Transcript for:
Karapatan at Batas sa Pilipinas

Nandito pa rin tayo sa Philippine Government and Constitution. And kahapon parang ganito pa ang itsura ng ating mga appendice. Pero parang nangonti ngayon, konti na lang.

56 na lang kayo. Or 55. But anyway, it's alright. Kasi sa umpisa ganyan talaga yan. Pero habang nagtatagal, nagkakasakit daw. Nagkaroon daw ng AIDS ba yan?

Acute insecurity due to singleness. Yung iba naman... nagkaroon ng online love affair. So kahit na LDR, nagkaroon daw ng AIDS pa rin, ako'y in love dahil sa'yo.

Kaya minsan naman, ganito na raw nangyari dahil may SARS, severe absence of romance, and sleep. Walang sa sleep minsan. So may reviewer ho tayong available.

Yung mga elelectures ko sa inyo, eh nandito sa reviewer na ito. Available naman daw yun sa National Bookstore. Akapangalan noon natin yung isa sa mga authors. At buong coverage nito ng Civil Service Exam including a copy of my lecture ay naririn sa librong yan. Pero kung gusto nyo ng mas malalim na pag-aaral ng saligang batas, ay naririto po sa Rex Bookstore naman ito.

Yan ay buong constitutional law. So kahapon nasa Article 2 tayo but right now let us proceed to the Bill of Rights. So ito yung Article 3. So be it known that there are classification of rights. So nauna ho dyan yung natural rights. Ito yung karapatan natin simply because you are human.

So the right to live. You have the right to live. You have the right to fall in love. Yung love is a natural right dyan.

Kaya lang minsan yung pag-ibig nakakasakit dyan. Like nga sa inyo kahapon, pagka nasaktan kayo sa pag-ibig, hindi covered ng PhilHealth dyan. And you also have constitutional rights.

So ito yung mga karapatan na natatagpuan natin sa saligang batas at i-discuss natin yan mayang mayang konti. Kapag kayong batas ay nagbigay sa atin ng karapatan, ang tawag mo natin yan ay statutory rights. Kasi ang batas ay statute.

Ano po? A law created by Congress is statute. So if that statute gives you a right, statutory right to ang tawag.

Kaya pag tinagalog, statute, yan ho ay batas. E ano naman daw yung statue? Oo, statue.

Statua? Hindi. Ikaw ba yan?

Statue? Okay. So ang constitutional rights naman ay classified into political rights. So kasama ho doon sa political rights yung ating right of citizenship under Article 4, yung karapatan nating bumoto, or right of suffrage under Article 5, at meron tayong civil rights.

These are the laws or our rights for the purpose of securing our enjoyment and happiness. As I said, happiness is a choice, no? So you choose to be happy. Kasi kung, even if you have everything in life, if you choose not to be happy, you would not be happy.

But even if mahirap tayo, kung pinipili pa rin natin maging maligaya, eh magiging maligaya tayo. So happiness is a choice. At just choose the right kind of happiness. And also, yun pong social and economic rights.

So karapatan natin ito na magkaroon ng trabaho. Siyempre, pag may trabaho, dapat may sweldo. At another right ay yung right of the accused.

So, ito ay matatagpuan sa Article 3 starting with Section 2. So, umpisahan natin yung Article 3, Section 1. Ang sabi dyan, the right of the... No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the law. So, ito ang...

Section 1 na ito, napakaraming karapatan na kaagadang binibigay. Una, yung karapatan sa buhay, affirmation of our right to life. E ano ba yung life?

Sabi ho ng Black's Law Dictionary, the state of animals, plants, and humans, or any organized being, kasi meron pong plant, animal, meron pong kingdom protista, yung mga mahilig sa biology, in which its natural functions and motions are performed. And the organs are capable of performing their functions. Yan nga minsan, kapag nagkaroon ng multiple organ failure, ano mamatay? Kasi yung mga organs hindi na nagpa-function.

At talking of organs, may isang studyante nagtanong, Sir, ano ba yung pinakamalaking organ ng katawan? Sabi naman ang isa, depende yan sa tao kung anong malaking organ. Hindi ho, the biggest organ of our body is the skin.

Huwag kong ano-ano iniisip. Okay, so nakalagay din dito our right to life, kalayaan or liberty and property. So karapatanon natin yan.

Now again, ito, mga karapatang ito ay hindi absolute, meaning may limitasyon. Wala tayong absolute right to life, liberty or property. Bakit?

Kasi pwede hong tanggalin yan ng ating gobyerno. Masyerte nga lang tayo dahil walang death penalty. Pero totally, bawal ba ang death penalty?

Pag-usapan natin mamaya kung talagang bawal ang death penalty. So pweding alisin ang buhay, kalayaan at hari-arian itong problema natin sa Tagalog. Kasi ang alam ko, pag inuulit, hindi totoo.

Tulad ng bahay, bahay-bahayan, hindi totoong bahay. Tao, tao-taohan, hindi totoong tao. E paano yung ari-arian, hindi ito totoong ari.

Anyway, property ho yan sa English. So pwedeng alisin niya ng gobyerno kung merong due process. E ano ho ba yung due process of law?

A law that hears before it condemns, proceeds upon inquiry, and renders judgment only after trial. Yan ang sabi ni Daniel Webster. Kailan lang ito?

  1. Parang kailan lang. Sinasabi niya doon sa kanyang opening statement sa American jury, nasabi niya ang due process of law ay ang batas na nakikinig bago magkondena, nag-iimbestiga, at naghusga lamang matapos ang paglilitis. So in other words, hindi ka pwedeng maghusga kaagad na hindi pa nililitis.

So bawal judgmental. Sinasabi nung isang TV show. So ngayon, saan ba natin makikita ang due process? notice and hearing.

So ang isang tao na tatanggalan natin ang buhay, kalayaan o ari-arian, kailangan muna nating pakinggan at bigyan ng pagkakataong magpaliwanag. So yan ang essence of due process. Sabi ng presidente ka nung isang gabi, e, aristohin ang mga hindi nagpabakuna. Teka muna, e, po pwede bang gawin ng presidente yan?

Ay bawal ho. Kasi hindi nabigyan ng due process yung tao. So pwede mo siyang ikulong. Fine.

deprivation of right to liberty. Pero ang tanong, binigyan mo pa siya ng due process. Kasi due process is a constitutional right. So kung hindi mo mo lang siya pinagpaliwanag, abay invalid mo ang deprivation of life, liberty, or property. Then another right, yung tinatawag nating equal protection of the law.

Ano man sabi dito? Nor shall any person be denied the equal protection of the law. So lahat po ng tao who are equally situated must be treated alike in terms of rights conferred and obligations imposed or required.

So alibawa, studyante at teacher, syempre, hindi sila equally situated. So iba yung mga obligasyon at karapatan ng mga teachers, ng mga empleyado at ng mga studyante. Pero pag parehong studyante, dapat equal ang treatment.

Pag parehong teacher, dapat equal ang treatment. Pag parehong mga empleyado, dapat equal ang treatment. So yan po ang essence of equal protection. Kaya lang may mga exceptions nga.

Kasi hindi po pwedeng equal ang treatment natin between a professor and a student. Kasi iba yung treatment ng eskwelahan sa mga profesor, iba rin ang treatment sa mga studyante. And that is not violation of equal protection. Because they are not similarly situated. Sabi ng Pangulo, arestohin yung mga hindi nagpabakuna.

Ay pwede ba yun? And general rule natin ay matatagpuan sa Article 3, Section 2, that the right of the people to be secure in their persons, papers, houses, and effects against unruly searches and seizure for whatever nature and for any purpose shall be inviolable. And no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under author affirmation of the complaint and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched or the persons or things to be seized. So general rule.

Hindi pwedeng arestohin ng isang tao ng walang warrant of arrest. Okay? Hindi pwedeng saliksikin ang iyong property, bakuran mo man yan, quotes mo man yan, private property mo yan, hindi pwedeng saliksikin ng walang search warrant.

Okay? At sino po ang nag-i-issue ng search warrant o warrant of arrest? Tanging korte po lamang.

And what are the requirements so that a valid warrant of arrest or search warrant is issued? There should be probable cause. Ano ba yung probable cause? Ito yung mga facts and circumstances sabi ng Korte Suprema that would lead a prudent man, isang tao na matino, maibang maiisip niya na mayroong crime at baka itong inaakusahan natin, siya nga ang may kagagawan.

So yan ho yung probable cause. Diba? Duda.

Maraming mga dudera. Mga duda. The presence of probable cause is determined by the judge. Kaya kailangan si Judge titingnan niya muna itong allegation mo, yung akusasyon mo.

At ito po yung mga complainant, may complainant, siyempre hindi po pwede na mag-issue mo ito propio o on his own si Judge ng warrant. Except kapag kahiring at nag-misbehave po ang isang tao sa loob ng korte, ang judge minsan nag-i-issue ng bench waran para ikulong yung isang taong nag-misbehave or he is cited in contempt. Ganyan po ang procedure sa korte.

So dito may komplainan. Kaya minsan sino ba nag-apply ng waran? Yung police, yung NBI o kung sino man.

Pagkatapos si judge, si-examine na niya itong mga applicant for waran kasi dapat yan under oath or affirmation. Ano ba yung oath? Nanumpa.

Ano yung affirmation? You take an oath if you believe in God. But if you don't believe in God, kasi yung mga tao hindi naniwala sa Diyos, so they do not take an oath.

Ang tawag ko dyan, affirmation. So yun ang kaibahan ng oath sa affirmation. So bakit kailangan silang nanumpa o under affirmation?

