Hello and welcome po sa lesson natin para sa first quarter ng grade 9 science. Nasa last part na po tayo ng circulatory system. So bago natin i-close yung topic, pag-uusapan natin dito yung pangatlong circulation na hindi natin na-discuss noong part 3 at saka yung mga pinaka-common na complications sa puso. And lastly, yung relationship ng heart and lungs na pretty much obvious na sa atin kung na ba na panood nyo yung previous lessons natin.
So recap lang sa two types of circulation na pinag-aralan natin last episode. Meron tayong systemic circulation kung saan ang transfer ng blood is galing sa puso, papunta sa katawan ng tao at pabalik sa puso. And then meron din naman tayong permanent circulation na ang transfer ng dugo is galing sa puso, papunta sa lungs and then pabalik sa puso.
So yung third type of circulation ay tinatawag nating coronary circulation. Coronary kasi, ang tawag sa mga ugat na yan is yung red, coronary artery, tsaka yung blue, coronary vein. Kaya daw siya tinawag na coronary kasi mukha nga daw siyang corona.
Hindi ko alam kung paano naging corona yan, pero kayo na mag-decide kung mukhang corona ba siya para sa inyo o hindi. Anyways, segue muna tayo sa ibang topic. So dito may nakikita tayong nakahiga. Siyempre, pag nakahiga ka at nagpapahinga, mabagal lang ang paghinga mo pati na rin yung pagtibok ng puso mo. Dahil hindi ka naman gumagalaw, ang mga muscle mo hindi niya kailangan ng ganong kadaming oxygen.
Pero, pag tumatakbo ka, mararamdaman mo hinihingal ka pagkatapos. Ang reason is, mas madaming trabaho ang ginagawa ng muscles mo, mas madaming oxygen ang kailangan niya. Kaya kahinihingal kasi yung lungs mo, bumabawi yan ang oxygen kasi.
Kailangan ng madaming oxygen ng muscle na madami ang trabaho. Ganon din naman ang heart mo. Since madaming tinatambak na oxygen sa kanya ang lungs, kailangan niyang paikutin yung sa katawan natin kaya bibilis ang tibok ng puso mo dahil kailangan maipadala lahat ng oxygen na yun sa iba't ibang parte ng katawan natin. And speaking of muscles, sa lahat ng muscles sa katawan natin, ang may pinakamahirap na trabaho dyan ay ang puso.
Kayang-kayang niyang patalsikin yung dugo natin ng halos 10 meters kung gugustuhin niya. Ganon kalakas ang puso natin. So imagine ninyo na lang, no? Simula nung pinanganak ka hanggang sa araw na mamamatay ka, hindi tumitigil ang puso mo.
So hindi yan mangangalay kahit paulit-ulit lang yung ginagawa niya. Ilang beses ba niya ginagawa yan? Sa mga adults gaya ko, 60 to 100 beats per minute. Sa mga bata, 70 to 100 times siya tumitibok. So gamitan nyo nalang ng math para magka-idea kayo kung gano'ng kadaming heartbeat ang ginagawa niya sa loob lang ng isang araw.
At kada tibok, nagpapump siya ng 1 third na cup ng blood paikot sa katawan natin. So hindi siya titigil kasi pag tumigil ang puso, mamamatay tayo. Ganon kahirap ang trabaho niya. Kaya ngayon, mangangailangan siya ng madaming supply ng oxygen. At yung oxygen na yun, Sinusuply yan ng coronary arteries and cardiac veins.
Yan yung mga ugat o blood vessel na nakabalot sa puso natin. Yung coronary arteries dito, sila yung nagsusuply ng oxygenated blood sa puso. So, nakakonek sila sa aorta.
And yung aorta, yan ang pinakamalaking artery sa katawan ng tao since dyan nang gagaling lahat ng dugo na umiikot sa katawan. So, Nagpapadala din siya sa puso gamit yung coronary artery nasa side yan ng aorta. Then, ang tawag naman natin dun sa nagtatapo ng oxygen is yung cardiac veins. Yung cardiac veins nakakonekta siya sa right ventricle. Kung matatandaan nyo, sa right ventricle nakakonekta yung superior at inferior vena cava.
