Transcript for:
Yamang Pilipinas

Hi kids! Welcome to Teacher Beth Class TV! Ngayon ay ating tatalakayin ang mga pinagkukunang yaman ng bansa.

Araling ito ating matutukoy kung ang mga pinagkukunang yaman ng ating bansa. ay nagmula sa yamang lupa, yamang tubig, yamang guba, yamang mineral o yamang tao. Handa ka na ba?

Totoo bang ang Pilipinas ay pinagpala ng mayamang kalikasan? Sinasabing masagana sa likas na yaman ang Pilipinas. Ngunit sa kabila nito ay nananatili pa rin mahirap ang ating bansa.

Kung ang Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman, ano nga ba ang mga pinagkukunang yaman ng ating bansa? Bakit mahalagang malamat mo ang mga pinagkukunang yaman ng bansa? Mga bata, Narito ang mga pinagkukunang yaman ng ating bansa. Yamang lupa, yamang tubig, yamang bubat, yamang mineral at yamang tao. Yamang lupa, bansang agrikultural ang Pilipinas.

Nagtataglay ito ng malalawak at matatabang lupaing agro-agro. sa iba't ibang uri ng mga pananim. Ang yamang lupa ng bansa ay binubuo ng mga buntok, guron, kapatagan, lambak, talampas, at mga produktong makukuha mula sa mga ito.

Dahil iba't ibang uri ng lupa ang matatagpuan sa Pilipinas, iba't ibang uri ng halamat din ang tumutubo rito. Ilan sa mga inaanin at inating produkto ay palay, samote, mais, saging, tubo, niyog, pinya, mangga, turinang gulay, rutas, at halamang maaari nating mapakinabangan sa maraming paraan. Palay ang pangunahing produkto ng bansa.

Mais naman ang pumapangalawa rito. Ito ay dahil ang malalaking sakahan ng bansa ay ginagawang tanima ng palay at mais. Ang kilalang probinsya sa pagtatanim ng palay ay ang Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.

Saging naman ang pangat... Ito ang 3 pangunahing produkto ng ating bansa. Nangunguna rin ang niyog sa mga produktong agrikultural. Kaya naman ang pinatliyong niyog o cobra ay isa sa pangunahing produktong iniluluwas ng ating bansa. Alam niyo rin ba na ang niyog ang tinaguriang puno ng buhay?

Yamang tubig Pilipinas ay isang archipelago o kapuluan, kaya naman maituturing ito ng isang natural na pangisdaan at isang bansang maritime o insular. Kung kaya naman, pangingisda ang pangalawang nangunang industriya sa ating bansa. Narito ang ilan sa mga yamang tubig na matatagpuan sa ating bansa.

Karagatan, dagat, Ilog, lawa at look. Mula sa karagatan at dagat ay matatagpuan ang humikit kumulang sa 2,500 uri ng mga isda. Narito ang ilan sa mga uri ng isda na matatagpuan sa karagatan at dagat. Lapu-lapu. Akito, tuna, hasa-hasa, galunggong, tamban, labahita, sapsap.

Ikaw, maaari ka bang magbigay ng ilabang halimbawa ng isda na maaaring matagpuan sa ating karagatan? Sa mga tubig tabang naman na kagaya ng mga ilog, lawa at latian, Ito ang mga isdang karaniwang nauhuli. Ito, galag, tilapia, bangus, kanduli, karpa, martiniko at gurami. Alam mo ba na sa karagatan ng Pilipinas matatagpuan ang pinakamalikit na kabibes sa buong daigdig? Ito ang pisidium.

Gayun din ang... pinakamalaking kabibes sa buong daigdig, ang Tridacna gigas, at ang Pearl of Ala naman, ang pinakamalaking perla sa buong daigdig. Ang mga ito ay matatagpuan sa karagatan ng Pilipinas. Yamang gubat Ang kagubatan ang pinakamalawak na uri ng vegetation sa bansa.

Dahilan sa pagkakaroon nito ng klimang tropikal. May limang uri ng kahoy ang matatagpuan sa kagubata ng ating bansa. Nangunguna rito ang deep terocarb. Ito ang tumatakip sa tinatayang tatlong kapat o three-fourth ng mga gubat sa Pilipinas at siyang pinagkukuna ng pinakamalaking produksyon ng tabla. Ang mga punong kahoy na kabilang dito ay lawan, tanggile, apitong, yakal at mayapis.