Kasi pag nagsinungaling sila, pwede ho silang balikan ng kaso. Nanghingi ng warrant, nagsinungaling pala. E under oath ho yan. So pwede hong kasuhan. Anong tawag sa kaso?

Yan po ay perjury. Lying while under oath. Kaya huwag manunumpa pag nakahiga. Kasi lying while under oath daw. Hindi, joke lang yan.

Okay. That is why, kapag kayo po ay pumirma ng ating mga PDS, personal data sheet, for example, nakalagay sa baba, may subscription natin, subscribe and so on to before me. Yan po ay under oath.

Pinapanotaryo ninyo. Huwag ko kayo magsinungaling dyan. Kasi pwede kayo makasuhan dyan ng perjury. Kasi under oath yung ating PDS at anumang hinihingi ng mga form ng ating HR office, kapag kami nakalagay doon na ipapanotaryo, that means that's under oath.

So kaya huwag kayong magsinungaling dyan, makakasuhan kayo ng perjury dyan. At ito po, yung applicant at yung witnesses, they are testifying on facts personally known to them. Dapat sila mismo may personal knowledge, hindi po pwede yung hearsay, yung sabi-sabi lang, di ba? Parang po namamatay sa sabi-sabi ha? At yung warrants sinasabi na...

Sino yung aarestohin at sino o ano ang sasaliksikin? Yan po yung tinatawag na particularity of description. Para alam natin, may mga pagkakataon.

Alimbawa, in a rape case. Yan ang paboritong kaso ng mga law students na estudyante namin. Rape case. Minsan may mga pagkakataon na yung rapist hindi kilala ng biktima.

So ang tanong ko sa mga estudyante ko, paano yun? Paano mo kakasunin? Hindi mo alam yung pangalan ng rapist.

Imposible naman. na sasabihin ng biktima, Mama, Mama, alika nga rito. Ano ba pangalan mo? Kasi kakasuhan kita. Ay hindi ganun ng tunay na buhay eh.

So doon na pumapasok yung tinatawag nilang Jando. Si Jando ay isang akusado na hindi pa nakikilala ang tunay na pangalan. Pero yung kanyang description ay naibigay nung biktima. Kaya lumalabas yung mga cartographic sketches na tinatawag natin na minsan magkakamuka kasi iisa lang yung artist na gumawa. Hindi katulad sa Amerika, di ba, computerized sila eh.

So kaya Jando, pagkababae Jando. Yung pag nakilala during trial, saka ho pinapalitan si Jando, o kaya si Jando. Okay?

So, merong mga pagkakataon na pwede ho mang-arresto ang mga polis, or even private individuals, kung kahit walang waran. Ito, balikan natin yung pinakita ko sa inyo, no? Itong aling ito, na nakasakay doon sa kanyang SUV, na sinak- sinasaktan yung traffic aid ng Manila, maging viral ho yan.

Yung ba traffic aid, pwede siyang arestohin? Pwede. Kasi ikisama ho ito sa exception na pwede ang arestohin kahit walang warrant. Number one, anong tawag ho dyan?

Sa ilalim ng Rules on Criminal Procedure, Rule 113, Section 5, Paragraphs A, B, and C, yung Paragraph A ho, Arrest Implagrante Delicto. Siguro narinig nyo na yan, ano? Ito ho yung quote in the Act, ay sinasaktan yung traffic aid.

Diba? Yung traffic enforcer. Eh kakasuhan nyo natin kasi yung pananakit na yan hindi lamang physical injuries yan. Ang kaso ho dyan ay direct assault sa ilalim ng Article 148 at 152 ng ating revised penal code. Dahil ang sinasaktan niya po ay person in authority.

Diba? Ayan. So kaya pwede siyang arestohin. Pangalawa, yun pong arrest in hot pursuit.

Hindi naman nakita talaga nung polis o nung ma-aresto yung tunay na pangyayari. Pero based on facts and circumstances, right there and then, mayroon siyang reasonable ground to believe that a crime has been committed and the person might have committed a crime, eh pwede niyang arestuhin. Ang tawag doon, arrest in hot pursuit. At yung mga detainee na tumakas, whether detention prisoner or prisoner serving sentence, basta nakakulong tumakas, pwede hong arestuhin niyang kahit walang waran. So yun po ang mga exceptions.

Kaya sinasabi ng presidente na arestuhin. Ang hindi nagpabakuna, ano ang crime na ginawa ng tao para arestuhin? So hindi po pwede. Kasi pwede lang yung arrest in flagrante delicto if a person is committing a crime.

about to commit a crime or has just committed the crime. E yung hong hindi magpabakuna, hindi ko ini-encourage na huwag kayo magpabakuna. Kaya rin inilalagay lang natin sa tama yung statement ng Pangulo.

Ang nakakalungkot o dito, abogado ang ating Pangulo ng Pilipinas, pero pag nagsalita parang hindi abogado. Parang kantoboy lang ang dating, sorry. Doon sa mga katulad kong supporter ng Presidente. E arrestohin naman hindi nagpabakuna. Unang-una, sir, ano ba ang batas na nilabag ng taong hindi nagpabakuna?

Wala. Dahil wala naman tayong batas na nire-require tayong lahat magpabakuna. Kaya nga, gano'n na lang ang pag-encourage sa atin at very thankful tayo sa ating local government ng Makati dahil halos lahat yata nabakunahan na kumpara sa ibang mga municipalities or city, hindi ba? So wala ko tayong batas na nire-require tayong magpabakuna.

Kaya kung ayaw mo, hindi ka gumagawa ng krimen. Hindi ka pwedeng arrestohin. Unless may iba kang ginawang kasalanan.

O ganun po yun. Hindi po rin sinabi ng presidente, tama na kaagad. Okay, may mga pagkakataon na dadadaan kayo sa checkpoint. Ang checkpoint ho ba ay legal o iligal?

Ang sabi ng Korte Suprema, ang mga checkpoints, general rule, legal naman. Kaya lang may mga requirements ho tayo. Number one, hindi sinasaliksik o hinahalughog ang loob ng inyong sasakyan.

Kasi bawal ho yun. Illegal search yun, dapat may warang sila doon. Or yung mga occupants, hindi kinakapkapan.

Ano ba ang danger nito? Kasi baka tanimang kayo ng ebidensya eh. Marami na hong pagkakataon na ganyan. Yung polis kakapkapan. Maya-maya, uy, may nakuhang sa siya ng siyabu.

Ay, marami hong kaso tayong na-encounter na ganyan. At later on, napapatunayan. At yung planting of evidence, malaki hong pagkakataon.

Ang parusang kulong yan sa part ng mga polis at mga nagtanim ng ebidensya. At, limited lang ho sa visual search. Sabihin, dumaan ka ng checkpoint, hindi ka pabawabain, walang anumang bahagi ng iyong sasakyan o iyong mga daladalahan ang pabubuksan. Unless, meron silang warrant o search warrant or kayo ay pumayag. Normally ho, ang approach ng mga polis dyan, Sir, Ma'am, pwede ho bang buksan yung trunk ng inyong kotse?

E pag pumayag ka, wala na. Hindi mo na may invoke yung karapatan mo. Kasi ang tawag namin diyan ay consented search. Pumayag kayo. Wala dapat rin kang pumayag.

E paano ka naman hindi papayag? E pulis ito, may baril. E pag sinabi ho ng pulis, politely sabihin nyo, ay hindi ho ako papayag kung wala kayong search warrant. Kasi karapatan ko ho yan sa ilalim ng ating saligang batas at mga batas natin.

Okay? Kasi later on, pagka kinasuhan nyo ito ng illegal search, ang sasabihin ng pulis, pumayag kayo. So consented search, na-waive mo yung right mo.

So ang tanong, paano yung mga nagmo-motor na sinasaliksik yung mga iba't ibang bahagi ng motor? Ay bawal ho yun, kaya lang problema, wala nagre-reklamo eh. Yung ihingiin sa inyo yung license and registration, well, standard procedure ho yun, walang nilalabag yung polis.

Pero kung bubuksan kung anumang bahagi ng inyong sasakyang, motor man yan o kung anuman, eh hindi ho po pwede kung wala silang warrant. Bawal po yun, okay? At yan po dapat ay hindi lumalabag sa mga regulasyon and in fact, yung mga routine check lamang na less intrusive. Yan ang sabi ng Korte Supreme.

Kaya ang poliso ay naglagay ng mga regulasyon. Ito, pwede niyong picturain yan, ang mga dapat niyong tandaan pag dumadaan kayo sa checkpoint. Dapat mayroong notice, well-lighted yung lugar, at yung mga tao sa checkpoint dapat naka-uniform.

Pwede yung ito, type B uniform nila yan, kasi mahalayin nyo ba kung polis yan o kung ano lang elemento yung nag-search sa inyo. At walang anumang bahagi ng inyong sasakyan ang pabubuksan, hindi kayo isa-subject sa body search. Okay? Unless may exception ho yan.

Yung tinatawag nating search incidental to a lawful arrest. Paano yun? Nagdadrive ka, isa gagustuhan mong mapabilis na makarating sa iyong pupuntahan. You beat the red light. E yung mamang polis na nag-aantay doon, ano?

O pagkatapos, hinabol ka. Tumigil ka naman. E pwede ka ho bang saliksikin ang iyong sasakyan, kapkapan ka, kahit nawala silang waran? Pwede. Kasi ang tawag ho dyan ay search incidental to a lawful arrest.

Why? Violating or beating the red light is a crime. Krimen ho yun eh. So nag-commit ka ng crime, pwede kayong arestuhin, kaya... yung pananaliksik niya ay incidental to a lawful arrest.

