Ang pambansang wika mula sa multilingwa na perspektiba. Maraming perspektiba at paraan kung paano titignan ng wika. Halakan sa mga paradigm na ito ay mula sa kanluran at karaniwan ay may angking kaibahan kung ilalagay sa konteksto ng isang multilingwa na lipunan gaya ng Pilipinas. Lumilitaw ang kaibahan ito, lalo pat ang kadalasang lente ng pagsusuri sa wika ay mula sa monolingwa na perspektiba. Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas na nakabatay sa lingwa frangka ng kapuloan.
Nilalayo na patuloy itong paunlarin batay sa mga umiiral na katutubong wika at mga banyagang wika na may malaking impluensya sa bansa. Payak at direkta ang pahayag na ito tungkol sa Filipino. Ngunit, kakikitaan ng kayamanan at kasalimutan, lalo pat kung ang tradisyonal na pagsusuri sa wika, ay mula sa sinasabing tradisyonal na monolingual na lente, samantalang hayag ang pagkilala sa multilingual na katangian ng pambansang wika. Kung gayon, mainam na balikan at himayin ang mga batayang konsepto tungkol sa wika upang lubos na maunawaan ang kalikasan ng Filipino. Una, ano ang wika?
Isang karaniwang pagpapakahulugan dito ay tumutukoy ito sa sistema ng mga arbitrarong vocal symbol na ginagamit ng mga membro ng isang komunidad sa kanilang komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa isa't isa. Sinasabing arbitraryo ito dahil walang partikular na lohika o tuntunin upang iugnay ang isang salita. Halimbawa, Ginagamit ang salitang araw para tukuyin ang globo ng liwanag makikita sa langit.
Ngunit walang partikular na katangian sa bigkas, sa baybay o anyo ng salitang araw para maging angkop itong gamitin para dito. Maaaring palawakin pa ang depenisyong ito. Sinasabi rin na ang wika ay pinagkasundoan o konbensyonal para sa isang tiyak na grupo ng mananalita para sa layunin ng pagkakaunawaan.
na tumatagal ito sa mahabang panahon bukas sa pagbabago at nagiging vehikulo sa pagpapatuloy ng kultura. Kahit arbitraryo, kinakailangang napagkasunduan pa rin ito ng mga mananalita tungkol sa gamit nito. Isa pa, tumatagal dapat ito dahil nakakatugon ito sa pagbabago.
Dinamiko ito, bukas at dahil doon, nagiging lunsaran at tagahatid o tagasalin ng kultura mula sa isang henerasyon papunta sa susunod. Pangalawa, may baryasyon sa loob ng wika. Kaya kailangan isaalang-alang na ang wika ay hindi monolitukong bagay.
Gumagana ito at nagpapatuloy dahil sa aktual na paggamit ng mga mananalitan ito. Nangyayari ito dahil dinamiko ang wika at bukas sa pagbabago. kung kaya't umaakma at umaangkop ito sa pangangailangan ng kanyang mga mananalita.
Kung gayon, kasama sa pagunlad ng wika ang pagpasok ng mga pagbabago, bunga ng mga internal na salik at mga external na salik. external na impluensya. Ito ang dahilan kung bakit may barasyon sa loob ng wika. Pinakakilalang barasyon sa wika ang tinatawag na dialekto na tumutukoy sa barasyon sa wika, gulot ng pagkakaiba ng lugar. Kung kaya sa wikan Tagalog, halimbawa, maririnig ang ilang pagkakaiba sa mga dialekto nito gaya ng Tagalog Laguna, Tagalog Batangas, o Tagalog Bulakan.
Pero kailang isaalang-alang na hindi lang sa bokabular yung nagkakaiba ang mga dialektong ito. Halimbawa, sinasabi sa Tagalog Laguna, maalinsangan o mabanas. Samantalang sa Tagalog Batangas, ito ay mabanas lamang.
Gaya ng sinabi nung una, Ang wika ay sistema, kaya hindi lang sa bukabularyo sila nagkakaiba, kundi halimbawa pati sa punto, sa pagpapahayag ng mga ekspresyon o ng mga pangungusap, o kaya naman paggamit ng mga panlapi. Kung kaya't sa Tagalog Bulakan, halimbawa, produktibo ang panlaping ma. Bagamat ito ang depenisyon ng dialekto, nagdudulot ito ng kalituhan sa karamihan at naiugnay sa konotasyon ng kababaan. Ipinapalagay na ang wikang sinasalita sa sentro o kabisera ay ang tunay na wika, samantalang ang iba pa na nasa mga probinsya o nayon ay mga dialekto. Nagugat ang kaisipang ito sa mga bansang kadalasan ay may isang major na wika na sinasalita ng lahat o halos lahat ng populasyon at ilang minor na wika lamang.
