Magandang araw! Ngayon ay tatalakay na natin ang ikaapat na module para sa ikalawang markahan, ang layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng kilos. Narito ang ating mga layunin para sa araling ito. Alamin na natin.
Una, napatutunayan na ang layunin, paraan at sirkumstansya ay nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao. At ikalawa, Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasya o kilos sa isang sitwasyong may suliranin o dilema batay sa layunin, paraan at sirkumstansya at kahihinatnan nito. Balikan na natin, sa etika ni Santo Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
Ang papel na ginagampanan ng isip ay humuhusga at magutos. Ang papel naman ng kilos loob ay tumutungo sa layunin o intensyon ng isip. So ito ay natalakay na natin noong first grading sa unang module na may kinalaman sa isip at kilos loob. At ito rin ay may kinalaman sa kalayaan na meron tayo bilang tao. So ito ang ginagamit natin upang makagawa ng desisyon.
na ating pinag-isipan at ang mga desisyon na yun ay magre-resulta sa kilos na matatawag nating makataong kilos. Ang panloob na kilos ay nagmumula sa isip at kilos loob. Tandaan, internal action has something to do with isip at kilos loob. Samantalang, ang panlabas na kilos ay ang pamamaraan na ginagamit upang isakatuparan ang panloob na kilos.
So kapag meron tayong naiisip or ang utos ng isip at ang kilos loob natin, ito ay internally. And then externally, ito na yung gagawin na natin ang isang bagay para ma-achieve natin yung layunin na gusto ng isip at kilos loob natin. Tandaan, hindi maaaring maging hiwalay ang dalawang ito.
Sapagkat kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos. Kahit mabuti ang panlabas. Ulitin ko, kung masama ang panloob, masama ang resulta ng isip at kilos loob, pero mabuti ang external action ninyo, magiging masama pa rin ang kilos. Kailangan parehong mabuti ang panloob na kilos at panlabas na kilos.
Dahil nababaliwal ang isa kung hindi kasama ang isa. So again, kailangan yung internal at external na actions mo ay parehong mabuti. Kahit mabuti yung isa at masama yung isa, makukonsider natin na masama ang kilos. Talakayin na natin.
Natalakayin na natin ang purpose ng ating isip at kilos loob. So ngayon, babalikan lang natin. Isama na natin dyan ang katawan, puso at ating isip at kilos loob.
Ang katawan, ang siyang nangangalap ng kaalaman mula sa kapaligiran. So, ito yung napag-aralan natin dati tungkol sa mga senses natin na ito yung kumukuha ng informasyon na dinadala sa ating isip. At siya rin ang magsasakatuparan ng pinagpasyahang kilos. So, yung katawan natin, yung mga senses natin, ang kumukuha ng information, at itong body natin, ang gagamitin din natin upang ma-achieve yung layunin natin, or yung gusto na mapag-distensionan ng isip at kilos loob natin.
Ang isip naman ay umuunawa, humuhusga, at naguutos. So kapag nakakuha na siya ng informasyon, ito ay ipaprocess na ng ating isip. At ang puso ang nakakaramdam ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay.
At siya rin ang nagpapasya sapagkat dito hinuhubog ang personalidad ng tao. So ang puso, Dito natin nararamdaman kung ano yung mga pinapahalagahan natin. At ang kilos loob naman, ang siyang ugat ng mapanagutang kilos sapagkat siya ay laging patungo sa iisang layunin, ang kabutihan. So tandaan, ang ating kilos loob ay laging patungo sa kabutihan na kung saan magagamit natin upang makagawa tayo ng isang makataong kilos. Talakay na natin ang kanina pa nating nababanggit, ang layunin, paraan, sirkumstansya at kahihidatnan.
Ano nga ba ito? Umpisahan natin sa layunin. Ang layunin or ang reason, ito ay, Ito ay kung bakit mo gagawin ang isang bagay. So, tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos loob. Ito ang motibo o dahilan kung bakit gagawin ang kilos.
Ulitin ko, ito ang reason kung bakit mo gagawin ang isang bagay. Kung bakit yun ang naiisip mong option para pagdesisyonan ang bagay na to. Hindi nakikita o nalalaman ng iba sapagkat ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos.