So kaya ang payo natin dyan, kung may dala kayong Albang tawag nila dyan, kung may dala kayong mga iligal sa inyong sasakyan, do not beat the red light. Kung meron kayong corpus delicti or body of the crime. Okay. So ngayon, the privacy of communication and correspondence shall be inviolable.

Lahat to ng uri ng communication natin. Yan po, ay hindi dapat pinakikialaman ng sinuman. Kasama na dyan yung mga email ninyo, mga telepono ninyo, at lahat ng uri ng komunikasyon. Yan po. ay hindi dapat sinasaliksik o pinapakialaman ng sino mang pakialamera.

Why? Yan po ay constitutionally provided right. Yan po ay guaranteed by our constitution itself. So, anumang ibidensya na nakuha dahil pinakialaman ang inyong communication, ay inadmissible po yan for any purpose in any proceeding. Meaning, hindi nyo pwedeng gamitin ibidensya.

Nalaman mo na yung kapitbahay mo pala ay drug lord. Kasi pinakialaman mo yung kanyang sulat o yung email niya, hinak mo. At kapagka yung telepono niya ay pinakialaman mo, ang tawag natin dyan ay wiretapping.

Yan po ay pinaparusahan ng pagkakulong ng 6 months up to 6 years imprisonment. Okay, now, meron din nyo tayong tinatawag na right to privacy. At ang sabi dyan, ito yung the right that is most threatened when you are living in a society. Pag nakatira ka sa isang lipunan na maraming tao. ay talaga nanganganib yung karapatan mo na maging privado.

Saan nanggagaling yung mga panganib o mga banta? Nanggagaling ito sa gobyerno. Kasi kinukuha ng government yung ating mga data.

Sa mga journalist, sa mga reporter, sa mga tsismoso, employer, dahil nagsasubmit tayo ng ating mga personal data. Ganon din yung mga social scientist, itong mga social weather weather station, yung mga false asian na yan, and the likes. nangangalap sila ng mga data na maaaring makompromiso.

O ngayon, yung mister mo o misis mo pinapakialaman ng cellphone mo. Karapatan niya ba yun? Ang sabi yun ng Cortes Suprema, Solueta vs. Court of Appeals, even if you entered into a contract of marriage, you do not surrender.

You write to privacy of communication. Okay? Kahit na mag-asawa kayo, hindi dapat nagpapakialaman ng cellphone. At yan ang lagi kong dinidiscuss at dinidiindu sa misis ko. Hindi tayo pwede magpakialaman ng cellphone.

Dahil yan ay sinasabi ng Korte Suprema na bawal kahit mag-asawa kayo. Okay? Sana huwag akong marinig. Kaya alam mo, para maging sigurado tayo, meron tayong cellphone na legal, meron tayong cellphone na extra legal, at meron tayong reserba. Mahirap na mapahamak.

Ngayon, isa pa hong batas natin ay yung Data Privacy Law. At some of you may have attended our seminar on Data Privacy. na ginawa nung ating data protection officer noong March ba ito or May, something like that. Nagkaroon tayo ng webinar tungkol dyan. So kasama ho yan sa protection ng ating privacy, yung Republic Act 10173 at yun din nung ating national ID system na sooner than later, eh lahat po tayo i-require na magkakaroon ng national ID para isa na lang ang gagamitin natin sa ating mga transaksyon.

Hindi ka tulad ngayon. Iba yung SSS number mo, iba yung GSIS number mo, iba yung tax identification number. So pagka nagkaroon na tayo ng working national ID system, isa na lang number ang gagamitin natin sa lahat ng ating transaksyon.

So parang nagsimula na yata sila ngayon yan. Okay, so constitutional ang pagkakaroon ng national ID na ginawa ng kongreso. So dahil may bataso tayo, ito po ay constitutional.

So wala tayong problema dyan sa... National ID system na yan. Now under Article 3, Section 4, no law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances. So ano po yung mga karapatan natin dito? Unang-una, ang sinasabi nitong si Evelyn Beatriz Hall, I may not agree, I disapprove of what you say, but I will defend.

to the death, you're right to say it. Maring hindi ako payag sa sasabihin mo, pero ipagtatanggol ko hanggang kamatayan ang karapatan mo na sabihin yan. That is the summary of our right to freedom of expression.

Kailangang hindi lahat ng karapatan ay absolute. In fact, there is no such thing as absolute right. Yung karapatan natin magpayag kung nakakasira naman ho tayo sa ibang tao at Binudungisan natin ang kanilang dignidad, pwede ho tayong makasuhan kahit pasabihin natin meron tayong freedom of speech and freedom of expression. So ang tawag ho dyan ay libel.

Okay? Kapag ka po nakaprint, ibrinod ka sa TV o radio, yan po ay libel. Yung mga paninira. Pero pag sinasabi lamang verbal, ang tawag po dyan ay oral defamation or slander.

Okay? Ngayon, hindi na po masyado yung mga radio, TV, nakakasuhan na lang dyan yung mga announcer. Pero lahat tayo pwedeng makasuhan ng online libel.

At sa paglabag po ito ng Republic Act 101.75 dahil nag-post sa Facebook at nag-post sa kanyang Twitter ng mga mapanira na imputation or akusasyon laban sa kanyang kapwa. Ang tawag ho natin dyan ay online libel. Sabi niya, totoo naman yung sinasabi ko eh. Eh bakit kailangan ko pa ilagay sa Facebook? Diba?

So pag inilagay ko sa Facebook o kaya sa Twitter, yan po ay mapanira. Yan ay pwedeng mapakulong yung tao na yan na up to 12 years imprisonment for online libel. Kaya mag-ingat po dun sa mga ipinopost sa inyong social media account. Nama po yung sinabi ng GMA kasi nawala na yung ABS-CBN. Natuwa ang maraming tao, lalo na mga misis, nung mawala ang ABS-CBN.

Kasi yun pala ang bisyo ng mga mister nila, Alak, Pabahay, Sugal, Cabaret Bar, Nightclub. At ang natira na lang ho ay GMA. Kunti na lang kami, gentlemen all the time. Sabi ko ng GMA, GMA7, think before you click.

Kasi the moment na-click nyo na yan at na-post na yan, mahirap na humawiin. At ang sabi ng Korte Suprema, kahit ng intention mo ay private. Pero inilagay mo sa Facebook. Yung Facebook mo, nakaprivate yung account mo, you cannot be so sure na yan ay mananatiling private. Kasi merong makaka-access ng account mo.

Using another person's account. Unless ang gagawin ho ninyo, yung account ninyo at yung pag-post ninyo, ang setting only me. Di ba may ganyan na ikaw lang ang makakakita.

O kaya, yung Facebook mo, wala kang friends. Ayan, mahirap naman siguro yan. Now, ang sabi dito sa Article 3, Section 5, Knowledge shall be made respecting the establishment of religion or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship without discrimination or preference shall forever be allowed. And no religious test shall be required for the exercise of civil or political rights.

Malaya ho tayong maniwala kung ano gusto nating paniwalaan. Okay? Kung naniniwala ka sa Diyos, fine.

Kung hindi ka naniniwala sa Diyos, problema mo yan. Hindi ka makukulong dyan. Okay?

At hindi po pwedeng suportahan ng gobyerno ang anumang reliyon. Kasi mababayolate ho yung separation of church and state. Pero ang reliyon po ay pwedeng sumuporta sa gobyerno.

Pero bawal yung vice versa. Ano ba yung tinatawag na religious test? Ang religious test po, ginagamit yung reliyon para ma-enjoy ng isang tao yung kanyang civil or political rights.

Ba, sinabi ng presidente, ang pwede lang ma-employ sa gobyerno ay yung mga miyembro ng simbahan ni Pastor Kibuloy. A religious test. So yan.

Paano naman yung mga hindi miyambro niyan at mga saksiniduka? Ano po? Ayan. So bawalo yan.

Now, pwede ba natin ipakulong yung isang tao simply because sinasamba niya si Satanas? Okay? Member siya ng Church of Satan.

Hindi po. Hindi natin siya pwedeng ipakulong because the right to believe is absolute. The moment, however, he acts on his belief, ay doon napapasok yung kapangyarihan ng ating gobyerno. Anong tawag doon? Eto ho.

Yung police power. E ano ba yung pwede niyang gawin? In furtherance of his religious belief, nag-sacrifice siya ng mga virgin. Ay naku, delikado po yan.

May estudyante ako, sabi niya parang wala na daw virgin ngayon, kundi coconut oil na lang. Okay, so, puntahan noon natin yung Article 3, Section 6. Ito po, dalawa ang karapatan dito, liberty of abode, yung tumira, tumira, tumira, tumira, tumira, yung stress, yung stress, kayusin. At, palitan ang kanyang tinitirahan at yung pagbiyahe. So, karapatan ho natin ito.

Kaya lang, sa panahon ngayon, ay pwede ho limitahan ang ating mga karapatan sa pagbiyahe. Why? Tingnan niyo ho yung first paragraph ng Article 3, Section 6. Within the limits prescribed by law and may not be impaired except upon lawful order of the court.

At yung right to travel natin ay hindi pwedeng hadlangan unless in the interest of national security, public safety. Kaya valid yung mga quarantine protocols. Bukod doon sa Republic Act 11.322, nga ba?

2-3-2 o 3-2-2, whatever, daming number eh. Eh nasa Constitution ho, na pupwedeng limitahan yung ating karapatan sa pagbiyahe kung ito ay sa interest ng kaligtasan ng publiko. Public health, okay? Public safety or security. Okay?

Lalo na ho ngayon na napakarami na roon na variant na mga virus, ano? Itong Wuhan virus na ito na galing ng China. Pero ang pinakamalupit daw yata ang variant nito ay yung DU-30. Tama? 2016 pa yata yan?

