Music Music Ito ay komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw. Ito rin ay sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Ginagamit ito sa halos lahat ng larangan, lalong-lalo na sa aghampanlipunan, humanidades at edukasyon. Ang sanaysay ay mula sa wikang Ingles na essay na mula naman sa salitang Latin na hexagium na ang ibig sabihin ay gawin, mag-alis, mag-timbang, at mag-balanse. Noong huling bahagi ng ikalabing-anim na daan taon, sa pamamagitan ng inilathalang sulatin ng pranses na si Michael de Montaigne na pinamagatang essays, naitakda ang kahulugan ng essay ayon sa naging hangari ng manunulat na maging isang pagkatangka na makapagpahayag ng mga kuro-kuro at karanasan ang sulatin.
Ayon kay Michael de Montaigne, ang sanaysay ay pagdatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan at ginagamit upang direktang makipagtalastasan sa sino mang mambabasa. Kung ang liriko ay para sa panulaan, ang prosa naman ay para sa sanaysay. Para naman kay Henoveba Edrosa Matute, ang sanaysay ay pagdataya sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuro-kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw, magbigay kaalaman o magturo.
Idinugtong pa niya na ang sanaysay ay isa sa mga anyong higit sa nagpapaisip sa pangunawa, bumubuo at nagpapatibay sa isip at damdaming bayan. Mayroong dalawang uri ng sanaysay, formal at di-formal. Ang formal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa.
Naglalaman ito ng mahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunod-sunod upang lubos na maunawaan ng gumabasa. Samantala, ang di-formal na sanaysay ay tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal. Nagtataglay ito ng opinion, kuro-kuro at pagalarawan ng isang may akda. Sa paksa o tema, naghahatid ng mahalagang kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagbasaayos ng informasyon ang formal na sanaysay. Samantalang sa dipormal na sanaysay, pagtalakay ng paksang pangkaraniwan at personal, gayon din mapangaliw ang paksa o tema.
Pagating sa gamit ng salita, maingat na pinipili ang pananalita sa formal na sanaysay, samantalang Ang pananalita ay tila nakikipag-usap lamang sa isang kaibigan sa di-formal na sanaysay. Maanyo, makahulugan, matalinghaga, matayutay, seryoso, intelektwal at walang halong biro ang formal na sanaysay. Samantalang sa di-formal na sanaysay, Ito'y mula sa mga bagay-bagay katulad ng karanasan at ang tono ay palakaibigan at pamilyar.
Mapitagan, gumagamit ng ikatlong panauhan sa formal na sanaysay, samantalang ang may akda ang tagapagsalita at ang mambabasa ang tagapakinig sa di-formal na sanaysay. May tatlong bahagi ng sanaysay. Panimula, gitna, at wakas.
Sa bahaging panimula, madalas inilalahad ang panunahing kaisipan o pananaw ng may akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakan. Sa gitnang bahagi, inilalahad ang iba pang karagdangang kaisipan o pananaw, kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan. At sa wakas na bahagi, nakapaloob ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at katwirang inisa-isa sa katawan ng akda. Narito naman ang mga elemento ng sanaysay. Tema, anyo at estruktura, kaisipan, wika at estilo, larawan ng buhay, damdamin, at hinig.
Tema at Nilalaman Ito ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa, anyo at estruktura. Ito ay isang mahalagang sangkap na nakaapekto sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagunawa sa sanaysay. Kaisipan, ito ay ang mga ideyang nabanggit, nakaugnay o nagpapalinaw sa tema, wika at estilo.
Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagunawan ng mambabasa. Higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag. Larawan ng buhay Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay.
Masining na pagalahad na kung saan gumagamit ng sariling himig ang may akda. Damdamin Naipahahayag ng isang magaling na may akda ang kanyang damdamin ng may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan. Himig Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.
Maaaring masaya, malukot, mapanudyo at iba pa. Thank you for watching!