Intro Music Ang kasaysayan ng tao ay nagsimula ilang milyong taon na ang nakakalipas Nang damputin ng pinakaunan natin ni Nuno ang isang pirasong bato at ginamit niya ito bilang isang kasangkapan Gaano na ba kalayo ang pamumuhay ng ating mga pinakaunang ni Nuno kumpara sa ating kasalukuyang pamumuhay? Tara, samahan niyo ako sa isang paglalakbay upang tuklasin ang pamumuhay ng mga unang tao noong panahon ng bato. Ang paraan ng pamumuhay ng tao ay dumaan sa proseso ng pagbabago at pagunlad upang makiayon sa pagbabago ng ating kapaligiran.
Ang prosesong ito ay tinatawag na evolusyong kultural. Ang evolusyong kultural ay nahahati sa tatlong yugto ang Paleolitiko, Mesolitiko at Neolitiko. Ang mga yugto ng evolusyon kultural ay pinangalan sa pangunahing kagamitan na kanilang ginagamit, ang bato.
Ang panahong paleolitiko ay nagsimula noong 2.5 million BCE hanggang 8,000 BCE. Ang salitang paleolitiko ay nagmula sa pinagsamang salitang griego na palayos na ibig sabihin ay luma at litos na nangangahulugang bato. Ang mga unang tao noong paleolitikong panahon ay lubos na umaas.
sa kanyang kapaligiran para sa kanyang pagkain, panirahan at iba pang pangangailangan. Ang kanilang kabuhayan ay pangangaso at pangangalap. Ang mga kalalakihan ang nagsasagawa ng pangangaso, samantala ang mga kababaihan naman ang nag-aalaga ng mga bata at nangangalap ng mga prutas at gulay.
Dahil sa kanilang kabuhayan, kinakailangang sundan ng mga tao ng paleolitikong panahon ang paggalaw ng mga hayop. Palipat-lipat sila ng tirahan kung saan mayroong matatagpo ang pagkain. Lagalag o walang permanenteng tirahan ang mga unang tao ng paleolitikong panahon.
Ang kagamitan noong panahong paleolitiko ay gawa sa magaspang na bato. Isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang tuklas sa kasaysayan ng tao ay naganap noong panahong paleolitiko, ang pagkakatuklas ng apoy. Maraming teorya ang ibinigay na nagbibigay ng paliwanag kung paano na-discobre at mag-i-discover ang paliwanag ng apoy. ang apoy. Ilan sa mga teoryang ibinigay ay ang pagtama ng kidlit sa puno, mga wildfire, at ang hindi sinasadyang pagkuskos ng dalawang kahoy hanggang lumiyab.
Ngunit isang bagay lamang ang sigurado. Ang pagkakatuklas ng apoy ay nagbigay sa atin ng napakalaking kalamangan sa iba pang organismo sa daigdig. Dahil sa apoy, nagawa ng mga unang tao na manirahan sa mga puok na dati ay hindi niya kayang puntahan.
Nagbigay din ng apoy ng proteksyon laban sa mga mababangis na hayop. Sa pamamagitan din ng apoy, nakagawa ang mga unang tao ng mas matitibay na kasangkapan na pinatibay ng apoy. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagbabago sa diet ng mga unang tao.
Sa pamamagitan ng... ng pagluluto sa apoy, napakawalan ang mga sustansya ng pagkain. Dahil dito, mas kaunti na ang pagkain kinakailangan kainin ng mga unang tao kung kaya't nagkaroon siya ng mas mahabang oras sa ibang gawain. Dahil din sa pagluluto, naging mas madali ang digestion ng pagkain na nagresulta sa pagliit ng bituka na siya namang nagresulta sa paglaki ng utak. Ito ang tinatawag na expensive tissue hypothesis.
Sa pagkakatuklas ng apoy, unti-unting nagbago ang pamumuhay ng mga unang tao patungo sa sumunod na hakbang sa ebulsyong kultural, ang panahong mesolitiko. Ang panahong mesolitiko ay ang transisyonal na panahon sa pagitan ng ang panahong paleolitiko at neolitiko. Iba-iba ang petsa ng pagsisimula ng mesolitikong panahon depende sa rehyong pinag-uusapan.
Sa panahon ito, natuto ang mga unang tao ng paggawa ng mga mas maninipis at pinong kasangkapang gawa sa bato, sungay at buto ng hayop. Ito ay kanilang itinatali sa mga habang kahoy upang maging sibat. Karaniwan na din sa mga unang tao ng mesolitikong panahon ang manirahan sa gilid ng mga ilog at iba pang katawan ng tubig.
Sanhi upang madagdag ang mga lamang dagat sa pang-araw-araw na diet ng mga unang tao. Sa mesolitikong panahon, punti-unting natuto ang mga unang tao na manirahan ng matagalan sa isang puok na siya namang nagbunsa. sa muling pagunlad ng mga unang tao sa evolusyon kultural.
Ang sumunod na yugto sa evolusyon kultural ay ang panahong Neolitiko o ang Bagong Bato. Nagsimula ito noong 8000 BCE hanggang 4000 to 3000 BCE. Isang malaking pagbabago ang naganap sa kabuhayan ng mga unang tao sa panahong ito.
Sa puntong ito ng kasaysayan, sinimula... Mulang baguhin ng mga unang tao ang kanilang kapaligiran para sa kanilang pangangailangan. Ang kanilang kasangkapang bato ay naging mas pulido, makinis at matalas.
Naging mas specialized din ang kanilang mga kasangkapan. Kasabay ng lahat ng... ng ito, nagsimulang uminit ang daigdig na nagsani sa pagkakaroon ng mas maraming lupain at katubigan na nakatulong sa pagsibol ng agrikultura noong Neolitikong Panahon.
Mula sa pangangaso at pangangalap, ang mga unang tao ay natutong magsaka at mag-alaga ng mga hayop. Dahil sa panibagong source ng pagkain, hindi na kinailangan ng unang tao na maging lagalag o magpalipat-lipat ng tirahan. Ang paglaganat ng agrikultura noong panahong Neolitiko ay tinawag na Neolithic Revolution. Marami sa mga unang tao ang naging magsasaka. Upang magpangalagaan ang kanilang pananim at alagang hayop, kinailangan nilang manirahan ng matagalan sa isang puok.
Unti-unti, dumami ang mga naninirahan ng permanente sa isang puok na kinalaunan ay naging mga pamayanan. Ang prosesong ito ay nakilala sa tawag na Urban Revolution. Sa susunod na tumingin ka sa salamin, laging isipin na ikaw ay produkto ng humigit dalawang milyong taong evolusyon. Maraming may hirap na bagay ang pinagdaanan ng iyong mga ninuno, ngunit nalagpasan nila ang mga ito.
Kung ikaw man ay nahihirapan sa kasalukuyan, magtiwala ka lamang sa iyong sarili. Dahil sa iyong ugat nananalaytay ang dugo ng mga malalakas mong ninuno. Sa ating susunod na episode, ating talakayin kung paano umunlad ang mga pamayanan na iyon. na ito upang maging mga pinakaunang kabihasnan sa daigdig. Samahan nyo kami sa Mesopotamia.
As always, this is Sir Ian and I'll see you on the next one.