Molave Karaniwang tumutubo ang mga punong molave sa mga lugar na may panahong tuyo at basa at sa mga lugar na matataas. Kabilang sa molave ang nara, tindalo, ipil, daw, at ang puno ng banuyo. Ang mga punong kahoy na ito ay may matataas na uri at matitibay.

Kaya naman, karaniwang itong ginagamit sa paggawa ng iba't ibang muebles tulad ng mesa, upuan, cabinet, at marami pang iba. Pino, o mas kilala ito sa tawag na pine tree. punong pino ay karaniwang matatagpuan sa matataas na kabundukan sa Hilagang Ruzon at Mindoro. Ang mga punong ito ay may taglay na resin na ginagawang alkitran na ginagamit sa pagtitimpla ng pintura. Ginagamit din ito sa pagtatayo ng mga bahay sa lalawigan ng Benguet.

Bakawan o Mangrove. Ito ay matatagpuan sa lugar na matubig kagaya ng latian, ilog, batis at may baling dagat. Halimbawa na mga punong ito ang nipa, pusain, pototan at tangan.

Nakukuha mula sa mga kahoy na ito ang mga panggatong, uling, anborn at plywood. Malumo o mossy. Ang mossy type na kagubatan ay matatagpuan sa matataas na bulubunduking lugar na may matarik na gilid.

Typical na halimbawa nito ang pako, moses, at orchidias. Mahalaga ang mga halamang ito sapagkat napipigilan nito ang pagkakaroon ng erosyon o pagguho ng lupa. Bukod sa iba't ibang uri ng kahoy na makukuha natin mula sa kagubatan, may marami pang mahalagang bagay ang ibinibigay nito sa atin. Dito matatagpuan ang iba't ibang uri ng mga halaman.

Dito rin nabubuhay ang iba't ibang uri ng hayop, gaya na lamang ng baboy ramo, ungkoy, mouse deer sa palawan, Parshir, Philippine Eagle, Kingfisher, Kila, Kuko. Sa kagubatan rin naninirahan ang iba't ibang uri ng ahas o reptile tulad ng sawa, kobra at buhaya. Sa kasalukuyan, dahil sa pagkakalbo ng ating mga kagubatan, ay unti-unti nang nawawada ang maraming uri ng hayop sa bansa. Yamang Mineral Ang Pilipinas ay mayama din sa iba't ibang mineral. Kung kaya naman, itinuturing na isa sa pinakamahalagang industriya ng Pilipinas ang pagmimina.

Ilan sa mga yamang mineral na matatagpuan sa ating bansa ay ang Nickel, Ginto, Tanso, Chromite, Pilak, bakal, asoge, uling at marami pang iba. Nakilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa sa mundong may pinakamalaking deposito ng nikel na matatagpuan sa Surigao del Norte at Surigao del Sur. Ang Pilipinas ay isa rin sa pinakamalaking producer ng ginto sa buong Asia.

at isa sa mga nangungunang bansa sa daigdig. Matatagpuan ang malaking mina ng ginto sa mga lalawigan ng Masbate, Nueva Vizcaya, Davao de Oro, Agusandalsur at Benguet. Mayaman din ang Pilipinas sa deposito ng takso na matatagpuan naman sa Cebu, Benguet at Nueva Vizcaya.

Ang ating bansa ay nagluluwas ng ginto, pila, chromite, bakal at asuge sa iba't ibang bansa sa daigdig. Sadyang malaki ang naiambag ng yamang mineral ng Pilipinas sa kalakalan ng daigdig. May tatlong pangkat na mga mineral na matatagpuan sa bansa. Mineral na metal, mineral na dimetal at mineral na panggatong.

Ang mineral na metal ay nahati sa tatlong uri, ang bakal at ferroaloy, base metal at mamahaling metal. Narito ang mga halimbawa ng bakal at ferroaloy. Bakal, chromium, nickel, manganese at cobalt.

Ito naman ang ilan sa mga halimbawa ng base metal. Tanso, tingga, sing, asogen at aluminum. At ang mga mamahaling metal naman ay ang ginto at pilak.

