Ako po si Vanjo Merano at welcome sa Panlasang Pinoy! Para sa araw na ito, magluluto tayo ng isang special na sweet and sour dish gamit ang isda. At ito ang sweet and sour tilapia.
Ito yung mga sangkap na kakailanganin natin. Tilapia. Pwede rin kayong gumamit ng kahit anong uri ng isda. Nilinisan ko na ito at nalagyan ko na ng incision sa gilid. Red bell pepper at green bell pepper.
Hiniwa ko lang into thin strips. Gagamit din tayo ng karot at ng luya. Ito naman yung sibuyas na pula, bawang na dinikdik ko lang at hiniwa ko ng malilit na peraso, tomato ketchup, kailangan din natin ng sukang puti, asukal, cornstarch, At ng Knorr Liquid Seasoning. Bukod sa mga sangkap na ito, gagamit tayo ng tubig, ng mantika, ng asin, at ng ground black pepper.
At ito naman yung kumpletong listahan ng mga sangkap na iyan. Kung handa na kayo, tara na! Magluto na tayo!
I-prepare muna natin itong tilapia. Kung mapapansin ninyo, nilinisan ko na itong mabuti at nilagyan ko ng incision sa gilid. Kukuha lang ako ng norliquid seasoning. At papatakan ko yung mga incision, pati na rin yung cavity nitong isda. At ang purpose nitong incision sa gilid ay para ma-absorb ka agad ng isda yung lasa ng seasoning.
Yan, pagkatapos kung ilagay yung seasoning ay irarab ko lang ito para ma-spread natin yung seasoning sa buong isda. At speaking of isda, uulitin ko lang yung sinabi ko kanina. Pwedeng-pwede tayong gumamit ng ibang uri ng isda. Gamitin ninyo yung inyong paborito. At gagawin din natin itong step na ito dun pa sa pangalawang piraso.
Pagkatapos ay ilalagay ko lang ito dito sa plato. Pabayan lang natin ng mga 10 minutes pa para mas ma-absorb ng isda yung flavor. At makara ng 10 minutes, magpapainit lang ako ng mantika dito sa isang frying pan. At ipiprito na natin itong isda. Once na mainit na yung mantika, ilalagay ko na yung tilapia.
O kung anumang isda ang gamit ninyo. Ipiprito lang natin ito hanggang sa mag-golden brown na. Gumagamit lang ako ng splatter screen. Nang sa ganun ay may protection ako sa tilamsik ng mantika. So regular na pagpiprito lang itong ginagawa natin.
Once sa golden brown ang isda, ibabaliktad lang natin ito. At itutuloy lang natin ang pagluto sa kabilang side. At once sa golden brown ang kabilang side, kukunin na natin ito. Papatuloy lang natin yung mantika at ilipat na natin sa isang malinis na plato.
At iprito natin yung pangalawang isda. At once na maprito na yung pangalawang isda, ready na to. Pwede na natin iluto yung ating sweet and sour sauce. Napakadali lang itong gawin. Nagpapainit lang ako ng mantika sa isang cooking pot.
At once na mainit na yung mantika, nilalagay ko kagad itong sibuyas. Mabilisang gisa lang to. Hindi na natin kailangan palambutin pa yung sibuyas. After 10 seconds, nilalagay ko kagad yung bawang.
At pagkatapos ay isusunod kong ilagay itong luya. Itong mga sangkap na ito ang tinatawag natin na aromatics na nakakatulong para magpabango sa anumang lutuin at nakakatulong din ito para mabawasan yung lansa ng isda. Pagkagisa ng mabilisan sa luya ay ilalagay ko na yung sukang puti, pati na rin yung tubig. At papabayaan ko lang itong kumulo.
Once na kumulo na, pwede nang ilagay dito yung tomato ketchup. At hahaluin ko lang ito hanggang sa mag-dilute na ng tuluyan dito sa mixture. Tandaan ninyo, tomato ketchup ang gamit natin, hindi banana.
Dahil kung banana ketchup ang ating gagamitin, kailangan natin baguhin yung ratio ng mga ingredients. Okay? So ayan, haluin lang natin itong mabuti.
At once mahalo na, ilagay naman natin yung asukal. Ito'y granulated white sugar o yung regular na asukal na ginagamit natin sa bahay. Hahaluin ko lang hanggang sa matunaw itong asukal. At ihahanda ko na rin yung ibang sangkap.
