Kolonyalismo at Imperialismo Sino siya? Ferdinand Magellan Noong September 20, 1519 Sinimulan ni Ferdinand Magellan ang paglalakbay upang tuklasin ang isla ng Pampalasa, ang Maluku o Molucas na kasalukuyang bahagi ng Indonesia. Noong March 16, 1521, dumating si Magellan sa Pilipinas. Noong April 14, 1521, naganap ang kauna-unahang naitalang kristyanong binyag sa Pilipinas. Ito ay sa pangunguna ni Padre Pedro de Valderrama, ang pari ng Ekspedisyong Magellan-Elcano.
Idinaos ang isang misa at kauna-unahang kristyanong binyag sa dalampasigan ng Cebu. Kasunod ng ulat na ayaw makipagkasundo ng pinuno ng Mactan na si Lapu-Lapu sa mga Espanyol, nagtungo noong April 26, 1521 sa Mactan si Ferdinand Magellan. upang personal na harapin si Lapu-Lapu.
Noong April 27, 1521, naganap ang makasaysayang labanan sa Mactan. Ito ay sa pagitan ng pwersa ni Ferdinand Magellan at leader ng Mactan na si Lapu-Lapu. Nasawi si Magellan matapos tamaan ng sibat na may lason at kuyugin ng mga katutubo.
Itinuturing si Lapu-Lapu bilang unang bayaning Pilipino. Tatlong tauhan ang pumalit bilang pinuno ng ekspedisyon matapos ang pagpanaw ni Magellan, si Duarte Barbosa na nasawi sa Cebu, si Juan Carvalho na nagutos wasakin ang Barkong Concepcion at kalaunay naalis sa pagkapinuno, at si Gonzalo Gomez de Espinosa. Dalawang barko na lamang ang nagawang makarating sa Molucas. Sa Ternate, Molucas, naghiwalay ng landas si Espinosa, ang kapitan ng Barkong Trinidad, at Sebastian Elcano, ang kapitan ng Barkong Victoria. Sinubukan maghanap ni Espinosa ng ruta pabalik sa Espanya, ngunit sila'y nadakip ng mga Portugues.
Samantala, matagumpay na nakabalik si Elcano sa katubigan ng Espanya noong September 6, 1522. Ang Barkong Victoria ang tanging barko ng Magellan-Elcano Expedition na nagawang maikot ang mundo. Tanging 18 mula sa 245 na orihinal na tauhan ng ekspedisyon ang nagawang bumalik sa Espanya. Ang Magellan-Elcano Expedition ang siyang maituturing na kauna-unahang matagumpay na paglibot sa buong daigdig sa pamamagitan ng paglalayag o circumnavigation. Napatunayan din ng paglalakbay na bilog ang mundo.
Paano nga ba nakarating si Magellan sa Pilipinas? Paano nakarating ang mga Europeo sa Timog Silangang Asya? Bakit ma- maraming naghahangad na masakop ang Molucas.
Molucas, tinatawag ding Maluku, kilala bilang Spice Island. Mataas ang paghahangad at pangangailangan ng mga kanluranin sa mga pampalasa, tulad ng nutmeg, cloves at mace, cinnamon, pepper. Nais marating ng mga kanluranin upang makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa.
Halos kasing halaga ang pampalasa ng ginto. Bukod sa pampalasa sa mga pagkain, ang spices ay ginagamit din ng mga kanluranin upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango, cosmetics at medisina.
Alam niyo ba na bago ang pagtuklas at pananakop, ay may ugnayan ng nagaganap sa mga Europeo at mga Asyano? Nagsimula ang ugnayan ito sa pamamagitan ng palitan ng kalakal sa mga Asyano at Europeong mga ngalakal. Ang pinakatagpuan nila ay nagaganap sa tatlong pangunahing ruta ng kalakalan sa Asya. Una, ang Hilagang Ruta na nagsisimula sa China at binabagtas ang mga desierto ng Samarkand at Bukhara. Tinatawid ang Caspian Sea at Black Sea at nagtatapos sa lungsod ng Constantinople.
Pangalawa ang gitnang ruta. Mula sa India, ang mga kalakal ay dinadala ng mga sasakyang pandagat hanggang Ormus sa Golfo. ng Persia. Mula rito ang mga kalakal ay inihahatid sa pamamagitan ng mga kamelyong naglalakbay patungo sa mga lungsod ng Antioch, Aleppo at Damascus. At ang huli ay ang Timog na Ruta na nagsisimula sa India, babagtasi ng karagatang Indian, babaybayin ang Arabia, tuloy sa Red Sea hanggang sa makarating sa Cairo o Alexandria sa Egypt.
