Transcript for:
Uri ng Kilos ng Tao at Makatao

Magandang araw mga mag-aaral sa Baitang Sampu! Ngayon ay tatalakayin natin sa Asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ang Paksang Araling ang Makataong Kilos. Tayo ngayon ay nasa una at ikaluwang linggo ng ating pag-aaral sa ikaluwang markahan.

Simulan na natin! Ano mang uri ng tao ang isang individual ngayon? At kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos na kanyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay. Ito nga ay ayon kay Agapay Dahil sa isip at kilos loob ng tao Kasabay ang iba pang pakultad na kanyang taglay Tulad ng kalayaan Ang tao ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kanyang nais at ayon sa katwiran.

Bawat segundo ng kanyang buhay, siya ay kumikilos. Naghahati ng pagbabago sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa. at sa mundong kanyang ginagalawan.

Ayon pa rin kay Agapay, ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili. Mayroong dalawang uri ng kilos ang tao. Ito ay ang kilos ng tao o acts or acts of man at makataong kilos or human act.

Una, Kilos ng Tao o Act of Man. Ito ay ang mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos loob.

Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama. Kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Halimbawa ay ang biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad na kanyang paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, paghikab at iba pa. ikalwa Makataong kilos o human act.

Ito naman yung kilos na isinasagawa ng tao ng may kaalaman, malaya at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos loob, kaya't may kapanagutan ng tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang kanyang ginagawa at ninanais niyang gawin ang kilos na ito. Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghusga at pagsusuri ng konsensya. Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kanyang piniling kilos.

Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. Pero kung masama naman ito, ito naman ay kahiyahiya at dapat pagsisihan. Ngayong alam na natin ang pagkakaiba ng dalawa, sagutin natin ang katanungan ito.

Maaari bang maging makataong kilos ang kilos ng tao? Ang sagot ay... Oo, halimbawa na lamang, si Hasmine ay isang mag-aaral sa Baitang Sampu. Hilig niya ang magpunta sa library at doon ay magbasa ng mga paborito niyang journal.

Sa kaniyang paglalakad, ay naririnig niya ang kwentuhan ng kanyang mga kaklase tungkol sa maagang pag-aasawa ng isa nilang kamag-aaral. Hindi sa dia na marinig niya ito at magkaroon ng kaalaman tungkol dito. Kaya hindi niya ito inintindi at nagpatuloy siya sa paglalakad patuloy. sa library. Suriin naman natin ngayon, maliwanag na walang kamalayan si Yasmin sa chismis sa loob ng kanilang klase, kahit narinigpanigya ang mga ito sa kanyang paglalakad patungo sa library.

Hindi ito tumimo sa kanyang isip, gayon din ang mga detalye ng kwento. Kaya ang kilos na pagkakarinig ay hindi sinasadya. Ang kakayahan niyang tumugon sa mga narinig ay hindi niya pinili.

Kaya ang kilos na pagdinig sa usapan ay hindi malayang pinili. Sa makatwid, maipapalagay natin na ang isang kilos ng tao ang makarinig, ngunit ang kilos na narinig mula sa usapan galing sa ungkukan ay isang kilos ng tao na maaaring maging makataong kilos. Batay sa unang sitwasyon, ang kilos ay masasabing act of man. sapagkat hindi niya sinasadya ang pagkakarinig sa usap-usapan. Paano naman ito magiging makataong kilos? Sa mga narinig mula sa umpunghan habang naglalakad, nahikayat si Jasmine at naingganyo sa usapan tungkol sa kaklasi nilang maagang nakapag-asawa.

Walang ano-ano siyang lumapit sa umpukan. Tuluyan nakihalubilo sa kanila at nagbigay pa nga ng mga reaksyon sa usapan. Halina'd muli natin suriin. Si Hasmin ay nagkaroon ng kaalaman sa mga usapan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng interes sa chismis. Binigyan niya ng mga idea ang kanyang isip na mainganyo sa chismis at pagtanong patungkol dito.

Kaya ang kilos na ito ay sinadya at pinag-isipan. Sa pagkakataong ito, Ginamit ni Yasmin ang kanyang pakayahang pumili at malayang kilos loob sa pagtukoy at pagpili ng kanyang kilos. Kaya naman, ang kilos ay masasabing human act o makataong kilos. Siya ay hindi lamang nakinig kundi nakihalubilo pa. nagtanong at nagbigay pa ng reaksyon.

Isang indikasyon na ito ay ginusto at sinadyan niya. Ang kilos ay nagpakita ng paghukusang kilos o voluntary act. At dahil nga sa mga simpleng narinig, ay naging kilos na ang intensyon ay makarinig at makipag-tsismisan.

Ang dating kilos ng tao ay naging makataong kilos at sa kasong ito ay naging mapanagutan. Kaya naman, ang kilos niya ay may kapanagutan o imputable para kay Yasmin na siyang responsable sa piniling kilos. Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing Ang kilos ay pagkukusang kilos o voluntary act. Ang bigat o degree ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa bigat ng kanustuhan o pagkukusa. Ang mga ito, degree of willfulness, o voluntariness ay nasa ilalim ng kaalaman at kalayaan na tinatamasa.

Sa madaling salita, kung mas malawak ang kaalaman o kalayaan, mas mataas o mababang degree ang pagkukusa o pagkagusto. Kung mas mataas o mababang degree ang pagkukusa, mas mabigat o mababaw ang pananagutan. Naunawaan mo ba?

Kung gayon, ipagpatuloy natin. Mayroong tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan. Kailangang maging maingat ang tao sa pagawa ng makataong kilos sapagat ang mga ito ay maaaring maging isyong moral o etikal.