Since internal siya, ikaw lang ang nakakaalam ng layunin mo. Kung anong reason mo, ikaw lang ang nakakaalam yan. Unless sabihin mo sa ibang tao or sabihin mo sa paligid mo. Pero by its nature, ikaw lang ang nakakaalam yan. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang layunin, ang pamantayan sa kabutihan.
Nang layunin ay kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang dignidad ng kapwa. Again, masasabi natin na mabuti ang isang layunin or ang reason mo kapag kinoconsider mo ang dignidad ng kapwa mo. So in short, anything na makakabuti para sa kapwa mo, anything na nagre-represent ng paggalang sa kapwa mo, makoconsider natin siyang pabuti.
Kung naaalala ninyo na talakay natin ang tungkol sa dignidad ng tao or ng dignidad ng iyong kapwa. So, kapag nakikita mo or maa-assess mo na kapag may gagawin ka, ay mabuti pala ito para sa kapwa ko, masasabi natin na mabuti ang layunin na yan. Ngayon, ay talakayin naman natin kung ano ang paraan or yung ways.
Paraan, tumutukoy sa panlabas na kilos na kasangkapan Upang makamit ang layunin. So ito na yung way para ma-achieve natin yung reason mo or yung goal mo kung bakit yun ang gusto mong gawin, kung bakit yun ang decision na gusto mong isakatuparan. So sabi ni Santo Tomas de Aquino, may nararapat na object ang kilos or dapat may objective ang kilos mo. Ang paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos.
Dahil ang kabutihan ng panlabas na kilos ay ang nararapat na objective nito. In other words, yung way na gagawin mo para ma-achieve yung goal mo ay dapat appropriate. Para masabi natin na mabuti ang paraan na gagawin mo. Halimbawa, ikaw ay nagugutom.
Or ang objective niya, ang goal niya ay ang makakain. Ngayon, ano ang dapat niyang kainin para mabusog siya? Siyempre, dapat kakain ng pagkain.
Yun ang nararapat na kilos, yun ang nararapat na paraan, yun ang appropriate na way para ma-achieve niya yung goal niya na makakain. Pero kapag sabihin mo na para makakain ng papel, makakain ng isang bagay na hindi nakakain, Hindi yun ang appropriate way para sa isang kilos na gagawin. Isa pang halimbawa ay kung ikaw ay nauuhaw. Kung ikaw ay nauuhaw, ang objective mo ay para makainom, para makwench yung thirst mo. Ang appropriate na action ay makainom ng tubig or ng liquid na pwede mong inumin or safe para sa'yo.
Pero kung sasabihin mo makainom ng alak, makainom ng muriatic acid or ng lason, ito ay hindi na appropriate. So kapag hindi na siya appropriate, masasabi natin na hindi mabuti yung action. Again, ito lang ang tatandaan, paano natin masasabi kung mabuti ang action, kapag ang action mo ay appropriate para sa kilos na gagawin mo.
Nakuha! Ngayon, puntahan na natin ang ikatlo, ang sirkumstansya. Ano nga ba ang sirkumstansya or circumstances?
Tumutukoy sa isang sitwasyon o kondisyon o kalagayan ng kilos na nakakabawas o nakakadagdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilo. So, ito yung parang nagsasabi o nagmamainos sa goodness and badness ng isang aksyon. Ito ang mga nakakapagpapalala. o nakakapagpabawas ng kabutihan o kasamaan ng kilos. So dito makikita ninyo involved dyan yung sino, ano, saan, paano, at kailan.
So sa sino, sino ang gumawa ng kilos at sino ang affected sa action mo. Example, ikaw ay may gustong bilhin. Gusto mong bumili ng, let's say, headset, pero dahil kulang ang allowance mo, hindi ka na makapag-antay na pagdesisyonan mong mangupit sa wallet ni mami at ni daddy.
So, sino ang gumawa ng kilos? Ikaw. Kanino mo ginawa yung kilos, yung pangungupit, kay mami at kay daddy?
Masama na nga ang mangupit, ginawa mo pa sa magulang mo, mas lalong naging masama yung pangungupit na ginawa mo. Okay? Pangalawa, ano?
Ano yung mismong action na ginawa? Pangatlo, saan? Saan mo ginawa ang action? Halimbawa na lamang ay ang pangungupit o pagnanakaw sa simbahan.
