Una at ikalawang yugto ng imperialismong kanduranin. Hango ang salitang imperialismo sa salitang Latin na imperium, na ang ibig sabihin ay command. Karaniwang iniuugnay ang imperialismo sa pamamaraan ng isang makapangyarihang bansa na pangibabawan ang isa pang bansa o teritoryo.
Aral ng nakaraan, ating balikan. Tukuyin ang mga sumusunod. Uri ng imperialismo kung saan ang isang bansa ay pinamumunuan ang sarili nito subalit nananatili ito sa ilalim ng kontrol ng mas makapangyarihang bansa. Protektorado.
Ito ang pagbibigay ng pahintulot sa mananakop na gamitin ang teritoryo at likas na yaman ng mahinang bansa na may eksklusibong karapatan para sa kanilang pansariling interes. Concession Uri ng imperialismo na ang layunin ay ang palaguin at pagyamanin ang kita ng isang makapangyarihang bansa sa pamamagitan ng pagkontrol ng ekonomiya at ng politika ng isang underdeveloped na bansa. Economic imperialism Ito ay ang pagpapalawak ng isang bansa sa pamamagitan ng pag-angkin o pananakop ng ibang teritoryo, kasabay ang pagtatatag ng mga pamayanan ng kanilang tao sa mga bagong teritoryong sinakop.
Kolonyalismo Uri ng imperialismo kung saan ang isang makapangyarihang bansa ay nakakakuha ng mga karapatan at pribilehyo sa ilang bahagi ng isang bansa o regyon. Spear of Influence Ang mga uri ng imperialismo ay ang Protektorado, Concession, Economic Imperialism, Colonialismo at Spear of Influence Pananakop Ang imperialismo ay ang panghihimasok, pag-impluensya o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Maaari itong tuwiran o dituwirang pananakop.
Ang pagtuklas ng mga European ng daan papuntang silangan ay nagbigay daan para manakop sila ng mga teritoryo sa Asia na una nilang natuklasan. Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa paggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto. Ong 1488, narating ni Bartolomeo Dias ang dulo ng Afrika. Binansagan itong Cape of Storm na kalaunan ay tinawag na Cape of Good Hope. Ang paglalakbay na ito ni Dias ay nagpapakita na maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamagitan ng pag-ikot sa Afrika.
Narating naman ni Vasco da Gama ang kalikot India noong 1498. Nanguna ang Portugal dahil kay Prinsipe Henry, the Navigator, na naging inspirasyon ng mga manlalayag sa kanyang panahon. Noong 1492, narating naman ng Italianong manlalayag na si Christopher Columbus ang Amerika. Ang kanyang paglalakbay ay sinuportahan ng Spain. Ang Italianong explorer na si Amerigo Vespucci ay nagsagawa rin ng ekspedisyon sa South America. Sa kanya ipinangalan ang Amerika at sa kanya ring paglalakbay na patunayan na ang New World ni Columbus ay isang bagong kontinente at hindi bahagi ng Asia.
Sino ako? Tinaguri ang discoverer ng New World o Amerika. Christopher Columbus Ipinangalan sa kanya ang Amerika. Amerigo Vespucci Naging inspirasyon ng mga manlalayag sa kanyang panahon. Prinsipe Henry Portugues na nakarating sa Cape of Good Hope Bartolomeu Dias Narating niya ang kalikot India Vasco da Gama Hindi rin maisasa katuparan ang mga paglalakbay ng Europeo sa malalawak na karagatan kung hindi dahil sa ilang salik.
Mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo sa Asia Word Hunt Isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga kristyanong hari upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem sa Israel Krosada Isang Italianong adventurerong mga ngalakal na taga-Binis na nanirahan sa China sa panahon ni Kublai Khan ng dinastiyang Yuan, Marco Polo. Nagsildi si Marco Polo sa Korte ni Kublaikan ng labing pitong taon. Sa kanyang paglalakbay pa uwi sa Binis, siya ay binihag ng mga piratang Europeo. Sa kanyang pagkakabilanggo, inilahad ni Marco Polo ang kanyang karanasan sa kapwa niya bihag na si Rustesiano, na isang manunulat. Sa kanyang paglaya, agad inilathala ni Rustesiano ang kanyang aklat na The Travels of Marco Polo.
