindang makakasama o mapanganib sa iyong kalusugan. Pangatlo, karapatan sa patalastasan. May karapatan ka rin mapangalagaan laban sa mapandinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etikita at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain. Ito ay kailangang malaman ng mga mamimili upang maiwasan ang pagsasamantala ng iba. Pangapat, karapatang umili. May karapatan ka rin pumili ng iba't ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kumpanyaman, dapat na magkaroon ng katiyakan sa kasiyasiang uri at halaga ng produkto nila. Panglima, karapatang digin. Ika'y may karapatang makatiyak ng kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakara ng pamahalaan. Panganib, karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan. May karapatan kang mabayaran sa anumang kapinsalaan, kasinungalingan o mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibibigay o pinagbibili kahit na ito ay sa pagkakamali. Kapabayaan o masamang hangarin. Dapat na magkaroon ka ng walang bayad na tulong sa pagtatanggol. Pangpito, karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamili. May karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan. Ito ay nagtataglay ng karapatan ng katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hak. bangin makatutulong sa mga desisyong pang mamimili. Pangwalo, ang karapatan sa malinis na kapaligiran. May karapatan ka sa kalayaan, pagkapantay-pantay, at sapat na mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao. At ikaw ay may malaking pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong kapaligiran So, Para sa kalusugan at kinabukasan ng ating salinlahi, ang kagawaran ng kalakalan at industriya o DTI ay nagpalaganap din ng limang pananagutan ng mamimili. Ito ay mga sumusunod. Una, ang mapanuring kamalayan. Ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit. Pangalawa, ang pagkilos. Ito ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo. Kung tayo'y mananatili sa pagwawalang bahala, patuloy tayong mapagsasamantalahan ng mga di mapanagutang negosyante. Pangatlo, pagmamalasakit sa panlipunan. Ang tungkuling alamin Kung ano ang imubungan ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-lalo na ang pangkat ng mga maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal, pambansa o pandaigdigan na komunidad. Pang-apat, kamalayan sa kapaligiran. Ito ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran, bunga ng hindiwastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin ang ating likas na kayamanan para sa ating kinabukasan. At panghuli, pagkakaisa, ang tungkuling magtatag ng samahan ng mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan. Narito naman ang iba't ibang mga Consumer Protection Agencies. Ang mga sumusunod ay ang mga ahensya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong ang kapakanan ng mamimili. Number 1. Ang BFAD, ang Bureau of Food and Drugs. Sila ang nangangasiwa hingkil sa inaluan, ipinagbabawal, maling itikita ng gamot, pagkain, babango at make-up. Pangalawa, ang City Treasurer. Sa kanila ay dinudulog ang mga paglabag hinggil sa madaya o tampered na timbangan at mapanlin lang na pagsukat. Pangatlo, ang Department of Trade and Industry o ang DTI. Sa kanila ang mga paglabag sa batas ng kalakalan at industriya. Maling itiketa ng mga produkto, madaya at mapanlin lang na gawain ng mga mga ngalakal. Pangapat, ang... Energy Regulatory Commission o ERC. Sa kanila naman ang mga reklamo laban sa pagbibenta ng diwastong tsukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng liquefied petroleum gas o LPG. Panglima, ang Department of Environment and Natural Resources Environment Management Bureau o DENR-EMB. Sila ang namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran, partikular ang pulusyon. Halimbawa ang pagsasalaula sa hangin at tubig. Pang-anim, Fertilizer and Pesticide Authority o ang FPA. Sa kanila ang reklamo hinggil sa hinaluan, ipinagbabawal, maling itikita ng pamatay insekto at pamatay salot. Pang-pito, ang HLURB o ang Housing and Land Use Regulatory Board. Silang nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ng mga subdivision. Pang-walo ay ang Insurance Commission. Sa kanila naman, ang hinggil sa hindi pagbabayan ng kabayaran ng siguro o securities. Pang-syam, ang Philippine Overseas Employment Administration, ang POEA. Sa kanila naman ang mga reklamo laban sa mga illegal recruitment activities. Pang-sampu, ang Professional Regulatory Commission, ang PRC. Sa kanila naman, idinudulog ang hinggil sa mga hindi pagbabayan ng kabayaran ng siguro o securities. hindi matapat na pagsasagawa ng profesyon kabila ng mga accountant, doktor, ingenier at iba pa. At panghuli ang Securities and Exchange Commission o SEC hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng Pyramiding Scheme Investment. Ating isaisip, ating bui ng pahayag, puna ng mga patlang ng tamang salita mula sa ating tinalakay. Isagawa at paghiyamanin pa. Kapag may katwiran, ipaglaban mo. Ipagpalagay na ikaw ay nakabili o nakagamit ng produkto-servisyo na pinanggit sa ibaba. Gumawa ng kaukulang letter of complaint upang may parating sa kinauukulang ehensya ng pamahalaan ang nasabing paglabag sa iyong karapatan bilang mamimili. Pumili lamang ng isang sitwasyon. Binabati kita. Natapos din natin ang ating talakayan tungkol sa pagkonsumo, ang karapatan at pananagutan ng mamimili. Ito pa rin si Sir Mike Sabanal sa muli nating pagkikita. Paalam!