Si Emilio Jacinto ay ipinanganak noong 15 Desembre 1875 sa Tondo, Manila. Sanggol pa lamang si Emilio ay namatay na ang kanyang ama kung kaya ay ipinaampun siya kay Don Jose Dizon. Tiyuhin ni Emilio, membro ng Laliga Filipina at isa sa mga nagtatag ng katipunan.
Unang nag-aral si Emilio Jacinto sa Kolehyo de San Juan de Letrad, ngunit lumipat sa Universidad de Santo Tomas upang kumuha ng kursong abogasyah. Ilan sa kanyang mga naging kaklase sa universidad ay si Manuel Quezon at Sergio Osmeña na kalauna'y naging mga pangulo ng Pilipinas at si Juan Sumulong na naging senador naman noong panahon ng mga Amerikano. Ngunit kalaunan ay hindi natapos na Emilio ang kanyang pag-aaral sa kolehyo. Tumigil siyang mag-aaral noong 1894 sa edad na labing siyam upang sumapi sa Katipunan. Sa Katipunan, ginamit ni Jacinto ang pangalang Pinkian.
na ang ibig sabihin ay lumalaban sa mga espadahan. Bilang kasapi ng katipunan, isinulat ni Jacinto ang akdang Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B. o Anak ng Bayan na naglalaman ng mga batas, prinsipyo at kaisipang pinaiiral sa KKK. Ang akdang ito ni Emilio ay mas kilala sa tawag na Kartilya ng Katipunan.
Popular din sa kanya mga naisulat ang akdang Liwanag at Dilim na koleksyon ng mga sanaysayan na nag- nagpapakita ng kaisipang demokratiko at kontra-kolonyalista. Simili din ang editor ng Kalayaan, ang dyaryo ng katipunan, sa ilalim ng sagisag panulat o pangalan na Dimasilaw. Naging heneral din siya ng mga katipunerong aktibong nakikipaglaban sa mga Espanyol malapit sa Manila.
Kasama si Bonifacio ay naging malaki ang kanyang papel sa mga tagumpay ng katipunan sa Pasong Tamo at Mandaluyong. Bungo ng kanyang mga malaking ambag sa Katipunan na ihalal siya kalaunan bilang tagapayo ni Bonifacio sa buwis at pananalapi at kalihim ng pamahala ng revolusyonaryong itinatag ng Supremo sa murang edad ni Emilio na dalawampu. Inilala rin siya bilang ang kanang kamay ni Bonifacio at ang utak ng Katipunan. Nang ipadakip at mamatay si Andres Bonifacio sa kamay ng pamahala ni Aguinaldo, ipinagpatuloy ni Jacinto ang pakikipaglaban sa mga Kastila. Ngunit, Tumanggi siyang maging bahagi ng hukbo ng pamahalaan ni Aguinaldo.
Nang nirahan siya kalaunan sa Laguna, nagtayo ng karnehan at patuloy na nakipaglaban sa mga Espanyol sa probinsya. Ngunit kalaunan, dinapuan si Emilio Jacinto ng sakit na malaria at binawian ang buhay noong 16 ng Abril taong 1899 sa barrio alipit Santa Cruz, Laguna sa murang edad ng 23. Inilibing ang bayaning sa Santa Cruz, Laguna ngunit inilipat kalaunan sa Manila North Cemetery. Makalipas ang ika-isang raang taon ng kanyang kapanganakan noong 1975, ang labi ni Emilio Jacinto ay inilipat at kasalukuyang nakalagak sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa lungsod ng Quezon.
Dagdag kaalaman, alam mo ba na sa buong buhay ni Jacinto ay hindi siya nakuna ng larawan? Ang kasalukuyang larawan at imahe ni Jacinto ay iginuhit ni Guillermo Tolentino na nabuo mula sa kanyang mga isinagawang panayam at pananaliksik. Ang tanging aktual na larawan ni Emilio Jacinto ay ang kanyang memento mori o larawan ng kanyang kamatayan.
Napapalibutan ng mga nagmamahal sa kanya habang suot ng uniforme ng himagsikan at may hawak na baril. At iyon ang buhay na Emilio Jacinto.