Sila yung nagdadala ng deoxygenated blood mula sa iba't ibang parte ng katawan ng tao, pabalik sa puso. Dito din nakakonekta yung... yung pinaka main cardiac vein natin. So, dito, nakikita nyo madaming ugat. Lahat yan, kinukolekta nyo yung deoxygenated blood galing sa puso at pinapadala niya dito sa right ventricle.
Okay, so ngayon, naiintindihan na natin na ang heart ay meron siyang sariling circulation na tinatawag na coronary circulation. Ngayon, ano naman ang mangyayari kung nagkaroon tayo ng aberia sa circulation na ito? Well, Medyo delikado yan kasi napakadaming tao ang namamatay sa problema sa puso. So ang pinaka-common cause niyan is tinatawag natin pa atherosclerosis.
Ito yung madalas pinagmumula ng halos lahat ng komplikasyon sa puso. Madaming factors kung bakit nagkakaroon ng damage yung loob ng artery natin. So yung site ng damage na yan, pinapasok yan ng kolesterol o nung taba na dumadaloy sa dugo natin, eventually, magkakaroon niya ng parang tagyawat sa loob. Ngayon yung tagyawat na yan, na tinatawag nating plaque, dahan-dahan lumalaki yan habang tumatanda ka.
To the point na, mababarahan na niya yung dugo na dumadaloy. So dati, nung wala pang plaque, Kompleto yung dugo na dumadaan dyan pero since meron ng build up, sumisigip na yung daan, konting dugo na lang yung dumadaloy. Ibig sabihin, konting oxygen na lang din ang may papadala kung saan man papunta tong ugat na to.
So para di mangyari sa atin to, kailangan alam natin kung ano ba yung dahilan o ano yung nagkakos ng damage sa loob ng blood vessel natin. So isa dun is yung mataas na blood pressure. Nasabi ko sa nasa inyo last time na ang blood pressure, ito yung lakas ng tulak ng dugo sa pader o sa walls ng blood vessel natin. So dito, nakikita nyo, malakas yung tulak ng dugo, bumabanga siya sa wall, and then nagkaroon ng damage, yung damage na yun tinubuan ng plaque. Another factor is yung pagpalagi kang kumakain ng mga fatty foods or mga pagkain mataas sa kolesterol.
Kasi sila nga yung nagbibuild up. sila yung inaabsorb nung blood vessel natin para maging plaque so pag marami kang ganyan ganito mangyayari sa puso mo so dito yung puso na malusog and dito yung puso na punong puno na ng taba pero hindi yan ang pinakadelikado sa lahat yung susunod ito yung pinakamalakas makadamage ng blood vessel natin may idea ba kayo? so ito yun, drumroll yes Yossi Sigarilyo. So yung mga chemicals niyan, lalo na yung nicotine, dumadaloy sa dugu yan at sila yung nakaka-damage ng linings ng blood vessel natin.
Pag na-damage yun, kakapitan na ngayon yan ng plaque. So dito na tayo. Naninigarilyo ka, mahilig kang kumain ng matataba, mataas ang kolesterol mo, angat mataas din ang blood pressure mo tapos hindi ka pa...
nagtatake ng medications na binigay sa'yo ng doktor. Ano lang mangyayari sa'yo? Well, yung plaque na yan, may posibilidad na masira yan. Pag nasira yan, aakalain ang katawan mo na may damage yung blood vessel mo.
So, sino bang pinapadala ng katawan pag may damage yung blood vessel? Yan yung platelets. Pinag-usapan natin ito nung naging topic natin yung blood. Ang trabaho ng platelets is harangan yung butas. So sa sugat naman natin, ang ginagawa ng platelets is pinapatigas niya yung dugo para magkaroon tayo ng parang pantapal sa sugat natin.
Ganon din ang ginagawa ng platelets pag nasira yung plaque natin. So dito, may plaque na masisira. Yan. Okay, kakapitang kagad siya ng platelets. Ang platelets na yun, gaya nga na sinabi ko, nire-repair niya yung site ng damage.
Ang problema, nagkakaroon siya ng tinatawag nating blood clot. Ito yun. So yung blood clot na yan, once na masira, mamumuungay yung dugo. And yung dugo na yan, bumabara yan sa ugat. Posible na makadaan yan sa ugat.
Example, dito siya namuungo sa puso natin. Posible na dadaan siya. Okay lang kasi kasha pa siya. Pero pagdating niya sa parte kung saan masisikip na, dun na siya babara.
