Ikaw ay natutulog nang biglang mawala ng kuryente. Ano ito? Naliligawa ata ako ah.
Sana ba kasi yung daan pabalik? Kaisa-isang plato kita sa buong mundo. Malulutas ba natin ang mga palaisipan na ito? Aalamin natin yan sa DepEdTV.
Alam na pagbati, Baitang Walo! Ako si Ginong Ronel, ang inyong gurong makabayan sa wika at panitikan. Halina't patalasin ang utak, paalabi ng puso at pakikusi ng katawang lupa dahil tayo ay maglalakbay sa nakaraan upang malutas ang kasalukuyan at mapaghandaan ang hinaharap. Narito ang Filipino sa Baitang Walo, ang panitikang pambansa.
Handa ka na bang maglakbay sa nakaraan? Tara na! Karunungang Bayan, ikalawang bahagi. Ano ito? Malalaman ng sagot mamaya.
Sa nagdaang sesyon, natutuhan natin ang mga karunungang bayad na Salawikain, Sawikain at Kasabihan o Kawikaan. Natatandaan mo pa ba ang mga ito? Sige nga at subukin natin! Una, anong uri ng karunungang bayad ang sinasambit ng patalinhaga? Ginagamit ito upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag at may ilang salita o parirala lamang.
Kung ang sagot mo ay sawi kain, tama ang iyong sagot. Pangalawa, anong uri naman ang karunungang bayan ang gumagamit ng sukat at tugma? Ito ay may layuning magturo ng kabutihang asal at tahasan at payak ang pagpapakahulugan. Kung ang sagot mo ay kasabihan o kawikaan, tama ang iyong sagot.
Pangatlo, anong uri naman ng karunungang bayan ang gumagamit ng sukat at tungma? Ito ay may layuning magturo ng mabuting pag-uugali at ipinahahayag sa paraang patalinghaga. Kung ang sagot mo ay salawikain, tama ang iyong sagot.
Pangapat, tama o mali? Ang karunungang bayan ay hango mula sa karanasan ng matatanda na may layuning magbigay ng payo at magturo ng kagandahang asal. Kung ang sagot mo ay tama, tumpak ang iyong sagot.
At panghuli, tama o mali? Ang karunungang bayan ay patunay na ang kultura nating mga Pilipinos sa panahon ng mga katutubo ay kakaunti at matamlay. Kung ang sagot mo ay mali, tama ka!
Katibayan ng mga karunungang bayan na ito na ang ating kultura ay mayaman at hitik sa kaisipang magpapaunlad ng pagkatao. Patunay na basta Pilipino, matalino. Ilang puntos ang iyong nakuha? Kung ang iskor mo ay 4 o 5, mahusay. Kung mas mababa rito ay okay lang yan.
Iminumungkahi kung muli mong panoorin ang ating unang episode sa Karunungang Bayan. Sa araw na ito ay matututunan naman natin ang tatlo pang karunungang bayan. Ang bugtong, palaisipan at bulong. Halina't ating pag-aralan ng mga ito.
Po, tao po, Ginong Ronel. Eh, tao po, pwede po ba kaming pumasok dine? Sige, papapasukin ko kayo sa isang kondisyon. Kailangan niyo munang masagot ang mga bugtong ko. Ay, ganon?
Sige na nga. Sige, unang bugtong. Nagtago si Pedro na kalala.
Nakalabas ang ulo. Ha? Uuuh? Ah!
Pako! Aba, magaling! Tama! Sige, tignan natin kung masasagot nyo pa ito. Ang anak ay nakaupo na, ang inay gumagapang pa.
Alay, parang alam ko yan eh. Yan ata yung kalabasa. Tama, mukhang magagaling kayo ah.
Heto ang isang mahirap. Nanganak ang birhen, itinago ang lampin. Uhm, ang hirap naman.
