Isang mapagpala at magandang araw sa inyong lahat. Ngayong araw na ito ay tatalakayan naman natin ang module number 2 na may pamagat na paghubog ng konsensya batay sa likas na batas moral. Ang keyword na pagtutuunan natin ng pansin sa module na ito ay ang tinatawag o ang salitang konsensya.
Ngayon na alamin natin kung ano nga ba ang kahulugan ng konsensya. Mahalaga sa ating buhay bilang tao ang pagsunod sa ating konsensya. At ano nga ba ang ibig sabihin or kahulugan kapag sinabing konsensya?
Una, ang konsensya ang isa sa mga kilos ng isip na naguutos o nagusip. sa mabuting dapat gawin o sa masamang dapat iwasan. Pangalawa, ang konsensya rin ang tumutulong sa ating mga tao na makapagpasya, makapag-decide, at tumutulong sa atin na makakilos ng naayon sa mabuti. Tayo mga tao, bilang nilikha, ay pinagkalooban din ng ating Diyos ng tinatawag na konsensya. Kaya mahalagang dapat alam po natin kung ano ang tulong...
nito at kung paano ito natin dapat na gamitin. Pangatlo, ang konsensya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad na gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa kabutihan. Pangapat na kahulugan, ang konsensya ang praktikal na paghusga ng isipan.
Para makapagpasya na gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Panglimang kahulugan, ang konsensya ang mumunting tinig sa loob nating mga tao na nagbibigay sa atin ng payo at nag-uutos sa kanya o sa atin sa gitna ng isang moral na pagpapasya kung paano kumilos sa isang konkretong sitwasyon. At pang-anim na kahulugan, ang konsyensya ay isang natatanging kilos, pangkaisipan, isang paghusga ng ating sariling katwiran.
Tayo naman ay dumako sa tinatawag na uri ng kamangmangin. Merong dalawang uri ang kamangmangan. Una, ang tinatawag na kamangmangang madadaig at pangalawa, ang kamangmangang di madadaig.
Unahin natin na aralin kung ano ang kamangmangang madadaig o tinatawag na bensible ignorance. Mahalagang tandaan na may obligasyon tayong alamin kung ano ang tama at mabuti. Isang halimbawa nito, kung meron kang nakbabatang kapatid na biglang sumakit ang kanyang tiyan, papainamay mo ba siya kaagad ng gamot?
Siyempre, makakabuti na pag-isipan mo munang mabuti kung ang ibibigay mo sa kanyang gamot ay gamot ba talaga sa pananakit ng tiyan? O ito ba ay gamot sa iba't ibang part ng katawan? O meron pa bang ikaw na naisip na mas makakabuting gawin upang mabigyan mo ng paunang lunas ang nararamdamang sakit sa tiyan ng iyong kapatid.
So, sa pamagitan nun, pwede mong madaig yung sandali na yun. Kasi magkakaroon ka ng time na makapag-isip ng mas mabuti. Kumbaga, may-isip mo yung pinak-the-best na may bibigay mo sa isang sitwasyon. Hindi marapat nasundin ang maling konsensya. Hindi rin dapat kumilos o magpasya o gumawa ng pasya ng nag-aalinlangan.
Kung halimbawa sa sitwasyon na yun, doubt ka, hindi ka sigurado sa gamot o sa gagawin mo, so mahalaga na huwag ka munang gumawa ng final decision. Pangalawang uri ng kamangmangan is yung tinatawag namang kamangmangan na di madadaig or yung tinatawag nating invincible ignorance. Isang sitwasyon, halimbawa meron sa'yo nanghinging pulubi sa daan at binigyan mo ito dahil naawa ka sa kanya, dahil nagugutom nga raw siya.
Ngayon binigyan mo siya para may pambilin niya ng pagkain pero nung nagkalayo na kayo, yung perang binigay mo sa kanya is pinambilin niya ng solvent. Bakit sinabing ka mga mga hindi madadaig? On your part, Magandang intention mo.
Hindi ikaw ang responsible sa ganong sitwasyon sapagkat na kanina na ang control nun. Nandun na sa pulubing binigyan mo ng pera. Siya na yung nag-decide para sa kanyang sarili kung saan niya ibibili yung perang ibinigay mo sa kanya. Kaya siya tinawag na kamangmangan na di madadaing.
Hindi lamang dapat kasi sundin ang konsensya, kundi marapat na ito ay hubugin. Ngayon, dumako tayo sa apat na yugto ng konsensya. Okay, unang yugto.
Ano ang unang yugto? Ang alamin at naisin ang mabuti. Ngayon, pag nalaman mo na at ninais mo na ang mabuti, then go to ikalawang yugto, ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon. Then, hanggang sa dumating ka sa ikatlong yugto, paghatol para sa mabuting pasya at kilos. At ang ikahuli o pang-apat na yugto is ang pagsusuri ng sarili o pagninilay.
Ngayon tayo naman ay dumako sa likas na batas moral bilang batayan ng kabutihan at konsensya. Ang likas na batas moral bilang batayan ng kabutihan at ng konsensya ay binubuo ng unang prinsipyo at ikalawang prinsipyo. Ano ang unang prinsipyo ng likas na batas moral?
Gawin ang mabuti, iwasan ang masama. Then, ano naman ang ikalawang prinsipyo ng likas na batas moral? Okay, una, kasama ng lahat ng may likha o may buhay or may kahiligan tayong mga tao na pangalagaan ang kanyang buhay.
Number two, kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pangangalaga sa uri nito at papag-aralin ang mga anak. Pangatlo, bilang rasyonal na nilalang may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan. Yun naman ang bumubuo sa ikalawang prinsipyo ng likas na batas moral. Okay, paano naman natin hubugin ang konsensya? Una, matapat at masunuring isagawa ang paghanap at paggalang sa katotohanan.
Pangalawa, naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin. Yung dalawang nabanggit ko ang ilan sa mga maaari nating gawin upang mahubog natin ang ating konsensya. At tayo dumako sa tinatawag na antas ng paghubog ng konsensya.
Okay, una, ang antas ng likas na pakiramdam at reaksyon. So, yan ang unang antas. Then, ang pangalawang antas naman, ang tinatawag na antas ng super-ego.
At bilang pagbubood in this module number 2, mahalagang masimulan mula pa bata ang paghubog ng konsensya. Dahil makakatulong ito upang hindi siya magkamali sa kanyang paghusga ng mabuti o masama sa hinaharap o maging sa kasalukuyang sitwasyon. At dito natatapos ang ating aralin sa module number 2. Intro Music