Inilalarawan ng aklat ang China na Marmol na Palasyo ng Khan, Mga Pagdiriwang, Kayamanan at Kapayapaan sa Lupain. Ang aklat na ito ang isa sa gumising sa kuryosidad at imahinasyon ng mga Europeyo na makipagsapalaran upang marating ang Asia. Ito ay tumutukoy sa muling pagkamulat sa kulturang klasikal ng Greece at Rome, Renaissance.
Ito ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa na nagsilbing gutang pangkalakalan mula Europa patungong India, China at ibang bahagi ng Silangan, na napa sa kamay ng mga Turkong Muslim noong 1453. Konstantinopol Patakarang pang-ekonomiya na nakatoon sa pag-iipon ng mahahalagang metal tulad ng ginto at tanso. Mercantilismo Mga dahilan na nagbunsod sa mga kanduranin na magtungo sa Asia. Ang mga krusada, ang paglalakbay ni Marco Polo, Renaissance, ang pagbagsak ng Konstantinopol, at Mercantilismo. Alam niyo ba na si Ferdinand Magellan ay isang Portugues?
Ang kanyang paglalakbay ay pinunduhan ng Spain. Naging mahigpit na magkalaban ang Spain at Portugal. Hindi nagtagal, nagkaroon sila ng alitan dahil sa kanilang mga inangking lupain.
Sa matinding tunggalian ng dalawang bansa ay namagitan si Pope Alexander VI at naglabas ng papalbul na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain. Sa pamamagitan ng kasunduan sa Tordesillas noong 1494, nagkasundo ang Portugal at Spain sa Line of Demarcation o hangganan kung saan ang Portugal ay maggagalugad sa bandang Silangan, samantalang ang Spain ay sa bandang Canduran. Nang matuklasan ng mga Canduranin ang tuwirang ruta patungong Silangan, nasimulan din ang kolonisasyon ng mga lupaing kanilang natuklasan. Ang ikalabing lima hanggang ikalabing pitong siglo, ang unang yugto ng imperialismong kanduranin. Ang unang yugto ng imperialismong kanduranin ay tumutukoy sa panahon ng panggagalugad, pagpapalawak at pagtatatag ng mga kolonya sa iba't ibang bahagi ng daigdig.
Kinilala rin itong Age of Discovery kung kailan nahimok ang mga Europeo na magtamo ng yaman at katanyagan kasabay ng pagpapalaganap ng Katolisismo. Pili-letra. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong politika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan. Imperialismo.
Ito ay nagsimula sa salitang Latin na colonus, nang ibig sabihin ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes. Kolonyalismo Si Patlang ay Italianong adventurero mula sa Venice, Italy. Nanirahan siya sa China sa panahon ni Kublai Khan. Sa kanyang pagbabalik sa kanyang bansa, inilarawan niya ang kagandahan at karangyaan ng Asia.
Marco Polo. Ito ay salitang pranses na ang ibig sabihin ay muling pagsilang, na nagpasimula sa Italia na naganap noong 1350. Sa panahon ito, natuon ang pansin ng tao sa humanismo. Renaissance. Ito ay prinsipyong ginamit sa unang yugto ng imperialismong panduranin na kung may maraming ginto at pilak, may pagkakataong maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa. Mercantilismo.