Dumating ang panahon na ang ruta ng kalakalan na na nag-uugnay sa mga mga ngalakal na Asyano at Europeo ay sinakop ng nagaharing Turkong Otoman. Tanging mga Italyanong mga ngalakal na lamang ang pinayagan na makadaan at makipag-ugnayan sa mga mga ngalakal na Asyano. Dahil dito, napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mga ngalakal na Europeo.
Ang pagnanais na makibahagi sa kalakalan ng spices ng Asya ang nagbunso. sa mga Europeo, nagalugarin ang mga karagatan at hanapin ang pinagmumulan ng mga pampalasa. Nagsimula ang dakilang panahon ng eksplorasyon o ang panahon ng paggalugad ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo noong ikalabing limang siglo. Ang eksplorasyong ito ay nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig.
Ano ako? Mga ginamit noong panahon ng eksplorasyon. Nagbibigay ng tamang direksyon. Kompas.
Kagamitan upang masukat ang anggulo sa pagitan ng dinaraanan at ng kalangitan. Cross-staff. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa geografikal na katangian ng mga lugar.
Mapa Kagamitan upang malaman ang latitude o layo ng barko, pahilaga o patimog mula sa ekwator. Astrolabe Makitid at mahabang bapor na nagtataglay ng triyangulo at latin na layag. Caravelle Caravelle Mga bansang nanguna sa eksplorasyon. Sa tulong ng mapa at watawat, tukuyin ang mga bansang kanduranin na nanguna sa eksplorasyon.
Portugal Spain France Netherlands Great Britain Pamprosesong mga tanong, bakit mahalaga ang pagkakatuklas sa mga bagong lupain? Paano nakatulong ang mga manlalayag sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating, papayag ka ba? Bakit?
Ang eksplorasyon ay nagbigaydaan sa kolonyalismo. Ang kolonyalismo ay ang pagsakop ng... ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
Tatlong bagay o triges ang itinuturing na motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon. Ito ang pagpapalaganap ng Kristyanismo o God? paghahanap ng kayamanan o gold at paghahangad ng katanyagan at karangalan o glory.
Pili letra. Ang Europa ay dumepende sa mga matatagpuan spices sa Asia at sa India. Ang mga sumusunod ay spices maliban sa asukal.
Ang mga spices na natagpuan ng mga Europeo sa Asia ay ginagamit nila sa kanilang pagpreserba sa kanilang mga karne. Gumamit ang mga manlalakbay at mandaragat na Europeo sa kanilang mga eksplorasyon ng mga kagamitang makatutulong sa kanila upang tuntunin ang kanilang mga destinasyon. Ang mga sumusunod ay mga kagamitan sa paglalakbay, maliban sa... Caravelle Kagamitan upang malaman ang latitude o layo ng barko, pahilaga o patimog mula sa ekwator.
Astrolabe Ang kauna-unahang bansang Europeo na naglunsad ng eksplorasyon sa mga kalupaan at karagatan sa silangan ay ang Portugal. Ang kanyang ekspedisyon ay nagpatunay na ang mundo ay bilog. Ferdinand Magellan Ang instrumentong ginamit ng mga nabigador upang malaman ang geografiyang direksyon sa kanilang paglalakbay. Kompas Barkong nakabalik sa Espanya noong ika-anim ng Setiembre 1522. Ang barkong unang nakaikot sa daigdig.
Victoria Ruta ng kalakalan na nagmumula sa India ang mga kalakal at dinadala ng mga sasakyang pandagat hanggang Ormuz sa Persian Gulf. Gitnang Ruta Siya ay isang dato sa pulo ng Mactan sa Cebu na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa mga taga-Europa at naging dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Ferdinand Magellan. Itinuturing siya bilang pinakaunang bayanin Pilipino. Lapu-lapu Jumbled Letters Ito ang mga unang uri ng mga sasakyang pandagat na ginamit ng mga Portugues at Espanyol noong ikalabing apat hanggang ikalabing limang siglo.
