Thank you for watching! Magandang araw mga bata! Kamusta naman kayo?
Oh, lahat sila ay masaya. Mabuti naman kung ganon. Narito muli si Teacher Cathy upang maghatid ng bagong kaalaman. Sa nabasa nyo sa screen, ang ating tadalanghain ngayong araw ay punto at paraan ng artikulasyon.
Pagtapos ng ating diskusyon, inyong malalaman ang mga punto at paraan ng artikulasyon. Kaya mga bata, handa na ba kayong makinig? Kung ganon, simulan na natin!
Ang Ponolohiya o Ponology ay tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog na kinikilala nating ponema. Ayon kay Santiago 2013, malalaman natin na makabuluhan ng isang tunog kung nagawa nitong baguhin ang kahulugan ng salitang kinapapalooban nito Sa sandaling ito'y alisin o palitan. Kapag ang mga ponema ay sinusulat, karaniwan itong kinukulong sa dalawang buhit na pahilis na tinatawag na virgules upang mapaiba sa karaniwang letrang ginagamit sa pagbabaybay ng mga salita. Hindi lahat ay angkop sa konseptong ito.
Ano-ano ang mga salik na kailangan upang makapagsalita ang tao? Una, ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya. Pangalawa, ang artikulador o mga kumakatal na bagay. Pangatlo, ang resonador o patunugan. Ano-anong mga bahagi ang sangkot na ginagamit sa pagsasalita?
Una, baga, babagtingang tinig, laringhe, epeglotis, paringhe, ubula o titilaukan, guwang ng bibig, velum o malambot na ngalangala, guwang ng ilong, palate o matigas na ngalangala, alveoli o punong gilagid, labi, ngipin, at dila. Kung emang... Segmental, kilala rin ito bilang ponema. Ito ay ang mga tunog na ginagamit ng mga katumbas na letra upang mabasa at mabigas.
Punto ng artikulasyon. Ito ay tumutukoy sa kung anong bahagi ng bibig na isagawa ang pagbigkas sa ponema. Ito rin ay naglalarawan kung saang bahagi ng ating bibig na gaganap ang saglit na pagpigil o pag-abala sa pagrabas ng hangin sa pagbigkas sa isang katinig.
Alam nyo bang may limang uri ng punto ng artikulasyon? Ang una ay panlabi. Ang ibabang labi ay dumitikit sa labing itaas.
Halimbawa, P, B, M. Alawa, pangngipin. Ang lila ay dumitikit sa loob ng pangngipin sa itaas. Halimbawa, T, D, N. Dulo, panggilagid. Ang ibabaw ng dulo ng dila ay lumalapit o dumidikit sa punong gilagid.
Halimbawa, L, R. Kapat, veral o pangngalangala. Ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala. Halimbawa, K, G. At ang panglima ay glotal.
Ang babagtingang tinig ay nagditiit o naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog. Halimbawa, H. Ngayon naman ating talakayin ang paraan ng artikulasyon. Ito ay inilalarawan at ipinakakita kung papaano ang mga sangkap sa pagsasalita ay gumagana at kung papaano ang ating hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. Mga bata, makinig ng mabuti at isa-isahin natin ang paraan ng artikulasyon. Una, pasara.
Ang daanan ng hangin ay harang-naharang. Halimbawa, P, T, K, B, D, G. Pangalawa, pailo. Ang hangin ay nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagdukod ng dulo ng dila sa itaas ng mga ngitin o kaya'y dahil sa pag... Ang baba ng velum ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas. Halimbawa, M, N. Pangatlo, Pasutso.
Ang hanging lumalabas ay nadaraan sa makipot na pagitan ng bila at ng ngalangla. Okay, mga babagtingang pantinig. Halimbawa, S, H. Pang-gilid.
Ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadikit sa punong gilagin. Halimbawa, L. Panglima, pakatal. Ang hangin ay ilang ulit na hinahara at pinapabaya ang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila. Halimbawa, R. ay malapatinig.
Dito'y nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo sa ibang posisyon. Halimbawa, W, Y. Naiintindihan ba mga bata? Sige nga, kung ganon, ano-ano ang limang punto ng artikulasyon. Magagaling mga bata, ito ay panlabi, pangipin, panggilagid, veral o pangalangala at glotal.
Ano-ano naman ang anim na paraan ng artikulasyon? Mahuhusay mga bata, ito ay pasara, pailong, pasutsot, panggilid, pakatal at malapatinig. Palakpakan nyo naman ang inyong mga sarili.
Sana natuwa kayo sa ating aralin. Salamat sa inyong pakikinig. Paalam mga bata!