Ito na yung carrot. Isusunod ko na dito yung mga bell pepper. Gumagamit ako ng dalawang kulay. Ito na yung kulay pula. At isusunod ko na yung kulay green.
At hahaluin ko lang muna ito. Itutuli ko lang ang pagluto ng 3 minuto pa. At dahil nga sweet and sour sauce itong ating niluluto, dapat malapot. Kaya naman, gagamit tayo ng cornstarch. Hinahalo ko lang yung cornstarch sa 3 tablespoons ng tubig.
Ito yung ating... Slurry. Pagkalagay ng cornstarch, haluin natin kaagad. Nang sa ganun hindi ito mamuus sa isang location lang.
Itutuloy ko lang ang paghalo hanggang sa lumapot na itong ating sweet and sour sauce. And at this point ay ready na to. Titimpla ko lang. Naglalagay lang ako ng asin.
Pati na rin ng ground black pepper. Pwede kang gumamit ng ground white pepper. Ahaluin lang muna natin para mag-spread mabuti yung lasa ng seasoning. At ang ginagawa ko, naglalagay ako ng isang perasong fried tilapia dito sa sweet and sour sauce.
At niluluto kayo ito ng mga 2 minutes lang para lang kumapit yung lasa ng isda sa sauce. Pero optional itong step na ito ah. Pwede kasi ninyong ilagay na sa serving plate itong fried tilapia at lagyan lang natin ang sweet and sour sauce sa ibabaw. So nasa sa inyo yan. Yung isang tilapia nasa serving plate na.
Yan, pagsasamayan ko na lang ito maya maya. At this point ay ready na to. Ililipot ko na itong isda kasama yung sweet and sour sauce sa serving plate kung saan meron ng isang fried na tilapia na naghihintay.
At iserve na natin. Eto na. Ang ating sweet and sour tilapia.
Nakapagsaing na ba kayo? O hindi tara na. Kain na tayo. Maraming salamat sa pag-uod ng video na ito. Sana may natutunan kayong bago at sana subukan nyo rin itong ating recipe para naman matikman ninyo kung gano'n ito kasarap.
At para naman sa inyo na lagi nagko-comment at nag-share ng mga videos natin, shoutout muna tayo eh. At eto na kayo. Hello sa iyo!
Joe Gonzaga, Jovey Sparks TV. Juliet Hular, Juveline Escobar. Hello sa iyo! Kat Hermes, pati na rin kay Leling Ponogan.
Hello, Luto ni Diana Vlog. Hello rin... Helen Makulit 45, Mark Cruz Kitchen.
Marlo Tanyan at Memory Dump. Hi sayo, Miss Understood, Miss Han, Mylene Laureles. Hello, Renior Eduardo's Kitchen.
Hello, Pamela Berryman, Pinay OFW. Pinoy Travel and Cooking, Princess Fel Patino. Hello sayo, Quellmere 1996. Rachel Batad, Raymart Escopel, alias Randomly Candid. Hello.
Hello rin Rayce Ashour, Rene Sarkinia, Rose Prieto, Rosel Ruiz Novki. Hello Ruby V, Sarah Plain and Tall, Senorita, Shai Manuel, Shakira May De La Rosa. Hi rin Sheena Malaga, Taste with Jewel.
Hello rin sayo, Teresita Tagara Salvador, Tinker Wonderland, Toto Rivas Food TV, Vicky Demirin at Watch Play Day. Maraming salamat. Maraming salamat sa inyo lahat sa laging pagko-comment sa ating mga video at pag-share na rin. Sana'y huwag kayong magsawa.
At para naman sa inyo na hindi pa nagsasubscribe dito sa YouTube, iniimbitahan ko kayo na mag-subscribe na. I-click nyo lang yung subscribe button na nasa ilalim ng video. Kung meron kayong mga recipe request, sabihin nyo lang sa akin, mag-comment lang din kayo. At dun sa mga hindi pa nagpa-follow sa Instagram, iniimbitahan ko kayo na mag-follow naman, please.
I-search nyo lang, Panlasang Pinoy. Okay, maraming salamat ulit at huwag nung kalimutang bumisita sa paninoon. panlasangpinoy.com.
Yan ang ating food vlog kung saan nyo makikita lahat ng mga recipes. Maraming salamat sa pagnood ng video na ito at magkita-kita tayo sa ating susunod na video.