Caravelle Ginagamit ito bilang pampalasa sa mga pagkain at mapreserba ang mga karneng. Spices Ang isla sa Silangan na kilala sa dami ng mga pampalasa na maaaring matagpuan at makuha dito ay ang Molucas. Ruta ng kalakalan na nagsisimula sa China at nagtatapos sa lungsod ng Konstantinopol. Hilagang Ruta Tatlong bagay na itinuturing na motibo ng kolonyalismong dulot ng eksplorasyon.
God, Gold, Glory Tunay na motibo sa pagpunta ng mga Europeo sa Asia. Sa pagsusuri, nakita na ang pangunahing layunin sa pagsikap makapunta ng mga Europeo sa Asia ay pang-ekonomiya. Kung nagpalaganap man sila ng relihiyon, ito ay pumapangalawang layunin lamang.
Ang pagtuklas ng mga Europeo ng daan papuntang silangan na dumadaan sa kanluran ay nangyayari. nagbigay daan para manakop sila ng mga teritoryo sa Asia na una nilang natuklasan. Nagawa nila ito sapagkat mas superior ang kanilang mga armas gaya ng kanyon at baril kaya't kahit sila ay kakaunti kayang kaya nilang manlupig ng maraming katutubo. Sa sandaling masakop ang isang lugar, ito ay itinuturing na kolonya ng Europeyong bansa na sumakop dito.
Mahalaga para sa... sa Europeo ang mga kolonya bilang mapagkukunan ng kayamanan. Nagkaroon ng matinding kompetisyon sa pagitan ng mga bansa sa paramihan ng kolonya.
Iugnay natin. Pag-ugnayin ang mga salita upang mabuo ang konsepto ng kolonyalismo. Ang kolonyalismo ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
Ito ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka. Ito ay mauugat sa kaugalian ng kolonyalismo na kadalasang nagsasangkot ng paglipat ng populasyon sa isang bagong teritoryo, kung saan ang mga dumating ay nanirahan bilang mga permanenteng maninirahan habang pinapanatili ang pampolitikang katapatan sa kanilang bansang pinagmulan. Kadalasan, ang una nilang ginagawa ay pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan.
Kapag nakuha na nila ang loob ay sa kanila isa sa katuparan ang tunay nilang hangarin na pagsamantalahan. at pakinabangan ng gusto ang likas na yaman ng kolonya. Magtatatag ng pamahalaang kolonyal at magtatakda ng paniningil ng buwis at magsasagawa ng mga batas na makabubuti sa mga mananakop. Sa madaling salita, ito ang pagsakop sa isang bansa at pagkaroon ng kapangyarihang politikal sa lugar na ito.
Ang tawag sa bansang sinakop ay kolonya. Ang tawag sa mananakop ay kolonyalista. Mga layunin ng kolonyalismo.
Pangkabuhayan. Upang mapalawak ang industriya at kalakalan ng mananakop na bansa at matamasa ang hilaw na yaman ng nasakop na teritoryo. Pangreligyon Upang palaganapin ang paniniwala ng mga Europeo sa iisang Diyos, ang Kristyanismo ang naging bandila ng pananakop ng mga bansang Europeo na magbibigay daan para kontrolin ang isip at damdamin ng nasasakupang bayan.
Pagpap Kapalawak ng kapangirihan upang makapagtatag ng base militar at malawakang kolonya. Iugnay natin. Pag-ugnayin ang mga salita upang mabuo ang konsepto ng imperialismo. Ang imperialismo ay isang sistema ng pananakop, kung saan ang isang makapangyarihang Estado ay sapilitang kinokontrol ang mas maliliit at mahihinang Estado. Nagmula sa salitang Latin na imperium na ang ibig sabihin ay command.
Nagsimulang gamitin sa panahon ng Imperyong Roma. Nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong politikal, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan. Upang maituring na isang makapangyarihang nasyon-estado. makapangyarihang Estado ay kinakailangang nagtataglay ito ng isang matatag na institusyong politikal at matibay na pagkakakilanlang kultural.
Ang fokus ng pananakop ay makontrol ang politikal at ekonomikal na institusyon ng mas mahihinang bansa. Dahil dito, kadalasan ay nawawalan ng kapangyarihan ang mga lokal na namumuno at nauubos ang mga likas na kayamanan. Sa madaling salita, ang imperyo ay binubuo ng magkakaibang maliliit na pangkat ng tao na may magkakaibang pinagmulan, tradisyon, paniniwala at kasaysayan.