Okay. So ngayon, yan po ang liberty of abode and the right to travel. Ngayon, meron tayong presidential decree 772. Panahon ni Marcos, ipinagbabawal po yung tinatawag nilang squatting. E ano ba yung squatting? Squatting is a crime when a person would establish his residence or whatever in a...

public or private land without the permission of the owner. Squatting ho ang tawag dyan. So may pagkakulong ho ito nung unang panahon, six months up to one year.

Pero sabi ng kongreso natin noong 1997, squatting is no longer a crime. So kahit nag-squat ka sa isang lugar na hindi sa'yo, di ka na makukulong. At meron pa ho ditong yung Urban Development and Housing Act. Kasi hindi nga naman kasalanan yung maging mahirap ka.

Ano? Labi ko sa inyo kahapon. Kung pinanganak ang mahirap, abay kapalaran yan. Pero pag tumanda ka at mahirap pa rin ang yung biyan, may katangahan na yan. Okay.

So pinagbabawal po ang The Republic Act 7279 ang pag-evict dun sa mga squatters or mga informal settlers. Kailangan mo nang kasuhan ito sa korte at pag nakakuha ng court order, bibigyan sila ng notice na Aalisin sila dyan dahil gagamitin na nung may-ari yung private property niya o yung gobyerno kung ito ay public property. Ngayon, bibigyan sila ng relocation.

Ito ho ay care of the local government unit. E kung ang problema walang pang-relocate yung local government unit, kailangan nyo sila bigyan ng assistance. Magkano?

Yung minimum wage sa region, sa Metro Manila, 537 yan per day. Time 60, bawat apektadong pamilya. Hala, di ba? So kawawa naman yung landowner. Ang kasalanan niya lang, iniwanan niya yung kanyang lupa na walang nagbabantay.

So pumasok yung mga informal settlers, walang paalam. Nung kailangan niya na ang lupa niya, hindi niya na makuha. Dahil kailangan niya pang magdemanda, gagasto siya sa abugado at sa pagbayad sa korte.

May piling piho ito. Ejectment. At pagka nakakuha na siya ng court order, ay kailangan niya pag i-relocate.

At pagka walang relocation, ay kailangan niya pong magbayad ng, ano bang tawag nila dito, allowance or relocation fee na yan. Minimum wage times 60. Malaking pera ho ito. 5.37 times 60. Malaki yan. Kaya minsan nagkakaroon na lang ng sunog bigla.

Mas muna daw kasi yan. Joke lang. So ito, may bagay sa gobyerno, kailangan nating malaman. Ito ang basis ng ating transparency in government service.

At kasama dito, yung right to information and right to access official records and documents. Hindi ko kasama yung picture na yan na nakita ko lang sa internet yan. Now, ang presidente nung naupo na siya, unang buwan niya ito, July 23, 2016, Nag-issue na Executive Order No. 2, also known as the Freedom of Information Order, na kung saan may mga procedure tayong susundin, pag-ihingi kayo ng dokumento doon sa mga agencies under the executive branch or under the president. Okay?

So yan. Now, puntahan natin yung Article 3, Section 8, the right of the people, including those employed in public and private sectors, to form unions, associations, and societies for purposes that, contrary to law, shall not be abridged. So ano po ang mga karapatan natin dito? Karapatan natin magtayo ng mga organisasyon o mga union.

Kayo man ay nasa gobyerno, kayo man ay nasa pribado sector, pwede kayo mag-unionize. Ang problema, pag nasa private sector, pwede mag-strike. Pero pag nasa gobyerno ay bawal pong mag-strike. Yan ang sabi ng Korte in that case of GSIS versus kapisana ng mga manggagawa sa GSIS. Lahat tayo, membro ng GSIS.

Ano po? Ako, nalaman ko kahapon kung ano number ko sa GSIS. Salamat po sa ating HR. Ngayon po, ano ba ang strike? Ang strike ko is temporary stoppage of work caused by the workers due to a labor dispute.

So yung mga manggagawa sa privado sector, govern sila ng labor code. Tayong nasa gobyerno ay saklaw ho tayo ng GSIS law. So pwede ba tayo mag-strike?

Ang sagot hindi. Ang mga nasa privado sector pwede kasi pinapayagan sila ng labor code. Tayong nasa gobyerno, ang civil service law, Presidential Decree 907, ay hindi ho tayo pinapayagan mag-strike. Ano ba yung strike?

Itinitigil yung pagtrabaho. Kasi pinoprotesta yung ating mga sinasabing labor disputes sa ating opisina. Hindi pinagkakaunawaan with the employer. Ay hindi po pwede yan.

Kapag ka ang mga government employees covered by the Civil Service Law, katulad ng mga empleyado ng GSIS, iniwanan yung trabaho, nagpikit, ipinoprotesta yung kanilang presidente at the time, ay iniwanan yung trabaho. Sabi ng Korte Suprema, strike yun, bawal sa gobyerno yan, tanggal ka. Sabi naman ng isang magaling na labor lawyer, sabi niya, ano pa ang karapatan naming mag-organisa ng mga union kung hindi kami pwede mag-strike at nasa gobyerno kami? Sorry, yung karapatan ng pag-strike ay hindi constitutional right. Ito po ay mere statutory right.

Meaning, batas lang ang nagsabi nito. Sa private sector, may batas sila. Sinasabing pwede ka mag-strike pero may mga procedure.

Pero sa gobyerno po, ang civil service law, bawal. Kaya pag nag-strike ang taong gobyerno at yung kanyang pinagtatrabaho ay covered ng civil service law, pwede siya matanggal sa trabaho. Yan po ang kaibahan.

So pwede mag-unionize, ang bawal lang mag-strike. And then private property shall not be taken for public use without just compensation. Ito yung tinatawag nating power of eminent domain. Meron kang lupa o property. Tapos ang pinakakoman dito, nagkaroon ng road widening or expansion of the road para maiwasan na ang traffic.

Itatamaan yung iyong property, dadaanan ng kalsada tulad ng nangyari dito sa extension ng skyway. Maraming mga private property ang dinaanan. So, ang gagawin nyo dyan, wala silang maireklamo dyan, ang gagawin na lamang dyan ay maghantay ng bayad.

That is the exercise of eminent domain, ang tawag ho dyan na expropriation. Pwede silang tumanggi. Pero yung expropriator, yung gobyerno, DPWH or whatever, pwede magpunta sa korte.

Ididimanda ho yung property owner para makuha yung property na ito. At mabayaran naman siya. Ang bayad naman sa kanya ang tawag ay just compensation based on fair market value. Ano ba yung fair market value? That is the price that can be agreed upon by the buyer and by the seller.

They can agree. how much is the fair market value? But if they could not agree, it is fixed by the court.

So kaya nagdidemandakan para malaman dapat ba itong expropriate at magkano talaga ang fair market value. Fair market value is the price that the buyer is willing to buy without compulsion and the seller is willing to sell without compulsion. Okay?

Pag hindi sila nagkasundo, abay, punta sila sa korte. At ang korte magsasabi magkano. Now, No law impairing the obligations of contract shall be passed under Article 1305 ng ating Civil Code, a contract is meeting of minds between two persons whereby one binds himself with respect to the other to give something or to render some service.

Ang kontrata po ba ay kailangan lagi nakasulat? Hindi po. Kahit na oral contract valid yan. Ang problema lang natin, May mga requirements ang batas para yung kontrata ay maging enforceable.

Iba ho kasi yung validity sa enforceability. Halimbawa, sinabi ko kay BPHill, ibibenta ko sa kanya yung aking iPhone 13 sa halagang 1,000. Okay, oral contract. Valid ho ba yan?

Valid. Okay, so umasa si BPHill na ibibenta ko yung iPhone 13. Teka, parang iPhone 12 lang nata ngayon. 6 at 7, 30 na rin yun. Ayan, 1,000 lamang. E di naggusto nang bilhin ni BP.

Ang problema, kinabukasan, may nag-offer sa akin ng 2,000. E di hindi ko na ibibenta sa kanya. Pwede ba akong idemanda ni BP?

Ang sagot, hindi po. Kasi unenforceable yung contract sapagkat verbal o oral contract. Pero valid yun. Ang problema lang natin, hindi tayo pwedeng magdemanda kasi Hindi enforceable ang mga oral contracts na ito. Magkaiba ang validity sa enforceability.

Kaya pag may nangako sa inyo ng kasal, Pasulatin nyo kaagad at ipanotaryon nyo para pwede nyo idumanda later on for damages. Kasi pag hindi nakasulat yan, kahit pa may mga ring kayo dyan, actually pagka nag-asawa kayo, tatlong ring daw yan. Yung una, engagement ring.

Ano po? Paikinasal na, wedding ring. Eh pagka mag-asawa na, yan ah, suffering na raw.

Anyway, so ano po ba yung impairment? Kasi pinagbabawal yung impairment eh. Yung impairment...

ay yung binabawasan yung kalidad. Okay? So, it is one good argument against divorce law.

Okay? Kaya nga ho, bawalan diborsyon sa Pilipinas eh. Ang pinapayagan lang dito sa atin ay nullity of marriage at saka annulment of marriage and legal separation. Sa legal separation, hindi kayo pwede magkasawa ulit. Sa annulment at nullity of marriage, depende kung ano ang grounds na pangahawakan ninyo para ipadissolve ang kasal.

Okay, kasi sa umpisa daw yan, eh asawa. Pero pag tagal, nawawala yung asawa na. Yun, maiwan dahil sa awa. Pero darating yung time, wa na talaga yan.