Ito ay dahil Ang kilos na ito ay ginagawa ng may pangunawa at pagpili dahil may kapanagutan o sa Ingles ay tinatawag nating accountability. Ayon naman kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan. Ito ay ang kusang loob, di kusang loob at walang kusang loob. Isa-isahin natin. Una, Kusang loob.

Ito ang kilos na may kaalaman at pagsangayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinat na nito. Halimbawa, ang isang gurong nasa sekundarya na gumaganap ng kanyang tungkulin bilang guro ay gumagamit ng iba't ibang estrategiya sa pagtuturo para sa kanyang klase.

Nagbubuo rin siya ng banghay aralin o lesson plan bilang preparasyon sa kanyang araw Sa araw-araw na pagtuturo, naghahanda rin siya ng mga angkop at kawili-wiling kadamitang pampagkatuto ng mga bata at pampagtuturo upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumagawa rin siya ng mga angkop na pagsusulit upang matiyak ang mga minimiting pagkatuto ng mga mag-aaral. Okay.

Suriin natin ang halimbawang ito. Ito ay nagpakita ng isang tunay o lubos na kaalaman tungkol sa isang gawain at kung paano ito dapat isagawa sa pamamagitan ng pagganap kung paano ito isakatuparan at maging matagumpay ito. Maliwanag nga sa halimbawa na may lubos na kaalaman ang guro sa kanyang ginagawang kilos. Ipinakita rin niya ang malayang kilos loob na isakatuparan ang piniling kilos at maging mapanagutan dito. Kaya masasabi natin ang kilos ay kursang loob.

Ikalawa Di kusang loob. Dito ay may paggamit ng kalaman, ngunit kulang ang pagsangayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa, bagaman may kalaman sa gawain na dapat isakatuparan.

At ito nga ang ating halimbawa. Pakinggan ninyo. Si Arturo, ay isang barangay ofisyal na naglilingkod bilang comic member para sa lokal at pambansang eleksyon.

Binulungan siya ng kanyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng dagdagbawas. Alam niyang ito ay iligal at labag sa kanilang moral na tungkulin, kaya hindi siya pumayag. Ngunit sa kabila nito, ginawa pa rin niya ang pabor na hinihingi dahil baka matanggal siya bilang miyembro kung hindi siya susunod bagaman labag ito sa kanyang kalooban. Muli nating suriin.

Ang isinagawang kilos na magdagdag bawas ay naisakatuparan bagamat labag sa taong gumanap nito. Ito ay dahil may takot siya na matanggal sa kanyang posisyon bilang miyembro ng Komilep kung siya ay tatanggi. Ang kilos ay may pag-ukusa o voluntary. Malaya siyang nagpasya sa piniling kilos na tumulong na gawin ang maling gawain.

Kaya sa sitwasyong ito, may detektibo sa intensyon at pagsangayon ng taong nagsagawa kahit palabag ito sa kanyang kalooban. Kaya masasabi natin ang kilos ay kulang ng pagsangayon at pagkukusap. Sumunod naman ay ang walang kusang loob. Dito, ang tao ay walang kaalaman, kaya't walang pagsangayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam, kaya't walang pagkukusa.

Halimbawa na lamang ay ito. May kakaibang ekspresyon si George sa kanyang mukha. Madalas ang pagkindat na Kanyang kanang mata Nakikita ang manerismo ito sa kanyang pagbabasa, pakikipagkwentuhan sa kaibigan at panunood ng telebasyon. Minsan sa kanyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit sa kanyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga.

Hindi humingi ng paumanhin si George Dahil iyon ay isang manerismo niya. Pagsusuri, bagaman may kaalaman si George sa kanyang manerismo, hindi naman ang pagkindat ang kanyang paraan ng pagpapahayag ng pagkagusto sa dalaga. Sa kanyang pagkilos, makikita na na wala siyang kaalaman na sadyang bastusin o magpakita ng interes sa dalaga at magkusa siyang makipagkilala. Kung kaya, ang kilos ay walang pagkukusa dahil walang pagsangayon sa taong gawin ang kanyang naisip dahil iyon ay kanyang manerismo.

Layunin, batayan ng mabuti at masamang kilos. Makikita sa layuni ng isang makataong kilos kung ito ay masama o mabuti. Dito mapatutunayan kung bakit ginawa o nilayo ng isang bagay. Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad na huhusgahan kung masama o mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensyon kung bakit ginawa ito.

Halimbawa, sa pagtulong sa kapwa. Hindi agad masasabing mabuti at masama ang ipinakita maliban sa layunin ang gagawa nito. Magiging mabuti ito kung gagawin para sa isang tao na nangangailangan ng tulong mula sa pagbuhat ng mabigat na bagay at may kagustuhan siyang tumulong. Magiging masama ito kung may intensyon siyang nakawi ng gamit ng kanyang tinulungan. Naintindihan mo ba?

Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa pagawa nito ay may masamang mangyayari. Dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan. Ang kabutihan ng sarili at ng iba.

Patuo sa pinakamataas na layunin. Halimbawa, ang pag-akay sa isang matanda na tatawid sa kalye. Kung hindi mo tutulungan, ay maaaring mahagip ng mga sasakyan.

At kung iyo namang itutuloy ang pag-akay sa kanyang pagtawid, makasisiguro kang magiging maayos ang kanyang kalagayan. Kaya naman, nararapat na maging mapanagutan ang tao sa kanyang pagkilos upang sa huli ay hindi siya magsisi. May pananagutan siya sa mga bagay o kilos na sinadya, ginusto at usang loob na ginawa. Nawa ay may natutunan ka sa ating paksa ngayon. Isa puso at isa buhay ang mga ito.

Maraming salamat at maligayang pag-aaral!