Ang pagkakaiba-iba ng mga ito ay nagiging dahilan ng hidwaan sa pagitan ng mga pangkat at dahilan naman para sa mas makapangyarihang pangkat upang makontrol ang mas mahihina sa kanila. Ibat-ibang uri ng pagkontrol ng mga imperialistang bansa sa mga bansang kanilang nasakok. Kolonyalismo ay tumutukoy sa pagkontrol ng dayuhang bansa sa mas may hinang bansa sa Asia at Afrika. Ang pamahalaan at ekonomiya ay tuwirang pinamamahalaan ng mga dayuhan. Protektorado na pinahihintulutan ang mga lokal o katutubong pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala ngunit kontrolado ng mas malakas na bansa ang mga pinuno ng kanilang binigyan ng kapangyarihan.
Kung mahaharap sa digmaan ang mahinang bansa ay makasisiguro ng proteksyon mula sa mas malakas na bansa. Economic imperialism kung saan kontrolado ng mga pribadong kumulungan. o dayuhang mamumuhunan ang mga mahihinang bansa.
Spear of Influence ay tumutukoy sa isang teritoryo o bahagi ng mahihinang bansa na kinokontrol o nasa impluensya ng mas malakas na bansa upang hindi sila lugusang sakupin. Concession ay ang pagbibigay ng pahintulot sa mananakop na gamitin ang teritoryo at likas na yaman ng mahihinang bansa na may eksplosivo. Ang ekstra-territoriality ay kasunduan sa pagitan ng mananakop at mahinang bansa kung saan paiiralin ang batas ng mga mananakop sa mga piling teritoryo na kabilang sa konsesyon. Ibigay ang mga uri ng pananakop gamit ang mga larawan.
Protektorado Konsesyon Economic imperialism Spear of influence Kolonyalismo Dalawang paraan ng mga mananakop upang ipakita ang pagpapasunod sa mga bansang kanilang nasakop. Ang tuwiran o direct control ay direktang pinamunuan ng mga mananakop ang mahihinang bansa. Ang kanilang pamahalaan ay nasa kapangyarihan ng mananakop. Hindi hinayaan ng mananakop ang mga katutubo na humawak ng alinmang posisyon sa pamahalaan. Ang mga batas na ipatutupad ay alinsunod sa mga batas na ipinatutupad sa mga bansang pinanggalingan.
ng mga mananakop. Dahil kontrolado ang politika ng mahilang bansa, ay nakontrol na rin ng mananakop ang ekonomiya nito. Maging ang kultura ng mga katutubo ay unti-unting nabago at ito ay napalitan ng mga kulturang dayuhan dahil sa patakarang ipinatutupad ng mga mananakop. Ang dituwiran o indirect control ay pinananatili ang mga katutubong pinuno ng may hinang bansa na may limitadong kapangyarihan at ang huling desisyon ay nasa kapangyarihan ng mga mananakop. Maaring ipagpatuloy ng mga katutubong pinuno ang ilan sa kanilang mga lokal na paniniwala.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay nahahaluan ito ng mga paniniwala mula sa dayuhan. Sagot mo, buuin mo. Gumawa ng pangungusap gamit ang apat na salita. Sa panahon ng kolonyalismo at imperialismo, mayroong dalawang anyo ng pananakop. Ang tuwiran at dituwiran.
Dugtungan na. Dugtungan ang angkop na mga salita upang mabuo ang kahulugan ng kolonyalismo at imperialismo. Ang kolonyalismo ay?
Ang imperialismo ay? What's inside the box? Ipaliwanag ang ugdayan ng kolonyalismo at imperialismo gamit ang Venn diagram. Pili sa kahon.
Direktang pinamunuan ng mga mananakop ang may hinang bansa. Ang kanilang pamahalaan ay nasa kapangyarihan ng mananakop. Isang sistema ng pananakop kung saan ang isang makapangyarihang Estado ay sapilitang kinokontrol ang mas maliliit at may hinang Estado. Imperialismo Tumutukoy sa pagkontrol ng dayuhang bansa sa mas may hinang bansa.
Ang pamahalaan at ekonomiya ay tuwirang pinamamahalaan ng mga dayuhan. Kolonyalismo Pinahihintulutan ang mga lokal o katutubong pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala, ngunit kontrolado ng mas malakas na bansa ang mga pinuno na kanilang binigyan ng kapangyarihan. Protektorado Tumutukoy sa isang teritoryo o bahagi ng mahinang bansa na kinokontrol o nasa impluensya ng mas malakas na bansa upang hindi sila lubusang sakupin.
Spear of Influence