Ito ay mga kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga kristyanong hari upang mabawi ang banal na lupain mula sa kamay ng mga turpong muslim. Mga krusada, ito ay Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa na nagsilbing ruta ng kalakalan mula Europa patungong India, China at iba pang bahagi sa Asia. Konstantinopol Siya ang nagtakda ng Line of Demarcation na naging solusyon sa tunggalian ng Spain at Portugal, kung saan ang Espanya ay maggagalugad sa kanduran at ang Portugal sa silangan. Pope Alexander VI Siya ang tinaguriang The Discoverer of New World. Christopher Columbus Siya ang Portugues na nakarating sa Pilipinas sa ngalan ng Espanya.
Ferdinand Magellan Ikalawang yugto ng imperialismong kanluranin Tulad ng unang yugto, ang ikalawang yugto ng imperialismo ay pinasigla ng magkahalong tunggaliang politikal. Mga dahilang ideolohiya, pangangailangang pang-ekonomiya at pag-unlad ng teknolohiya. Ito ay naganap sa huling kalahating bahagi ng ikalabing siyam na siglo hanggang sa pagsisimula ng unang digmaang pandayigdig noong 1914. Ang panahon ito ang tinaguriang panahon ng High Imperialism o kasagsagan ng imperialismo bunsod ng pagpapaligsahan ng mga bansang kolonyal sa pag-angkin ng mga lupain lalo na sa rehyon ng Timog Silangang Asya at Afrika.
Bakit nga ba nagkaroon ng ikalawang yugto ng imperialismo? Hula Rawan Damdaming makabayan na nag-udyok sa mga Europeo na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang kanilang mga karibal na bansa. Nasionalismo Tumutukoy sa maramihang paggawa ng produkto gamit ang mga makina na nag-udyok sa mga Europeo na magpalawak ng teritoryo upang may papagpunan ng mga hilaw na material at pamilihan ng mga produktong yari na.
Revolusyong Industrial Nagugat ito sa teorya ni Charles Darwin. Paniniwalang ang mga kanduranin o taong may lahing puti ay may mas mataas na karunungan sa pamamahala at sibilisasyon, kung ihahalin tulad sa mga lahing kayumanggi, itim at dilaw. Social Darwinism Paniniwala ng lahing kayumanggi, itim at dilaw ay obligasyong tulungan ng lahing puti upang umunlad. White Man's Burden Paniniwala ng United States na nakatadhana at may basbas ng langit na palawakin at angkinin ang mga bansa.
Manifest Destiny Mapa Nuri, imperialismo sa Timog Silangang Asia, na natiling kontrolado ng mga Portugues ang Timor-Leste. Noong 1815, pinalitan ng pamahalaang Netherlands ang Dutch East India Company sa pamamahala ng East Indies o Indonesia. At sa loob ng mahigit isang daang taon ay nagawang makontrol ang kabuang kapuluan kasama ang Sumatra at Bali.
Naangkin at naisama naman ng Britain ang Burma o Myanmar sa Imperyong India, na kolonya nito noong 1886. Unti-unti ring nakontrol ng Britain ang Peninsular Malaya o Malaysia noong 1874. Nakolonisa naman ng France ang Vietnam, Laos at Tambodja noong 1887 at ipinroklama ito bilang French Indochina Union. Ang Pilipinas naman na kolonya na ng Espanya mula 1565 hanggang 1898 ay napasakamay ng Estados Unidos noong 1898 sa visa ng Treaty of Paris sa pagtatapos ng digmaang Espanyol-Amerikano sa halagang 20 milyong dolyar. Ikalawang yugto ng imperialismo.
Mabuting efekto Pagkakaroon ng sistema ng edukasyon. Pagtatayo ng mga infrastruktura. Panibagong sistema ng pagtatanim.
Modernisasyon. Hindi mabuting epekto. Pangaabuso at pangaalitin.
Pagkamkam ng mga likas na yaman. Pagkakahati ng mga teritoryo. Pagbabago ng Kultura Pili letra. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagkakaroon ng ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperialismo. Alin ang hindi kabilang?