Anyway, so free access to the courts and quasi-judicial bodies and adequate legal assistance shall not be denied any person by reason of poverty. So kahit to, mahirap yung isang tao, eh meron po siyang access to courts. Ay ano ba yung mga quasi-judicial bodies? Ang Quayside Judicial Bodies po ay hindi korte, pero siya ay gumagawa ng trabaho ng korte, kaya para siyang korte. Yan tawag Quayside Judicial Body.

Example, ito pong LTFRB, Land Transportation Franchising Regulatory Board. Hindi naman korte yan, kasi sa ilalim yan ang Department of Transportation. Ang problema, pagka kukuha ka ng franchise, nag-i-hearing yan. Gustong magpakansila ng franchise mo sa transportation, may hearing, tumatanggap na ebidensya, so ginagawa niya ang trabaho ng korte. So kaya po ang tawag Quayside Judicial Body.

Yung mga administrative body, ito yung mga nasa ilalim ng opisina ng Pangulo, yung mga local government units, etc. Now, kahit mahirap ka, may karapatan ka na damulog sa korte at mga Quayside Judicial Body. Ang problema natin, pag pupunta ka yan, kailangan mo ng abogado. Kaya na-create ang public attorney's office.

Ganito po yan. Kapag ka kayo ang complainant in a criminal case, hindi nyo kailangan ng private lawyer sapagkat ang abogadong tatayo para sa inyo ay ang fiscal o yung mga public prosecutor. Okay?

Kung ikaw ang complainant sa isang criminal case. Kung ikaw naman ang akusado sa isang criminal case, hindi mo kailangan ng private lawyer. Ang abogado mo ay public attorney's office.

Okay? Kaya lang, may mga limitasyon para maging kliyente ng PAO. Yung complainant, mayaman man siya o mahirap, hindi niya kailangan kumuha ng abogado kasi yung piskal mismo ang tatayong abogado niya.

Lahat po ng korte sa Pilipinas ay merong naka-assign na public prosecutor o piskal. Yan po ang abogado ng mga complainants in a criminal case. Pag civil case o ibang usapan, hindi tumatayo ang piskal diyan. Kasi pag civil case, pera, property, yan o ang mga usapan eh. Kaya hindi nabibigyan ng abogado.

Hindi yan sa claw ng piskal. Criminal cases lamang. Now, ito ho namang public attorney's office ang sabi ng Republic Act 9406. Ito yung batas na nag-create ng public attorney's office kapag kang income ng tao monthly sa Metro Manila ay P4,000 pesos monthly. Ay siyang kliyente ng PAO. O kaya paglabas ng Metro Manila, P3,000, kliyente siya ng PAO.

So, above that amount, hindi ka na pwedeng... Kliyente ng PAO, kukuha ka na ng private lawyer. Pero masyado na hong maliit siya. Kasi 2,000 pa yan.

Year 2,000. Wala man siyang income, meron naman siyang property na 50,000 pesos. Ang halaga, ang assessed value, hindi siya kliyente ng PAO.

So ganito yan. Pagpapile kayo ng kaso, criminal case yan. Ang criminal, meron pagkakulong at may multa. Pag civil case, walang kulong, walang multa. pero magbabayad ka either damages o dahil may nasirang property.

So yun ang kaibahan ng criminal sa civil case. Pag criminal case, ikaw ang complainant, hindi mo kailangan ng abogado dahil yung fiscal ang abogado mo. Ikaw yung akusado, hindi mo kailangan ng abogado kung pasok ka doon sa mga kriteriya ng kliyente ng public attorney's office. Okay? Now, puntahan natin yung Article 3, Section 12. Kung mga tanong kayo, pwede ko kayong mag-chat mamaya.

At bago tayo matapos, I'll try my best to answer your questions. Kaya para alam kung may nakikinig pa sa atin. So, ang sabi ko dito, any person under investigation for the Commission of Defense shall have the right to be informed of his right to remain silent. and have competent and dependent counsel preferably of his own choice.

If he cannot afford one, he shall be provided with one. These rights cannot be waived except in writing and in the presence of counsel. Ito na po ang karapatan ng mga akusado.

Siguro narinig na ninyo minsan o palagi ang salitang Miranda Rights. Galing nyo ito doon sa kaso sa Amerika, Miranda versus the state of Arizona. Nanalo yung Phoenix Suns kanina, nasa Arizona yan. In 1963, ito si Ernesto Miranda, kaya Miranda Reyes ang tawag.

Inadopt po natin yan. Inaresto siya dahil nagnakaw ng $8 sa isang bangko sa Arizona. At later on, inimbestigahan siya ng mga polis, wala siyang abogado, hindi sinabi na may karapatan pala siyang manahimik, umamin siya na nagnakaw nga siya at nan-rape pa siya ng isang 18-year-old woman. So he was convicted.

Ang problema, umapila yung mga... abogado ni Ernesto Miranda. And the Supreme Court of the United States nireverse ito at pinawalang sala itong si Ernesto Miranda. Kaya inilagay na natin itong Miranda rights na ito sa ating konstitusyon. That any person accused of committing an offense shall have the right to be informed of his right to remain silent.

Diba? Pag napansin ninyo yung mga American movies at aarestuhin yung tao at sabihin, you're under arrest. You have the right to remain silent.

Anything you say shall be and will be used against you in the course of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford one, you will be given one. E sa atin, pag inaresto, binubugbog ng taong bayan. Hindi naman ng polis.

Ang taong bayan naman ang nabubugbog. Ang problema natin dito, nararian yung mga polis para hindi mabugbog yung akusado. Kasi may presumption of innocence pa ho iyan. Hanggat hindi sinasabi ng korte na guilty ang taong ito, siya po ay... presumed innocent.

Okay? Ayan. Now, ipinagbabawal din po ang torture, force, violence, threat, intimidation, or anything that mischeads free will.

Ayan. Pula dyan, inaresto. Hindi naman siguro torture yan, no?

Kasi ang pag-aresto minsan, pumapalag yung tao, eh, nasasaktan siya. Kaya tama yung sinasabi ng mga polis eh, sumuko ka na para hindi ka na masaktan. Kasi pagpatuloy ka man lalaban, patuloy ka masasaktan sa lahat ng bagay. kasama rin ako pag-ibig yan.

So tinorture siya. Alam nyo, ang danger dito, pag tinorture mo yung tao, aaminin na lang niya kahit hindi totoo para matapos ng paghihirap niya. So pag tinorture siya, in violation of Miranda rights, ay hindi ko katanggap-tanggap yung mga sinabi niya.

Kasi under duress na pwersa lang siya. Pinahirapan siya. So pinagbabawal po ito. Psychological or physical torture.

are prohibited. Kasi nga, ang danger, dahil pinapahirapan mo yung tao, aaminin niya na lang kahit hindi totoo para matapos na ang paghihirap niya. Yung secret detention places. Kaya nga, napapansin ninyo yung mga mobile car ng polis?

Merong mga number at may mga marka kung anong station yan. Bakit? Pagka inaresto yung isang tao at isinakay doon sa mobile patrol ng polis, yung mga nakasaksi. Alam kung saan dadalhin itong taong inaresto.

That is a guarantee na itong taong ito ay hindi mawawala sa mundong ito. Kasi may mga pagkakataon noon na bigla nalang nawala. Yung kaso ng mga disaparecido, di ba? Na nawala, hindi na natin alam kung nasaan, hindi natin alam kung sino ang may kagagawan ang pagkawala nila.

So yan po ay mga garantiya sa ilalim ng ating konstitusyon at kailangan may abugado ka habang iniimbestigahan. Okay? Eh sabi niya, Alam ko naman yung batas dahil law student ako, sige investigahan ninyo ako. Pwede ho ba yun?

Opo, pero sasabihin dapat, isulat mo na pumapayag ka, naimbestigahan ka, at ano mang sasabihin mo ay tatanggapin bilang emidensya, firmahan mo yan, at meron dapat abogado na nag-a-assist sa kanya. Kasi pwede naman these rights may be waived in writing, except in writing, and in the presence of counsel. Eh bakit kailangan palagi ang abogado? Aba, eh mahirap po maging abogado, bigyan nyo kami ng trabaho. Ay hindi ho.

Ang sabi ko kasi ng Korte Suprema, even lawyers sometimes get lost in the myriad of procedures. Nawawala sa mga procedure na ito. How much more? A person who is not initiated in the language of the law.

He might be convicted not because he is guilty, but because he cannot prove his innocence. Eko yung abogado nga miss, analilito pa eh. E paano pa hindi nag-aral ng batas?

Hindi ba? Pero hindi naman ibig sabihin na abogado lang na nakakaunawa ng batas. Sinasabi ko naman sa inyo, kung gusto nyo matinong relasyon, boyfriend, girlfriend o asawa, maghanap kayo ng abogado. Matino ang relasyon dyan.

Bakit? Yung batas nga inuunawa, ikaw pa kaya. So Article 3, Section 13, ito ang basihan natin kung bakit may piyansa.

So ang sabi dyan, lahat ng crimes ay available. Pwede magpiyansa except kung ang parusa sa krimen na ito ay reclusion perpetua. Sa ating sistema, ang reclusion perpetua ay up to 40 years imprisonment.

At yung ebidensya na siya ay guilty ay malakas. Nakalaga dyan evidence of guilty is strong. So ano po ba yung bail? Yung bail ay maaaring cash or surety ban.

Ano ba yung cash? E di magbayad ka. Magkano ang bail?

Ang Department of Justice po ay merong listahan na tinatawag namin bail ban guide. Ito yung crime, magkano ang piyansa. Okay? So maaaring kung may pera ka, magpiyansa ka ng pera, bayad mo sa korte.

Ano po ang bail na ito? O kung wala ka namang pera, property. O kung wala kang property, magpunta ka doon sa isang piyansador.