Saging? Talagang mauhusay kayo ah. Tama! Ngayon, sige, maaari na kayong tumuloy. Ang mga narinig ninyo ay mga halimbawa ng bugtong.
Ang bugtong ay isang uri ng palaisipan na nasa anyong patula. Ang mga bugtong ay kadalasang patungkol sa pag-uugaling, pang-araw-araw na buhay at mga bagay o gamit. na makikita sa paligid. Kung ang pampalipas oras mo ngayon ay ang pag-scroll sa iyong social media account at pag-stalk sa iyong crush, ang pampalipas oras na ating mga ninunod noon ay ang pagpapatalasan ng...
isipan sa pamamagitan ng pagsagot ng mga bugtong. Ibang klase, di ba? Ang mechanics ng bugtong ay simple subalit nakapangahamon. Kinakailangang ilarawan ang mga bagay na pinahuhulaan sa paraang matalinghaga. Subalit, dahil ito ay nasaan yung patula, kailangang meron itong sukat at tugma.
Halimbawa, dumaan ng hari, nagkagatan ang mga pari. ang sagot sa buktong na ito. Ito ay zipper.
Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin. Ang sagot sa bugtong na ito ay sumbrero. Isang kukbong mga sundalo, dikit-dikit ang mga ulo. Ang sagot sa bugtong na ito ay walis tingting.
Gagamit tayo ngayon ng video conferencing upang magtanong at subukin ang likot ng isip ng mga Pilipino sa pagsagot ng mga bugtong. Baboy ko sa pulo, palahiboy pa ko. Langka?
Sigurado ka na masasagot mong langka? Sigurado. Ang sagot ay... Langka.
Kaisa-isang plato kita sa buong mundo. Buwan. Sigurado ka na masasagot mong buwan? Sigurado. Yes, Kuya Ronel.
Ang sagot ay... Buwan. Munting prinsesa nakaupo sa tasa.
Ramos, nalain niya na kasoy? Ano ang sagot mo? Kasoy.
Kasoy ba? Ang tamang sagot ay? Ang sagot ay kasoy.
Nakayoko ang reyna, hindi nalalaglag ang corona. Matriyo na, tiyo. Bayabas. Ang sagot ay bayabas. Kung kailan pinatay, saka humaba ang buhay.
Kung kailan pinatay, saka humaba ang buhay. Kandila. Ang sagot sa bugtong na ito ay kandila. Ikaw naman!
Isipin at sagutin ang mga ibibigay ko sa iyong bugtong. Gamitin na. ang talas ng isip at gamitin ang ilang pahiwating sa bawat talugtod upang mahulaan ang sagot. Handa ka na ba? Simulan na natin!
Una, ako ay may kaibigan. Amigang kasama ko kahit saan. Kung ang sagot mo ay anino?
Ang sagot mo ay... Tama! Ikalawa, munting hayop na pangahas aaligid-aligid sa ningas.
Kung ang sagot mo ay gamu-gamu, ang sagot mo ay tama. Ikatlo, hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Kung ang sagot mo ay sampayan, ang sagot mo ay tama.
Ikaapat, kay lapit-lapit na sa mata, Hindi mo pa rin makita. Kung ang sagot mo ay taynga, ang iyong sagot ay tama. Ikalima, dalawang batong itim malayo ang nararating. Kung ang sagot mo ay mata, Ang iyong sagot ay tama! Anong iskor ang iyong nakuha?
Nakakuha ka ba ng limang puntos? Kung gayon, mahusay! Kung nagkaroon ka ng mga maling sagot, ayos lang yan. Maaari mong ayain ang iyong mga kaibigan o kapamilya o mga kasama sa iyong tahanan na makipagbubtungan upang mahasa pa ang talas ng iyong isip. sa pagsagot ng mga bugtong na ito.