Pang-aalipin ng mga British sa Amerika Ang imperialismo ay may iba't ibang paraang ginamit sa pananakok. Alin ang hindi kabilang? Manifest Destiny Bakit nakilahok sa kompetisyon ng ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperialismo ang Estados Unidos o United States?
A at B, dahil sa pangangailangan ng mga hilaw na materyales at dahil sa paniniwalang Manifest Destiny. Ito ay paniniwala ng United States na sila ay nakatadhana at may basbas ng langit upang magpalawak at angkinin ang mga bansang mahihina. Ano ito? Manifest Destiny Anong paniniwala ang nagsasaad na ang lahing kayumanggi, itim at dilaw ay obligasyong tulungan ng lahing puti upang umunlad? White Man's Burden Paghahambing Paghambingin ang una at ikalawang yugto ng imperialismo.
Mapanuri Alin ang hindi na kolonisa? Ang kaso ng Thailand bilang malayang bansa sa panahon ng pamamayani ng imperialismong kanduranin sa rehyon ng Timog Silangang Asya. Naiwasan ng Thailand o dating Siam ang makolonisa ng mga Europeo sa pamamagitan ng sumusunod na salik.
Kawalan ng interes ng mga Europeo sa lokasyong geografikal ng Thailand. Ang Thailand na nasa pagitan ng Burma na kontrolado ng mga British at Indochina na kontrolado naman ng mga Pranses ay nagsilbing buffer zone ng mga bansang nabanggit. Ang buffer zone ay teritoryo o bansa sa pagitan ng dalawang bansa na maaaring may alitan o may posibilidad na magkaroon ng di pagkakaunawaan. Hindi naging kaakit-akit ang lokasyon ng Thailand sa mga Europeo upang tuwirang ikolonisa. Maaaring upang maiwasan ng Britain at France ang hindi pagkakaunawaan, minabuti nilang mapanatiling malaya ang Thailand.
Pagsisikap ni Haring Chulalongkorn o Rama V na magkaroon ng modernisasyon ang bansa. Napagtanto ni Haring Chulalongkorn, ikalimang monarkiya ng Sayam mula 1853 hanggang 1910 ang kahalagahan ng transformasyon ng bansa sa versyong Europeo. Ipinatupad ni Haring Chulalongkorn ang mga reforma sa bansa kasama ang pagsasamoderno ng sistemang legal Strukturang administratibo, military at higit sa lahat ang paglikha ng mapang saklaw ang kabuang Thailand. Sa paraang ito, naipamalas ng mga Siamese sa mga Europeo na kaya nilang pangasiwaan ang kanilang sarili. Nakadagdag din ang pag-angkop ng mga Siamese sa ilang gawi at makabagong teknolohiyang kanduranin bilang pagpapakita na nakahanda ang mga Siamese sa modernisasyon.
Konsentrasyon ng kapangyarihan. Nagtatag din si Haring Chulalongkorn ng profesional na hukbong militar. Ipinamalas nito ang kapangyarihan ng hari na makontrol ang mga lokal na pamunuan sa loob ng bansa.
Ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa katauhan ng hari ay naglalarawan sa Thailand bilang isang bansang may kinalaman sa pangangasiwa ng kanilang sariling pamahalaan. Pagpapatibay ng nasyonalismo at pagkakakilanlang kultural ng bansa. Ginamit ng pamahalaan ang histografiya sa pag-aaral ng kasaysayan ng bansa upang mapagtibay ang kamalayang pagkabansa na ang Thailand ay panghabang buhay para sa mga Siamese o Thai.
Ang wikang Thai ay itinalaga rin bilang opisyal na wika ng bansa. Ang bagay na ito ay nakahimok sa mga Thai na labanan ang kolonyalismo. Kritikal na pag-iisip.
Sa iyong palagay, naging matalino ba si Haring Chula Longkorn sa kanyang pinagpasyahang reforma upang hindi masakop ng mga kanluranin ang Thailand? O naswertehan lamang ng Thailand ang pangyayari? Patunayan ang sagot.