Ito yung mga surety company. At sila ang magbibigay sa korte ng surety man. Ano ba yung surety?

Ako hindi ka mahala, surety ka. Okay. So, hindi o. Para insurance.

Kasi yung bail, ito po ay kasiguruhan na ang taong inakusahan at nililitis ay hindi tatakas habang nililitis yung kaso niya. Kasi dapat nakakulong siya para hindi siya makatakas. Pero dahil gusto niyang lumaya muna, magpapiansa siya. Eto, marami na ako na encounter na ganito, Atony, sa pulis ko kami nagpiansa.

Ay hindi ho, hindi dapat binabayaran ng piyansa ang pulis. Ang piyansa, sa korte binabayad. Kapag ka-police ang nangingin ng piyansa, kotong ho yun, hindi yung piyansa.

Kasi pag nagbayad ka ng piyansa sa korte, ang korte i-issue hanggang ng resibo. At yung order na yan ng korte, dadalin mo doon sa warden para palabasin yung preso. At yung bail niya, yung perang ibinayad niya sa korte ay garantiya na tuwing ipapatawag siya ng korte para maglitis, ay darating siya. Kasi pag hindi siya dumating, cancelado yung bail.

Ngayon, ano man ang mangyari basta natapos na yung paglilitis, siya man ay guilty or innocent, mababawi niya yung piyansa niya kung cash bond or property bond. Pero kung surety bond, nakakausapin mo yung insurance na or surety company na nagpiyansa sayo. Maaaring hindi mo na mabawi yan. Okay, may mga pagkakataon na hindi naman talaga...

Capital offense. Pag sinabi natin capital offense, ito po yung mga karumaldumal na krimen. Heinous crime, kung tawagin.

Sample niyan, murder. Yung pagpatay ng tao na may qualifying circumstance like treachery, may katraiduran, nag-take advantage of night time, and so on. So yan po ay, o kaya iyong parricide.

Kapag ka pumatay, hindi po ito pagpatay ng pari. Ang parricide, pinatay mo yung iyong asawa. Meaning kasal kayo, o kaya yung mga magulang ascendant, o yung mga anak descendant. Yan po ay parricide.

Rape with homicide, maaaring ito po ay capital offense. Meaning, yan po ay punishable by reclusion perpetua. Maaaring din yung drugs na more than 10 grams, yan po ay capital offense o reclusion perpetua.

Pero kailangan pang patunayan na yung ebidensya nila ay malakas. Example o yan. Plander ang ikinaso kay Sen. Jingoy Estrada. Kasama si Juan Ponce Enrile at si Bong Revilla.

May kasong Plander. Ang problema, non-bailable ito. Dahil under Republic Act 7080, ang Plander ay reclusion perpetua to death ang penalty.

Wala tayong death penalty, so reclusion perpetua. Sabi niya non-bailable. Pero alam mo ito ng bawat abugado na kahit na sinabing non-bailable yan, magpapile kami ng petition for bail. Para...

yung prosecution, yung piskal, patunayan na malakas ang ebidensya nila para hindi payagang magpiansa yung tao. So ang nangyari kay Jingo Estrada, nag-bail hearing. Eh hindi daw nila napatunayan na malakas ang ebidensya nila, kaya ang sabi ng Sandigan Bayan, magpiansa ka.

Malaya ka muna habang pending yung kaso. Eh magkano ang piyansa? Dahil dalawang milyon yata yung piyansa. Kasi yung plunder, hanggang death penalty ngayon, kung may death penalty tayo eh. Ano ba yung plan der?

Yung pong nangulimbat ka ng pera ng bayan na ang amount ay mahigit na 50 milyon, plunder ho yun, 50 milyon and above. Okay? Ngayon, ano naman yung recognizance?

Yung kaso niya ay simple lamang na hindi naman punishable by reclusion perpetua. Halimbawa, child abuse. Ang parusahod yan, maximum 12 years.

Okay? Minimum lang ang pwede, 6 years lang halimbawa, wala siyang pambayot ng piyansa. Pwede naman sana magpiyansa kaso wala siyang pera.

Pwede ho siyang i-release on recognizance. Meaning may isang tao na mag-undertake, nasabihin sa korte, i-release ho ninyo sa custody ko ito at akong bahala na darating siya sa bawat scheduled hearing. Nagkaroon po ng kaso yung mga supporters ni ERAP sumugod sa Malacanang pagkatapos kinasuhan ho sila ng rebellion. Available naman ho ito, kaya lang walang pampiyansa yung mga tao.

May isang senador. hindi ko na maalala kung sino yung senador ito parang sila itulapin. Sabi niya, i-release nyo sila on my recognizance. So dangerous din nung iyon.

Kasi pag hindi dumating, hindi dumating sa pag nilitis yung tao, ay yun nung nagbigay ng recognizance, ay siya ang maaaring makulong. Kasi ang tawag ho dyan ay contempt of court. Hindi mo ginalang ang korte.

Okay. So puntahan natin yung section 14. Ito po yung presumption of innocence. Marami tayong karapatan dito.

Una, presumption of innocence, yung karapatan na makita yung mga testigo at yung compulsory process para puwersahin na humarap yung mga testigo na kailangan natin. Yan yung subpina na ini-issue ng korte. Maaring narinig ninyo yung subpina duces tecum.

Ano ba ang ibig sabihin nun? Magdala ka ng dokumento. Order to bring document. Document. Subpina ad testificandum.

Order to testify. Minsan pinagsasama, subpina lucestecum ad testificandum. Mga Latino kasi ito eh. Order by the court for that person to bring the document and to testify thereon.

Ngayon, bawat tao ay presumed innocent po. Kahit na nakita mo na na siya talaga ang gumawa. Pero kung wala pa hong order ang korte, eh he is presumed to be innocent. Dahil accusation is not synonymous with guilt. Nakita mo yung isang tao, ninakaw yung iyong cellphone, pag ipinagkalat mo na siya ay magnanakaw, ay baka makasuhan ka rin.

Ano ang kaso? Oral defamation yan. Eh nakita ko na ninakaw niya eh. Hindi mo siya pwedeng tawagin magnanakaw. Kasi kaya nga ang tawag sa kanya, akusado o kaya suspect.

Bakit? Wala pang desisyon ang korte. Sabi lamang natin ang isang tao ay guilty kung ang korte po ang mismong nagsabi that that person is guilty.

Why? Accusation is not synonymous with guilt. Sabi ng isang dating presidente, unfair kayo sa akin during his trial in the Sandingan Bayan. Why? You have so many allegations against me, but you did not present even a single alligator.

So, puntahan natin yung after arraignment. Ano ba yung arraignment? Ito po, binabasahan ng demanda yung tao. Nasabihin ikaw, Pedro de la Cruz, sa ganitong pecha, sa ganitong lugar, ganito ang ginawa mo. Tatanungin ka, how do you plea?

Pag sinabi mong guilty, abay di tapos na. Disentensihan ka nila ng korte. Pag sinabing not guilty, adi tuloy ang trial. Ang sunod natin dyan ay free trial na.

Ngayon, tulad doon ni President Erap, hindi siya nag-enter ng plea. Tinatanong siya, how do you plea? Guilty or not? Na nahimik lamang siya.

So ang korte ang maglalagay doon sa record ng kaso na not guilty. Why? There is that presumption of innocence.

So matapos yung hearing na yan, matapos yung arraignment na binasa na yung demanda dun sa tao sa linggurahe na mauunawaan niya. ay dituloy na po yung paglilitis. May tinatawag yung trial in absensya.

Kasi na-inform naman siya, pero hindi siya dumating. At hindi justified yung kanyang absence, itutuloy yung trial. Pero hindi yung ginagawa sa ating sistema. Bihirang-bihira yan.

Ang ginagawa ko ng judge, may nakascheduled hearing, hindi dumating yung akusado. Pwedeng kansilahin ni judge yung piyansa. Kasi nag-jump bail.

Yun ang tinatawag ng nag-jump bail. Bisa dumating, naka-piansa siya, so kansilado yung piansa I-issue siya ng warrant of arrest at makukulong siya. Tanong, pwede pa ba siyang magpiansa uli?

Pwede, pero depende na sa korte kung papayagan siya magpiansa considering the history na nag-jump bail siya. Okay? Or kung payagan man siya magpiansa, ang sabi ng Korte Suprema, mas mahal na ang amount of bail.

Kasi there is the danger na siya ay flight risk. Maari siyang tumakas na naman. So taasan na natin.

Pero altogether, hindi pwedeng i-deny absolutely yung kanyang right to post bail. Okay? Ngayon, puntahan naman natin yung privilege of habeas corpus.

Pag sinabi nating privilege, hindi po ito karapatan. Ito ay privilege, kaya pwedeng kansilahin. Kailan ba ito pwedeng suspindihin? Ang nagsususpindi po niyan ay pangulo. Okay?

It can be suspended when there is invasion. Nilusog tayo ng mga tag-ibang bansa. Or, Rebellion. Mayroong nag-take up ng mga, nag-aklas, may mga armas laban sa ating gobyerno.

Or when public safety requires it. Kaya ginawa ito ng Pangulo doon sa Marawi City at sa Bumindanao kasi nagkaroon ng rebellion sa Marawi. Now, rate of habeas corpus from the Latin word rate meaning order, habeas corpus present the body. Okay? So for example, hindi lamang pulis ang pwedeng...

Issuan ng Ritofabius Corpus, unahin natin yung polis. May nasalubong yung polis na isang mama, tawagin natin Peter. Salubong niya si Peter. Pagkatapos, hindi niya nagustuhan yung ngiti ni Peter.

So ang ginawa ng polis, ah, hindi ka marungong ngiti, ha? Inaresto at ikinulong. Eh wala namang ginawang masama si Peter.