Halimbawa ay ang wikang Pranses. Itinuturing na ang Pranses na sinasalita sa kabisera ng pari ang mataas na wika, samantalang ang Pranses na sinasalita sa labas nito ay mga dialekto. Kaya kahit sa ilang mga Pilipino, naririnig na tinutukoy nila kanilang wika bilang dialekto lamang kung hindi sila Tagalunson. Bukod sa lugar, Nagdudulot rin ang baryasyon sa isang wika ang kinabibilangang grupong panlipunan ng mga mananalita nito. Gaya ng dialekto, gunsod ito ng magkakasamang karanasan ng mga mananalita na maaaring batay sa kanilang edad, kasarian, trabaho, antas ng edukasyon o katayuang pang-ekonomiko.
Tinatawag ng mga sosyolekto ang mga baryasyon ng wikang sinasalita ng mga grupong ito. Kaya halimbawa, Iba ang wika ng mga bata kesa sa kabataan, kesa sa mga nakakatanda. Iba rin ang wika ng mga magkakasama sa isang profesyon.
Pero kailangang isipin na ang lahat ng mga ito ay variety lamang ng isang wika. Pantay-pantay silang lahat. Kung gayon, walang nakakahigit na isang barayti sa ibang barayti. Nagkakataon lamang na sinasabi o kumakabit ng prestihiyo sa isang particular na barayti kapag ito ay sinasalita sa isang lugar katulad ng kabisera o ng lungsod o ang nagsasalita nito ay tinuturing na elite. Kaiba sa pagiging barayti ang pagiging magkaibang wika.
Mutual intelligibility o degree ng pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang grupo ng mananalita ang karaniwang pangunahing kriteriya upang matukoy kung iisang wika ang sinasalita nila o magkaiba ito. Siyempre, kinakailangan isaalang-alang sa paggamit ng kriteriyang ito na ang isa o ang dalawang grupo na tinutukoy ay hindi bilingual. Halimbawa, ang kaso ng ilang mga pagkasinense na maaaring dahil sa kinalalagyan ng probinsya ay nakakaunawa ng wikang Ilocano. Hindi magiging makatotohanan sabihin iisang wika lang ang Pangasinense at Ilocano.
Kailangan dalawang patunguhan ang pagkakaunawaan ito. Ibig sabihin, lahat na nagsasalita ng Ilocano ay nakakaunawa ng Pangasinense at ganun din sa kaso ng mga nagsasalita ng Pangasinense. Kitang-kita ito halimbawa sa mga bilingual sa parehong vernacular nila at sa Ingles. Pangatlo, multikultural at multilingual na konteksto.
Kung gayon, batay sa mga barasyong ito sa loob ng kapuloan, isa sa konteksto natin ito sa konteksto ng Pilipinas. Makikita ang kayamanan ngayon ng mga wika at mga wikain sa bansa. Binubuo ang kapuloan ng mga manalita ng isang partikular na wika na sumasalamin sa kanilang natatangin kultura.
Kung kaya't mas angkop na gamitin ang katawagang etno-linguistikong grupo upang tukuyin halimbawa ang mga Tagalog, ang mga Cebuano, ang mga Ilocano, mga Mandaya, mga Itneg, mga Yakan at iba pa. Tumatagos ang terminong ito. at pinaghahabi ang magkakasamang karanasan at kagawian ng mga mananalita nito, ano pa man ang kanilang dialekto o sosyolekto.
Sa huling tala mula sa etnolog ng Summer Institute of Linguistics, tinatayang may humigit-kumulang na 175 wika sa bansa. 183 dito kung kasama ang wikang hindi katutubo gaya ng wikang Ingles at Minnan Chinese. Sa ilang mga pagkakataon kung saan nagtatagpo ang dalawang grupo ng mananalita at kinakailangan ng pagkakaunawaan, kinakasangkapan ang isang wika upang maging tulay sa pagkakanawaan.
Maaaring ito ay wika ng isa sa kanila o iba pang wika. Kung ano paman, ang tulay na wikang ito ay tinatawag na lingwa franca. Ang termenong lingwa franca ay nagmula o sinasabing nagmula sa salitang Italyano. Noong panahong Nijival hanggang sa ikalabing walong siglo, buhay na buhay ang komersyo sa mga dagat at mga pantala ng Mediteranyo, na kung saan karamihan sa mga mga ngalakal ay mga Italyano.
