Ang konsepto ng pagkamamamayan Ang mga mamamayan ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang yaman ng isang bansa dahil sa mga mamamayan nakasalalay ang kinabukasan at kaunlaran ng isang bansa. Ang pagmamamayan o citizenship, ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado. Ang konseptong ito ay nagmula sa mga Griego. Ang kabihas ng Griego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis, isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at mithiin. Limitado ang pagiging mamamayan sa mga kalalakihan, kung saan ang mga mamamayan ay may kalakip na karapatan at pribiliheyo.
Ayon sa orador na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga mamamayan kundi maging ang kalagayan ng Estado. Ang isang mamamayan ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembleya at pagliligis. Sa paglipas ng panahon ay nagbago ang konsepto ng pagkamamamayan. Sa kasalukuyan, ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa isang legal na kalagayan ng isang individual sa isang estado.
Ayon sa aklat ni Murray Clark Havens noong 1981, ang pagmamamayan ay ang ugnayan ng isang individual at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang individual sa isang estado kung saan bilang isang mamamayan ay ginagawaran ng mga karapatan at tungkulin. May dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan na umiiral.
Ito ang Jus Sanguinis at Jus Soli. Ayon sa prinsipyo ng Jus Sanguinis o Rite of Blood, ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa dugong nananalaytay sa kanyang ugat. At ayon naman sa prinsipyo ng Jus Soli o Right of the Soil, ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa lugar kung saan siya isinilang.
Sa Pilipinas ay nakasaad sa Saligang Batas ng 1987 ang mga legal na basihan ng pagkamamamayan. Sa ilalim ng Article 4, Section 1 ay tinukoy ang mga mamamayan ng Pilipinas. Sila ang mga yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang batas na ito. yaong ang mga ama mga ina ay mamamayan ang Pilipinas, yaong mga isinilang bago sumapit ang January 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino at pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang at yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Sa ilalim ng Section 2 ay tinukoy naman ang mga katutubong inianak na mamamayan ng Pilipinas o ang mga natural-born citizens. Sila ang mga yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang, na wala nang kinakailangan gampanang anumang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. At iyaong mga nagpasya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Section 1, Talataan 3 na dapat ituring nakatutubong inianap na mamamayan.
Isinasaad sa Section 3 na ang pagka mamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinadhana ng batas. Ang mga dahilan upang mawala ang pagkamamamayan ng isang individual ay ang mga sumusunod. Siya ay sumailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa. Ang panunumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa, tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan, at nawala na ang visa ng naturalisasyon. Ayon naman sa Section 4 ay mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng isang mamamayan ng Pilipinas na mag-aasawa ng mga dayuhan.
Matangik kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng batas na nagtakwil nito. At isinasaad sa Section 5 na ang pagkakaroon ng dalawang katapatan ng isang mamamayan ay salungat sa kapakanampang bansa at dapat lapatan ng kaukulang batas. Sa kasalukuyan, ang pagkamamamayan ay tinitingnan hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng Estado. Bagkus, may tuturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan.
Ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kanyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kanyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat. Tinitingnan ng isang indibidwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang tao. At bilang bahagi ng isang lipunan ay may mga karapatan at tungkuling dapat gampanan. Inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyong kinakaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito.
Ang mamamayan ngayon ay hindi lamang tagasunod sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan. Sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang dapat ipatupad sa isang estado. Kung gayon, hindi niya iaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan. Sa halip, siya ay nakikipagdayagulo rito upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon sa mga hamong kinaharap ng lipunan.
Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, ay maaaring matukoy ang mga katangian ng isang mabuti at responsabling mamamayan. Siya ay makabayan, may pagmamahal sa kapwa, may respeto sa karapatang pangtao, may pagpupunyagi sa mga bayani, ganap ang mga karapatan at tungkulin bilang isang mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip. Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawain na maaaring makatulong sa ating bansa. Ang mga gawain ito ay maituturing na mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa. Ngunit sa kabila ng pagiging simple na mga gawain ito, ay maaaring magbunga ang mga ito ng malawakong pagbabago sa ating lipunan.
Ang konsepto ng pagkamamamayan