Masama na nga ang pangungupit o pagnanakaw, pag-i-snatch, at ginawa mo pa sa isang puok sambahan o sa simbahan, lalong naging masama ang kilos mo dahil hindi mo na nirespeto ang lugar ng sambahan. Ika-apat ay paano. Paano mo ginawa yung action? And last but not the least ay kailan.
Kailan mo ginawa yung panungupit mo sa parents mo? Nung panahon na kailangan na kailangan nyo ng pera. So lalong naging masama ang action mo.
Ika-apat at ang huli ay ang kahihinatnan or yung result ng action mo. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, so nasabi na natin yan kanina yung reason, may batayan because of the isip at kilos noob, at may kaakibat na pananagutan or accountability. Ano man ang gawing kilos ay may kahihinatnan, small or big action man yan or decision ay laging may resulta, may effect. Mahalaga na dapat pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang anumang...
isinagawang kilos or isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas na accountability or pananagutan na dapat isaalang-alang. Kaya kung natatandaan ninyo, ito ay palagi kong sinasabi in every action that you will do, not just think twice, but think many times, lalo na i-coconsider nyo dapat yung result or yung possible result na mangyari sa actions ninyo para at the end, meron man kayong maramdaman na pagsisisi at At least, hindi ganun kagrabe. Or, mas maganda na hindi kayo makakaramdam ng pagsisisi dahil ginamit ninyo ang inyong isip at kilos loob, pinag-isipang mabuti ang desisyon ninyo, at kinonsider ninyo ang kahihinat na ng aksyon ninyo.
Tandaan na natin, kailangan na pag-isipang mabuti ang pagsasagawa ng kilos, gaano man ito kaliit o kalaki. Kailangang tingnan at isaalang-alang ang maaaring idulot nito. Hindi lamang sa sarili, kundi pati sa kabutihang panlahat.
So again, kapag may action kayong gagawin, always think ano yung magiging effect sa sarili mo at sa ibang tao, lalong-lalo na sa pamilya mo or sa mga taong malalapit sa'yo. Ang mabuting kilos ay dapat palaging mabuti. Hindi lamang sa nature nito, kundi pati sa motive, sa circumstances, at kung paano mo ito ginagawa.
Again, Masasabi lang natin na mabuti ang kilos kapag lahat ng nabanggit natin yung layunin, paraan at sirkomstansya ay nag-memend or nagsasama-sama sila as one. Lahat sila mabuti. Kailangan mong sanayin at hubugin ang iyong sarili upang maging isang mabuting tao na may kamalayan sa bawat kilos. Dahil ito ang magiging gabay tungo sa iyong pagpapakataon. Palagi ko itong binabanggit sa inyo, hindi makukuha ng minsanan, or hindi tayo magiging mabuting tao ng minsanan.
Kaya maswerte kayo na natatalakay natin ito. At take one step at a time. Do not force yourself na ipilit agad na magiging mabuting tao, pero unti-unti. i-achieve ninyo or i-goal ninyo, isama ninyo sa everyday goals ninyo na at least one at a time, one day, one step at a time, once a day, may meron kayong magawa or once a week or every day may magawa kayong mabuting decision. Para in the end, pag nakasanayan nyo na ito, mas magiging madali sa inyo ang paggawa ng mabuti.
Upang maging mabuti ang kilos, nararapat itong nakabatay sa dikta ng konsensya. Ngayon makikita natin ang kahalagahan ng ating mga tinalakay sa first grading, ang konsensya at ang likas na batas moral na siyang pinakahuling layunin ay ang kabutihan. Tandaan, always mabuti dapat ang layunin natin at ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.
Sana inyong natutunan o naintindihan ng ating tinalakay kung gaano kabigat ang ating mga decision at ang mga bagay o aspekto na nakaka-apekto sa kabutihan o kasamaan ng kilos natin. Tandaan ang layunin, ang goal ninyo o ang reason sa bawat gagawin ninyo, ang paraan kung anong gagawin ninyo, ang kilos itself at ang sirkomstansya na nakaka-apekto sa kabutihan at kasamaan. And of course, last but not the least, ay ang kahihinan or ang result ng ating mga action.
Narito ang ating mga sanggunian. See you next session!