Transcript for:
Pag-unawa sa Kakapusan sa Ekonomiya

Naranasan mo na bang maubusan ang bagay na kailangan mong bilhin? Eh yung makulangan ng pambayad sa isang produkto o servisyo? Bakit kaya ito nangyayari sa atin at paano natin ito maiiwasan?

Yan ang pag-uusapan natin sa video na to. Tinalakay natin sa nakaraang aralin na ang pangailangan at kagustuhan ng tao ay walang katapusan, ngunit limitado lamang ang ating pinagkukunang yaman, kaya naman nakararanas tayo ng tinatawag nating kakapusan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan natin ang economics.

Dahil hindi natin mayaalis ang kakapusan sa pang-araw-araw nating pamumuhay, mahalaga na matutunan natin ang paraan upang maiwasan ito. Pero bago yun, alamin muna natin ang kahulugan ng kakapusan at kung ano ang pinagkaiba nito sa kakulangan. Ang kakapusan ay tumutukoy sa pagiging limitado ng pinagkukunang yaman upang tugunan ang pangailangan at kagustuhan ng tao.

Ito ay permanente at natural na katangian ng mga pinagkukunang yaman. Kahit na anong gumawa, gawin ng tao ay hindi niya magagawang paramihin o gawing unlimited ang mga pinagkukunang yaman. Halimbawa nito ay ang langis. Dahil isa itong likas na yaman na nauubos, maaari itong mawala pagdating ng panahon kung hindi tama ang paggamit nito.

Gayun din naman, ang mga bansang hindi mayaman sa langis ay makararanas ng kakapusan dito. Gaya na lamang ng Pilipinas. Natural sa ating bansa, nakakaunti ang reserba ng langis kaya makakaranas talaga tayo ng kakapusan. lalo't malaking bahagi ng pamumuhay natin ay nangangailangan nito. Ang maaaring gawin ng pamahalaan upang maiwasan ito ay magangkat ng langis sa mga bansang mayroong mayamang reserba nito.

Ang iba pang halimbawa ay kakapusan sa supply ng ginto, jamante, pilak, nikel at iba pang non-renewable resources. Ang kakulangan naman ay nagaganap kapag hindi sapat ang supply ng produkto sa dami ng gustong bumili nito. Ito ay panandali ang pagkawala ng balanse sa pamilihan na maaaring gawa ng paraan sa pamamagitan ng pagdagdag ng supply ng produkto o pagtaas ng presyo ng produkto upang mabawasan ang nais bumili nito. Halimbawa nito ay ang kakulangan ng supply ng bigas dahil sa bagyo, peste, el niño o la niña.

Kapag lumipas ang mga dahilan ng kakulangan ay babalik sa dati ang balanse ng pamilihan. Kadalasang nagaganap din ito kapag bigla ang naging sikat ang isang produkto. Dadami ang nais bumili nito at maaaring magkulang ang supply dahil hindi naging handa ang producer. Upang maiwasan ang kakapusan, mahalaga na malaman din natin ang mga palatandaan o senyales nito.

Una na rito ay ang pagkaubos ng kagubatan sa daigdig. Kasabay ng pagkawala nito ay ang pagkawala rin ng tirahan ng isang mga palatandaan. iba't ibang mga species ng hayop at halaman na nagdudulot ng extinction sa mga ito.

Kapag tuluyang maubos ang mga ito, may hirapan na itong maibalik sa daigdig kahit pa magkaroon ng reforestation dahil matagal na panahon din ang biotope. ipilangin upang bumalik ito sa dati. Pangalawa, palatandaan din ng kakapusan ang pagkonti ng nauhuling isda at iba pang lamang dagat dahil sa pagkasira ng coral reefs na nagsisilbi nilang tahanan. Ang mga produktong agrikultural na nakukuha sa lupa ay maaari ring mabawasan dahil sa babago-bagong klima at panahon.

Pangatlo, nagkakaroon din tayo ng kakapusan sa yamang kapital tulad ng makinarya, gusali at kagamitan sa paglikas. Malikha ng produkto dahil ito ay naluluma, maaaring masira at may limitasyon din ang maaaring malikha. Panghuli, may kita rin nating palatandaan ng kakapusan ang oras. Hindi natin ito mapapahaba dahil mayroon lamang tayong 24 oras sa isang araw. Sa loob ng oras na ito, hindi mo magagawa ang lahat ng bagay na nais mo sapagkat kailangan mong magpahinga, matulog at kumain.

Ang panahong lumipas ay hindi na muling maipagpahinga. ang pera ay maaari rin kapusin dahil hindi naman lahat ng bagay ay maaari nating bilhin gamit ang pera. Kung gayon, ang kakapusan ay maaaring magdulot ng mga suliraning panlipunan kung hindi natin gagawa ng paraan. Sa pagdaan ng panahon, patuloy nadadami ang populasyong mayroong walang katapusang pangailangan at kagustuhan habang ang mga pinagkukunang yaman naman natin ay patuloy na mauubos. Maaari itong magdulot ng malawakang kagutuman, kahirapan at pagkakasakit.

Maaari rin itong magdulot ng sigalot, pag-aaway at kompetisyon. Upang mapamahalaan ang kakapusan, kailangan natin maging matalino sa pagdedesisyon at maging bukas sa pagtutulungan. Kaya naman kung babalikan natin, mayroong apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko na dapat sagutin upang maiwasan ang kakapusan.