Kung kaya't tinawag ang tulay na wikang ito na lingwa franca. Sa ilang mga lugar sa bansa, may mga itinuturing na regional na lingwa franca dahil sa dami na nagsasalita ng wikang ito sa reyong iyon. Halimbawa, sa norte, nandoon ang wikang Ilocano. Sa may bandang timog at silangang Visayas, ang Cebuano, pati na rin sa kalakhang bahagi ng Mindanao.
Tagalog naman kung nandi dito sa may Timogluson. Ano-ano ang mga gampanin ng wika sa lipunan? Bukod sa pangunahing layunin ng wika sa lipunan na maging kaparaanan ng komunikasyon, may iba rin itong ginagampan ng papel.
Una, maaari itong magsilbi bilang opisyal na wika. Bilang opisyal na wika, ginagamit ito sa mga opisyal na transaksyon sa mga institusyong panlipunan gaya ng gobyerno, edukasyon, negosyo at reliyon. Ikalawa, maaari rin magsilbi bilang wikang panturo ang wika.
Ibig sabihin, ito ang gagamitin medium sa loob ng silid paaralan o wika ng nilalaman sa mga kagamitang panturo gaya ng mga libro. Sa dalawang gampanin na ito, kadalasang may isang tiyak na variety na ginagamit para sa layoy na mga ito. Ito ang tinutukoy na standard na variety para sa mga opisyal na gawain at ang academicum variety para naman sa wikang panturo. Kinakailang isaalang-alang na tinatawag itong standard dahil nakatutugon ito sa pangangailangan ng mga opisyal na dokumento.
Gayun din ang tinatawag na academicum variety. Ngunit, gaya ng nabanggit tungkol sa barasyon ng wika, bagamat may prestigio na ikinakabit sa mga ito, Hindi pa rin dapat kumawala sa katotohanang kapantay rin sila ng iba pang variety na may tiyak na tinutugunang pangangailangan. At panghuli, sa ilang mga lipunan, may tinatampok na wika upang maging representante ng kanilang bansa. Sinisimbolo ng wikang ito ang pagkakaisa ng mga mamamayan tungo sa pambansang pagunlad.
Hinikilala ang wikang ito ng pamahalaan at nagagamit ng kalakhanang populasyon. Ito ang tinatawag na pambansang wika. Kung gayon, ano ang Filipino bilang pambansang wika? Sa ganitong sitwasyon, makikita ang katayuan ng Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas. Binubuo ng iba't ibang etnolinguistikong grupo ang bansa na may sinasalitang kanya-kanyang wika, bukod pa na ang mga wikang ito ay may kanya-kanya ring dialekto at sosyolekto.
May dalawang mahalagang katangian kung gayon ang Filipino. Una, ang Filipino ay de jure, ibig sabihin batay sa batas na pambansang wika. Nakasaan ito sa Konstitusyon ng 1987, Artikulo 14, Seksyon 6 hanggang siyam.
Ikalawa, ito ay de facto na pambansang wika, ibig sabihin totoo, batay sa paggamit nito bilang pambansang lingwa franca. Ito nagsisilbing tulay na wika. para sa pagkakaunawaan ng mga mamamayan mula sa iba't ibang panig ng bansa, mula sa iba't ibang etnolingwistikong grupo at magkakaibang sosyolingwistikong grupo. Bilang pambansang lingwa franca, kinakailangang tiyakin kung saan kadalasan makikita ang ganitong sitwasyon na kung saan karaniwang nagkakahulibilo ang mga grupong ito. Isang logical at tunay na tagpuan ng ganitong sitwasyon ay sa mga syudad o sentrong urban gaya ng Metro Manila, syudad ng Cebu, ng Davao at iba pang malalaking syudad sa bansa.
Nakikita kong gayon ang kasaklawan at gampanin ng Filipino. Ito ang pambansang tulay na wika. Maaring gamitin ng lahat ng Pilipinong nagmumula sa iba't ibang... etnolinguistikong grupo upang magkaunawan at magkaisa.
Para sa isang bansa na hitik sa mga wikang sinasalita, walang iisang grupo sa bansa na nagmamay-ari nito. Bagkos, lahat ay may akses dito at karapatang mapaunlad ito, kalinsabay ng mga pambansang pagunlad at hangarin.