Mineral na D-Metal. Ito rin ay nahati sa tatlong uri, ceramic at refractory, chemical at pataba, at iba pang mineral na pang-industrya. Ang mga halimbawa ng ceramic at refractory At ang mga sumusunod ay luwad at manganis. At ang mga kemikal at pataba naman ay asupre, guano, phosphate, pyrite, at gypsum. At ang iba pang mineral na pang-industriya ay ang benzonite, feldspar, kaolin, at perline.

Ito naman ang mga mineral na panggatong. Carbon, langis, uling at petrolyo. Yamang tao. Ang ating bansa ay hindi lamang sagana sa likas na yaman, kundi sagana rin sa yamang tao.

Taglay ng tao ang lakas, talino at kakayahan, kaya naman sila ang itinuturing na pinakamahalagang kayamanan ng bansa. Sila ay may kakayahang gumamit ng likas na yaman ng bansa ayon sa iba't ibang kaparaanan. May dalawang uri ng manggagawa, ang profesional o manggagawang metal at ang manggagawang pisikal. Ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawang uring ito? Professional o manggagawang mental.

Sila ang mga taong nakapagtapos sa kolehyo na may apat na taong kurso o higit pa. Sila'y nagtataglay ng lisensya bilang pagpapahintulot ng pamahalaan upang gamitin ang kanilang profesyon. Ilan sa mga halimbawa ng professional ay ang Doktor, Dentista, Piloto, Abogado, Kulis, Guru, Ingeniero, Arkitekto, Flight Attendant. Ang ibang tawag sa mga profesional ay lakas isip dahil sila'y karaniwang namamasukan sa mga privado at pampublikong tanggapan.

Sila ang pinakamataas na uri ng paggawa. dahil isip ang kanilang puhunan. Karaniwang mas mataas ang kanilang sweldo sa ordinaryong manggagawa.

Manggagawang Pisikal Ang ibang tawag sa manggagawang pisikal ay lakas paggawa dahil lakas ng katawan at bisig naman ang kanilang puhunan. Sila ay nahati sa tatlong pangkat. Ang Skilled Workers Less skilled workers at unskilled workers. Halina at alamin natin ang pagkakaiba ng tatlong pangkat.

Skilled workers. Sila ay dumaan sa pagsasanay at nakapagtapos ng kursong bukasyonal o teknikal. Sila ay pinagkalooban ng diploma o katibayan para sa kanilang trabaho ang papasukan.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng skilled workers. Elektrisyan, driver, mekaniko, mananahi. Maaari ka bang magbigay pa ng hitlang halimbawa ng mga skilled workers? Less skilled workers.

Sila ay may kaunting pagsasanay din, ngunit mas napagbubuti nila ang kanilang gawain habang nasa panahon sila paggawa. Halimbawa na lamang ay ang mga minero, magsasaka, manging isda, mensahero, at marami pang iba. Unskilled workers.

Hindi na nila kailangan pang magsanay upang matutuhan ang gawain. Simple man ang kanilang gawain, ngunit ito ay may kabigatan. Ilan sa mga halimbawa ng unskilled workers ay ang Kasambahay, janitor, tindero, kargador.

Maaari ka rin bang magbigay ng iba pang halimbawa ng unskilled workers? Ang mga manggagawa sa bansa ay nakatutulong sa pagunlad dahil sila ang mismong kumikilos o kungagawa ng mga produkto at serbisyo. Sila rin ay nagiging kapakipakinabang dahil sa mga buwis na kanilang ibinabayad sa pamahalaan na nakatutulong ng malaki sa pagsasayos ng mga proyekto nito.

Iyong tandaan ang mga pinagkukunang yaman ng bansa ay ang yamang lupa, yamang tubig, yamang gubat, yamang mineral at Yamang Tao Muling tandaan, kailangang maging maingat at matalino tayo sa paggamit ng ating mga likas na yaman nang sa gayon ay lubos nating mapakinabangan ang mayamang kalikasang kaloob sa atin ng may kapal. Abangan ang ikalawang parte ng ating aralin para sa mga pagsasanay. Sa ating muling pagkikita!

Thank you for joining me. Let's learn, play, and grow together. Teacher Beth Class TV Subscribe, Like and Share Thank you!