So ano bang nangyayari kapag may nakaharang sa artery o barado yung artery natin? Well, ibig sabihin kung saan man nagpapadala ng dugo yung artery na yun, mawawalan siya ng oxygen. Example, sa puso natin, dito sa lugar na to may pinapadalang oxygen yung isang artery, tapos may bumara dun, hindi na siya makakapagpadala ng oxygen, yung mga cells sa parte na to ng puso natin, mamamatay sila.
Kapag nagsimula ng mamatay yung mga cells dun sa lugar kung saan kinukulang sila ng oxygen dahil may nakabara dun sa artery natin, ang tawag na dun is infarction. Pag sa puso nangyari yan, ang tawag natin dun is myocardial infarction o mas kilala natin sa tawag na heart attack or atake sa puso. Yung infarction na yan, delikado yan pag nangyari yan sa mga ugat na nasa puso natin. Pag nangyari naman yan sa utak, At ang tawag dyan ay stroke.
Either ways, parehong nakakamatay ang stroke at myocardial infarction. In fact, ang number one leading cause of death natin is myocardial infarction. Number two is stroke. So kung titignan natin sa top ten causes of death noong 2016 at 2000, walang pinagkaiba yan ngayon.
Number one is ischemic heart disease. Ito yung mga sakit sa puso. Iba't iba yan.
Namamatay sa kanya is mahigit 9 million noong 2016. pumapangalawa lang yung stroke in which kulang-kulang 6 million siya. So, ibig sabihin, ang number 1 and number 2 killer sa buong mundo is yung bagay na bumabara sa ugat natin. So, sa year 2000, ganun din. Nangungunang ischemic heart disease, sumusunod ay stroke.
Pag sinabing ischemic heart disease, ito rin yung salaring dyan, atherosclerosis, kadalasan. Kasi pag sinabing ischemic heart disease, Ito yung pagsikip ng arteries sa puso natin kaya hindi napapadala ng oxygen yung puso. Ngayon, pag walang oxygen ang puso, hindi siya makakapagtrabaho.
And since ang trabaho niya is magpadala ng oxygen sa buong katawan natin, buong katawan natin ang madadamay. Kasama na doon ang utak. Pag ang utak mo nawalan ng oxygen, patay ka. Okay, so mag-recap muna tayo bago natin tuloy i-close yung topic.
Kung napanood nyo lahat ng episodes na ito, malalaman nyo kung paano nagtutulungan yung heart at lungs kahit hindi ko na i-explain. So yung lungs ang kumukuha ng oxygen galing sa labas at nagtatapo ng carbon dioxide and then yung heart naman or yung circulatory system naman ang nagpapadala ng oxygen sa iba't ibang parte ng katawan ng tao. In fact, kapag ang tao hindi na humihinga at hindi na rin tumitibok ang puso niya, ginagawa pa rin natin ang paraan para makapag-deliver pa rin ang oxygen sa buong katawan ng tao, lalo na sa utak.
Kung nakapunta na kayo sa hospital, sa emergency room, nakakita siguro kayo ng eksena ganito o baka sa mga movies, tinutulak nila yung dibdib ng tao kasi hindi na tumitibok yung puso nila. So kung hindi na tumitibok yung puso nila at kailangan mo pa rin magpadala ng oxygen sa utak, gagawin natin yung manualing kasi pag pinisil mo yung dibdib, Magkakaroon tayo ng parang artificial heartbeat kung saan mapipisil ng puso yung dugo, makakarating pa rin yung dugo sa iba't ibang parte ng katawan ng tao, lalong-lalo na sa utak. Mawalan na ng dugo yung ibang parte ng katawan, huwag lang yung utak. So ginagawa nila ito hanggang sa dumating yung ambulansya.
Kasi pag umabot ng 2 minutes na walang oxygen ang utak, delikado na yun, nakakamatay yun. Ganon din sa lungs, no? pag hindi na humihingay ang tao, hinihipan nila yung bibig para makapagbigay ng oxygen sa lungs na may papadeliver niya sa puso. That way, mapapanatili natin buhay yung tao na hindi humihinga. So hanggang dyan lang po ang lesson natin sa circulatory system.
Maraming salamat po sa pakikinig at sana may natutunan. Susunod na po ang lesson 3 ng grade 9.