So arbitrary ho yung detention. Ha? Bakit? May kapangyarihan ng polis na magkulong pero walang basihan. Bakit niya ikinukulong si Peter?

So ang gagawin ng abogado ni Peter o mga kamag-anak niya, pupunta sa korte at ihingi ng writ of habeas corpus. Pag ang korte nag-issue ng habeas corpus, directed ito dun sa polis na nang-aresto kay Peter. At ang sabi dun sa habeas corpus, Hoy, ikaw mamang polis, magpunta ka sa korteng ito sa ganitong oras, sa ganitong petsa. At dalhin mo ang buhay na katawan.

Kasi baka mamaya patayin eh. Dalhin mo ang buhay na katawan. Bring the living body of Peter. And explain why you are detaining him. Ba't mo siya kinukulong?

E di dinala ni police si Peter. At ang sabi niya, Your Honor, meron po kaming warrant of arrest. E di tapos ang Ritupobius Corpus.

E sabi ng police, e wala kaming warrant. Pero hindi ko lang nagustuhan yung ngiti niya. Ang gagawin nun ng korte, i-order na i-release ka agad dyan immediately.

Kasi constitutional right to yung right to liberty. Okay? Ito po ba applicable din sa mga private individuals? Opo, applicable ito. Halimbawa, merong isang babae, tawagin natin Maria.

Yung boyfriend niya, ayaw niyang pauwiin. Kasi gusto niya mag-caddle pa sila. Ang problema, hinahanap na nung misis niya yung boyfriend ni Maria.

Patay tayo dyan. So ang gagawin ng misis, nung boyfriend ni Maria ay pupunta sa korte at mangihingi ng writ of habeas corpus para utusan itong si Maria na dalhin ang living body of the boyfriend and explain bakit ayaw niyang pauin. Sasabi niya, pati ba naman pagpinting ng puso pang himasukan niyo pa? So ito po ay garanti na walang sinuman ang pwedeng makulong ng hindi kakasuhan.

Kaya isa ito doon sa mga inireklamo doon sa anti-terrorism law. Dahil wala tayong masyadong oras, panoorin nyo na lang doon sa YouTube channel yung ating discussion on the anti-terrorism law. Bakit siya dapat i-declare ang unconstitutional? Sabi ng polis, wala ho sa amin.

Hindi namin alam kung nasaan si Peter. Pero may mga testigo na nagsasabi, itong polis na ito ang huling kasama ni Peter bago siya nawala. So ang gagawin ng mga kamag-anak ni Peter ay hihingi ng Writ of Amparo.

So ang Writ of Amparo po ay Expanded Writ of Javier's Corpus. At ang naging issue nito ay korte kasi doon sa Writ of Javier's Corpus, pag sinabi ng polis, wala ho sa amin eh. Tapos na ang issue. Wala sa kanya eh.

Pero sa writ of amparo, magpaliwanag ka bakit wala sa iyo ay samantalang ikaw ang huling kasama niya. Okay? Yan.

So, ngayon, paano kung hindi nagpaliwanag yung polis? Pwede mo makulong yung polis na yan. The court will cite him in contempt.

Ngayon, meron ng isang polis line up, yung mga wanted, nakalagay yung picture mo. Pero, ibang pangalan. You are in danger. Diba?

Dahil baka mamaya ikaw yung arresto na hindi naman pala ikaw yan. Pwede ka mangingi sa korte ng retrophobious data para i-correct yun at tanggalin yung picture mo. Nag-apply ka ng NDI clearance.

Ang problema, paglabas ng clearance, may kaso ka. Rape with homicide. Kapangalan ka pangalan mo, pati middle initial.

Ang problema, nung tinignan mo yung birthday, ay mas matanda sa'yo ng 20 years. Anong gagawin natin? So kakausapin mo yung NBI. Baka po pwede ninyong i-correct dahil hindi ako yan. Dahil ang tunay kong birthday ay later by 20 years.

Ay ayaw gawin ng NBI. So pupunta ho kayo sa korte. para ikutusan ang NBI through a rate of habeas data para baguhin at i-correct yung kanilang records. Bakit? Eh kasi ikaw ang mamumroblema dyan.

Puntahan natin yung right to speedy disposition of cases. Dapat ito mabilis eh. Kaya lang alam nyo, that's one thing na nakaka-frustrate sa mga katulad kong practicing lawyers. Ang tagal ng gulong ng hustisya sa Pilipinas.

Napakabagal, mabagal pa sa traffic sa EDSA. Di ba? Naalala ko yan dahil may isang lokong studyante ng UMAC na kinasuhan ang lahat ng deans.

Pati ako kasama. Ako na ang gumawa ng aming counter-epidemic. Abay matagal o at maraming mga deans ang na-pervisyo na hindi makamove on sa buhay nila.

Kasi by pending case sa Fiscal ng Makati, eh wala namang basihan. So eventually, nadismiss din ho. So nadismiss din yung kaso.

Kaya wala naman talagang kasalanan yung mga dinsyo ko. Mabait na mga dins na nguwak. So, hindi ibig sabihin pag nag-file ka ng kaso ngayon, masusolusyonan ka agad dyan.

Matagal po. Gaano katagal? Ang sabi ho dyan, ang Supreme Court ay meron 24 months, sabi ng konstitusyon, para desisyonan ng isang kaso.

Ayun 24 months na yan. Ang tanong, kailan magsisimula yan? Abay, Supreme Court lang o nakakaalam?

Yung mga lower collegiate courts, pag sinabing collegiate courts, ibig sabihin yan, mahigit sa isaan, judge. So katulad ng Sandigambayan, Court of Tax Appeals, tsaka ho yung Court of Appeals, yan ay mga collegiate courts na mababa sa Supreme Court, 12 months. And all other lower courts, 3 months. Pero hindi ibig sabihin na pag nag-file ka ng kaso ngayon, within three months, may decision ka. Hindi ho.

Kasi nauna nag-file dyan, iyong complainant, syempre. Yung plaintiff. O iyong complainant.

So magpipresenta siya ng ebidensya niya, lahat ng mga testigo niya. Inabot ng two years. He rested his case.

Yun ang mga akusado ang magpipresenta ng kanyang ebidensya. Inabot din ng two years. Submitted for resolution. Doon lang o tatakbo yung three months. So three months and four years.

Ganyan na ang takot. E hindi pa yan tuloy-tuloy ng paglilitis kasi marami ang mga postponements yan. Minsan absent si judge, absent si fiscal, minsan bumagyo, nagka-COVID. Napakaraming kaso ang napigil nito. Kaya ang Supreme Court ay naglabas ng order, may bagong rules ngayon, online hearing.

So ang mga abogado at mga korte ngayon nag-hearing online. Pati yung aming MCLE online na rin. So responsibilidad ng mga korte na i-minimize naman yung mga delay.

Kasi naiiwasan naman minsan eh. Tulad nung pag absent-absent, eh pwede namang hindi umabsent, hindi ba? Kaya sa law school, yung mga estudyante, galit ako sa mga absenero eh. Kasi maraming nadidismiss at nadidelay ang kaso kasi absent yung mga abugado.

Okay? Now, hindi kayo pwedeng puwersahin na tumistigo laban sa sarili nyo. And tawag ko natin dyan, right against self-incrimination.

Eh bakit? Eh kasi naman, kapag ka ikaw ay pinatistigo laban sa sarili mo, imposible yan. Walang sinumang matinong tao ang magsasabi ng anuman laban sa sarili niya. At hindi rin mo pwedeng pilitin ng abugado na tumistigo laban sa kliyente namin.

That is attorney-client privilege communication rule. Yung mga pare, hindi pwedeng pilitin tumistigo laban doon sa nagkumpisal sa kanya. Yung doktor, ay hindi pwedeng pilitin tumistigo laban sa pasyente niya.

Unless hindi nagbayad yung pasyente niya at hindi demanda niya. Diba? Tawag natin dyan, doctor-patient privilege rule.

Hindi rin po pwedeng pilitin tumistigo ang magulang laban sa anak, anak laban sa magulang, and we call that filial privilege rule. At hindi rin pwedeng pilitin tumistigo si mister laban kay misis. Ang tawag nating dyan ay spousal or marital privilege communication rule.

Now, no person shall be detained solely by reason of political beliefs or aspirations. Wala ang sinuman ang pwedeng ikulong dahil naniniwala lamang siya sa komunismo. Why? Tayo po ay wala ng anti-subversion law.

Noong 1959, meron po tayong Republic Act 1700, 1959, before you and I were born. Ano ba yung anti-subversion law? Na kapag ka nag-miyembro ka sa Communist Party of the Philippines, ikaw ay isang subersibo.

Dapat kang ikulong. Hanggang dalawang taon ho yan. Mayor membership in the Communist Party. Ngayon po... Pinirmahan ni Presidente Ramos, Republic Act 7636, Ramos was a former military general.

Pinirmahan niya ang batas na ito. Inaabolis na po yung crime called subversion. Kung naniniwala ka sa komunismo, pasismo, satanismo, problema mo yan. Basta kung takot ka sa misis mo, ay malaking problema yan.

Why? Kung parurusahan natin ang pagkakulong, yung naniniwala sa komunismo, Nilalabag natin ang Article 3, Section 18, Paragraph 1, that no person shall be detained solely by reason of his political beliefs or aspirations. So ang tanong, anong punto ko?

Eh bakit kayo natatakot sa red tagging? At ang militar, bakit kailangan mag-red tag? Ang alam ko lang red tag ay may discount.

Bakit? Takot sila sa mga komunista. Eh hindi na po crime ang maging komunista ngayon.