Bukod sa mga bugtong, mayroon pang ibang karunungang bayan na kinahihiligan ng mga Pilipino upang masubok ang utak sa pag-iisip. Ito ay ang palaisipan. Ang palaisipan ay kaiba sa bugtong na nasa anyong patula. Ito ay nasa anyong tuluyan o pasalaysay.
Ito ay kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng kalutasan sa isang suliraning inilahad ng nagpapahula. Dahil sumusubok ito sa katalinuhan ng sumasagot, inaasahang malulutas ang bawat palaisipan sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga piraso ng impormasyon upang makabuo ng lohikal na solusyon. Minsan naman ay panunodyo o pangaasar ang tema ng mga palaisipang ito.
na nagiging sanhi ng katuwaan sa mga kwentuhan ng mga Pilipinos sa naunang henerasyon hanggang sa kasalukuyan. Para lubos mo pa itong maunawaan, tawagin natin ang Makabayang Investigador upang tulungan tayo sa mga susunod na palaisipan. Ako ang Makabayang Investigador.
Tutulungan ko kayong lutasin ang mga palaisipang ito. Tara na sa ating unang kaso! Ikaw ay natutulog nang biglang mawala ng kuryente.
Bigla mong narinig na may kumakatok sa pinto. Naalala mong may posporo at lampara sa ilalim ng mesang katabi ng kama mo. Tanong, ano ang una mong bubuksan?
Ang sagot ay, syempre ang iyong mga mata. Tandaang, ikaw ay natutulog ng mawalan ng kuryente. Ikalawang kaso.
Pumasok ka sa isang silid. Sa ibabaw ng kama ay may dalawang manok. Sa ibabaw ng manok ay may lumilipad na tatlong maya. Sa upuan ay may nakahigang isang pusa.
At sa sahig naman ay may isang aso. Tanong, ilan ang paang nakalapat sa sahig sa loob ng silid? Ang sagot ay labing apat.
Ang apat na paa ng aso, ang apat na paa ng kama, ang apat na paa ng upuan, at ang dalawagong paa nakapapasok lamang sa silid. Ikatlong kaso Mayroong kasabihan na kapag natulog ka ng basaang buhok, ay mabubulag ka kinabukasan. May tatlong babaeng magkakapatid na sabay-sabay naligo Sabay-sabay natulog, subalit kinabukasan, dalawa lang sa magkakapatid na ito ang nabulag. Tanong, bakit hindi nabulag ang pangatlong kapatid? Ang sagot ay, dahil kalbo ang ikatlong kapatid.
Nasiyahan ka ba sa ating gawain? Ilang kaso ang nalutas mo? Mahusay!
Tunay na matalas at malikhain ang isip nating mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan. Nasihan ka ba sa ating gawain? Ilang kaso ang nalutas mo?
Mahusay! Tunay na matalas at malikhain ang isip nating mga Pilipino hanggang ngayon sa panahon ng kasalukuyan. Kung hindi ka naman nakasagot sa mga palaisipang ito, maaari kang magsanay at makipaglaro sa iyong mga kapamilya o kaibigan. Bukod sa pampatalas ng isip, ay mainam din itong paraan ng pagkakabuklod ng ating mga mahal sa buhay.
Naliligawa ata ako ah. Sana ba kasi yung daan pabalik? Naku po, tabi-tabi po.
Tabi-tabi po sa mga punso at mga elementong nandito. Ang narinig niyong sinasambit mula sa eksena na tabi-tabi po ay isang halimbawa ng bulong. Ang bulong ay mga pahayag na kadalasang may sukat at tugma, na kalimitang ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto at masasamang espiritu.
Kadalasang sinasambit ang mga bulong na ito upang kausapin ang mga pinaniwalahang elemento sa kalikasan ng ating mga ninuno tulad na mga Diyos o Diyosa at mga Nuno sa Punso, Lamanlupa at iba pa. Bagamat itinuturing na pamahiin na ang pagsasambit ng mga bulong, may ilang mga Pilipino pa rin ang nasanay ng banggitin ito sa mga partikular na sitwasyon. Halimbawa nito ay ang kaninang nabanggit na tabi-tabi po para makaiwa sa tinatawag na Nuno sa Punso o ang mga elementong pinaniniwalaan ng ating mga ninuno na naninirahan sa mga kumpol ng lupa. Isa pang halimbawa ng bulong ay mula sa Ilocos na nagsasabing, Huwag magalit kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa amin na pag-utusan. Mayroon ding galing sa Bicol na nagsasabing, Dagang malaki, dagang maliit.
Ito ang ngipin kong sira na pangit. Sana ay bigyan mo na ng kapalit. Upang lubos pa nating maintindihan, ay nakipanayam tayo sa isang nakatatanda upang ipaliwanag ang paniniwala sa pagsambit ng mga bulong. Opo, ako po ay naniniwala sa bulong.
Kasi po, sa kasabihan po ng matatanda, ang bulong ay para sa mga kaluluwa na mga namatay. Kaya po ang aking paniniwala ay bigyan sila ng dasal para tumahimik po ang kanilang mga kanuluwa. Lalo sa mga kamag-anak mo, anak mo, kapatid mo, magulang mo, kaya dapat sila ay ipagkasal.
Ang gamit ng bulong na ito ay para gumaga ng aking pakiramdam. Lalo na kung sila ay aking naipanalangin. Dahil sila ay aking mga kapamilya. Pagkagaman ang paniniwala sa mga bulong ay tila nawawala na sa pag-usad ng bawat henerasyon, mahalagang baliktanawin natin ito bilang karunungang bayang nagbibigay ng matingkad na kulay sa ating kultura at pagkakaroon. sa Pilipino.
Magsisilbin itong pagbibigay ng respeto sa ating mga ninuno na nagpasa at nagpamana sa atin ng mga kaugaliang meron tayong ngayon. Ano ito? Ito ay isang palaisipang crossword na kadalasang makikita sa mga babasahing dyaryo na nakasanayang libangan din ng mga Pilipino. Ito ang palaisipang crossword. Para sa sesyong ito, natutunan natin ang mga sumusunod.
Ang bugtong ay isang uri ng palaisipan na nasa anyong patula na kadalasang patungkol sa pag-uugali, pang-araw-araw na buhay at mga bagay o gamit na makikita sa paligid ng mga Pilipino. Ang palaisipan naman ay inasaan niyong tuluyan o pasalaysay na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng kalutasan sa isang suliraning inilahad ng nagpapahula. Samantala, ang bulong ay mga pahayag na kadalasang may sukat at Tuma na kalimitang ginagamit sa pangkukulam o pangontra sa kulam, engkanto at masasamang espiritu. Anong sabi? Ang sabi ni Gat Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Ang sabi ko naman, bilang pag-asa ng bayan, tungkulin ng kabataan ang pangalagaan, pahalagahan, At at payabungin pa ang kaunungang bayan ng Pilipinas. Dahil bilang pag-asa ng bayan, kayo mga mag-aaral ang tatangan at magpapatuloy ng lahing Pilipino sa hinaharap. na pagkikita ay matututuhan mo naman ang pag-unawa sa matataling hagang pahayag.
Siguraduhin tumutok muli sa oras ng ating klase dito sa DepEdTV. Tapos na ang paglalakbay natin sa nakaraan para sa araw na ito. Tara na't bumalik sa kasalukuyan.
Muli, ako si Ginoong Ronel, ang inyong gurong makabayan sa wika at panitikan. Na nagsasabing, ang asignaturang Filipino ay hindi lang tungkol sa wika at panitikan. Tungkol din ito sa iyo, bilang isang makabayan. bayan at mabuting mamamayan. Samahan mo ako muli sa paglalakbay sa nakaraan upang malutas ang kasalukuyan at mapaghandaan ng hinaharap.
Hanggang sa muli, paalam!