Ang crime ngayon yung oportunista ka. Yung salista yata pwede rin. Pero yung maging komunista ka, hindi crime yan.

Nagiging crime yan kung gagawa ka ng isang bagay ayon sa pananampalataya mo. Naniniwala ka sa komunismo. Sumama ka sa New People's Army.

Ay ibang usapan yan. Pwede ka nang makulong, hindi dahil komunista ka. Kundi sumali ka sa isang rebellious group. Because rebellion remains a crime.

Pero ang subversion hindi na. Kung sumali ka sa Communist Party of the Philippines, are you a criminal? No! Ay bakit may red tagging?

Baka hindi pa naunawaan ng militar yung pinirmahan ng kanilang commander-in-chief way back 1997. Republic of 7636. At ang pinagtataka ko lang sa ating mga kaibigang militar, ha? Mga kaibigang militar. Ang problema, galit sila sa komunista pero hindi sila galit sa China.

Eh ang China po ang nuno ng komunismo ngayon, kasama ang North Korea. Ba't di kayo galit sa China pero galit kayo sa mga komunista? Oo, maraming kalukuhang ginawa ang NPA.

Pero yung pagiging komunista does not equal with being an NPA. Magkaiba ho yun. At yan ay nasa Constitution natin.

At pinagbabawal din po yung involuntary servitude. No involuntary servitude in any form shall exist except as a punishment for a criminal of the party shall have been duly convicted. Yan ang sabi ng paragraph 2 ng Article 3, Section 18. So ano ba yung involuntary servitude? Yung piniparesa kang magtrabaho na labag sa iyong kalooban. Pero kung job description mo yan, gawin mo kasi binabayaran ka dyan.

Diba? Ngayon, kung ayaw mo ng trabaho yan, mag-resign ka. E nag-resign ka naman validly, ayaw ka pa rin payagan. Eh kahit binabayaran ka pa, yan po ay involuntary servitude na. Okay?

Maliwanag. Now, puntahan natin. Excessive fines shall not be imposed. nor quail degrading or human punishment inflicted, neither shall death penalty be imposed except for compelling reasons involving heinous crimes, whereof the party or Congress thereafter provides for it.

Okay? So general rule, wala po tayong death penalty. Ibinalik ang death penalty kasi sabi dyan, unless for compelling reasons. Okay? Republic Act 7659, the death penalty...

penalty was reimposed in 1994. Kaya nga po, maraming na sentensya ng kamatayan at kauna-unahan na si Leo Echegaray. Pero nagkaroon ng Republic Act 9346 na inabolish uli ang death penalty. So wala uli tayong death penalty ngayon. Ang pinakamalupit na parusa ay reclusion perpetua or life imprisonment. Okay?

Ito po ang kahit pero mas may mas mahaba para po sa reclusion perpetua or life imprisonment. Ano po yun? Marriage. Bakit?

It is lifetime imprisonment. Okay, so ito po ang kaibahan ng life imprisonment sa reclusion perpetua. Ang life imprisonment ay sentensya ayon sa isang special penal law, batas na gawa ng Kongreso.

Ang reclusion perpetua ay parusa ayon sa revised penal code. Ang revised penal code is a 1936 law na nakalista lahat ng crime and punishment. Ang tawag ko ng mga Espanyol Codeco Pinal. Or the revised penal code.

Nirevise natin yung kodigo penal ng mga Espanyol. Okay. So, ang duration ng life imprisonment indefinite.

Pero ang reclusion perpetua, 20 to 40 years. So, pag nasentensihan ka ng reclusion perpetua, expect that in 40 years, malaya ka na kasi no person can be imprisoned for more than 40 years. Pero pag life imprisonment, ibig bang sabihin ito kung buhay ka nakakulong?

Ay hindi ho. Okay? Now, no accessory penalties.

Ito namang sa reclusion perpetua, may accessory penalties. Ano yung mga accessory penalties? Kasama ho dyan yung forfeiture ng inyong office, etc.

Perpetual disqualification from government service. Now, sa reclusion perpetua, pag nakulong na siya, after 30 years, eligible na siya for pardon. Pero walang ganun sa life imprisonment.

Now ang sabi ng Korte Suprema, particularly under Article 27 ng Revised Penal Code, bibigyan ng pardon. ang isang prisoner na nakulong at least 30 years. Automatic ko yan.

So kaya yung iba sabi lang pagdating ng 70 years old, may automatic pardon. Hindi ko yung edad. Kundi kung nakulong sila at the age of 40, natural pagdating nila ng 70, naka 30 years na, so may automatic pardon dapat sila. Not because they are 70, but because they have already served 30 years in prison. And no one can be sent in prison for more than 40 years.

Yan po ang sinasabi ng Article 70 ng Revised Penal Code. So kahit na seven life terms pa ang ibigay na sintensya, 40 years lang ang maximum niya. Kasi naalala ninyo itong si Mayor Sanchez, namatay na yata ito, no?

Na sinintensyahan dahil doon sa kanyang kaso na rape with homicide, doble pa yata yun, yung mag-boyfriend, ano po, pinatay, admirate muna, e sinintensyahan siya ng seven life terms. Ibig sabihin pag namatay siya ngayon at nabuhay siya uli, ikukulong pa rin siya? Hindi po. Ibig sabihin ng multiple sentences ay dinidisqualify lamang siya doon sa operation ng indeterminate sentence law.

Ang indeterminate sentence law kasi kapag ka napagsilbihan na ng prisoner yung minimum ng kanyang term at siya ay nagmatino sa loob ng kanyang preso o bilangguan, Pwede ho siyang i-recommenda sa presidente para mabigyan ng parol. Iba po yung pardon sa parol. Isang presidente natin tinatanong, Mr. President, what are you going to do with the parol system? Sabi niya, parol? I'll hand them during Christmas.

Okay, so wala na po tayong death penalty at ang abolition of death penalty ay retroactive. Ibig sabihin, lahat ng mga nasentensyahan ng death before... Republic Act 93-46 was enacted and became a law, ay pwede rin hindi na po sila papatayin. Kundi, bibigyan na lamang sila ng sentensyang reklusyon perpetua. Itong palaging itinatanong ng maraming ngayon, nangungutang sa mga lending company online.

Ang tanong, makukulong ka ba kapagka marami kang utang? Ay nako, maraming matutuwa dito. Wala pong pagkakulong ang pagkakautan.

Why? No person shall be imprisoned for debt, utang, or non-payment of full tax. Kaya kung ayaw ninyong mamroblema, huwag kayong magpa-utang.

Kasi hindi ninyo pwedeng ipakulong yung tao na ng utang lamang. Provided yung utang niya ay simple debt. Debt is a loan. Ayan ang sabi dyan ng ating batas.

An obligation that requires the debtor to pay money or other agreed upon value through the creditor. Bawa, nangutang ako kay Ma'am Jovi ng 1 million. Pinautang niya naman ako ng 1 million. Sabi ko, babayaran ko bukas.

E natapos ang 1 million bukas, hindi ako nagbayad. Pwede po ba akong ipakulong? Ang sagot, hindi po.

Kasi ordinaryong loan ito. Ang tawag natin dyan sa Espanyol ay mutuong. Loan.

Pero kaya niya ako pinautang ng 1 million kasi ang sabi ko, ibibigay ko sa'yo bukas, ibibenta ko sa'yo. yung aking BMW na bagong-bago. Ate, bagong BMW, parang 3 million, ano po?

So dahil doon sa pangako ko na yun, pinigin niya ako ng 1 million. Pero kinabukasan, ang ibinigay ko sa kanyang sasakyan ay BMW, Patangas Motor Works. Jeep ni pala.

So, naloko ako noon. At makukulong yun kasi hindi po ito ordinaryong utang. Ang tawag po dyan ay estafa.

Sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code, ang estafa ay may pagkakulong, depende dun sa value na niloko mo yung tao. So kaya, e pa paano yung mga nangutang sa credit card? E kung hindi ho kayo nanloko sa pagkuhan nyo ng credit card.

E dahil nagka-pandemic, walang pera, walang source of income, walang pambayad. Pero hindi naman kayo nanloko. Tama naman yung mga detalya na ibinigay ninyo.

Huwag kayo matakot, hindi kayo makukulong dyan. Okay? Nagagalit sa atin yung mga credit card company.

Ano ang gagawin itong credit card company na ito? Number one, pepperwisuhin ka. Tatawagan ka ng tatawagan.

Pero tandaan ninyo, sa ilalim ng Republic Act 84-84, yung Access Devices Regulation Act, hindi ka nila pwedeng singilin, tawagan, telepono, kung ano man, between 8 a.m. hanggang 10 p.m. Yun lang.

Pag tumawag sila ng 7 o'clock in the morning o 11 o'clock in the evening, pwede nyo silang kasuhan at makukulong yan. Hanggang dalawang taon yan. Pangalawang pwedeng gawin nung inutangan ninyo, I-demanda kayo pero yan po ay civil case. Pag civil case, walang kulong. Kung ang utang ninyo ay 300,000 pababa at nasa Metro Manila, ang tawag yan small claims.

So pupunta sa korte yan, magpapile ng small claims case, yung korte isusubli na yung may utang, pagkatapos pag-uusapin kayo. E wala ka talagang pambayad. So ang gagawin ng korte, hahanapin ang iyong property.

Kung meron ng order, na natalo ka. Natural, matatalo ka kasi may pruweba silang nangutang ka eh. Ba? So ang gagawin ng korte, mag-i-issue ng court order at bibigyan ka ng writ of execution. Yung writ of execution, daladala ni sheriff, pupuntahan ka kung saan ka matatagpuan, sisingilin ka.

Kung wala kang pambayad, hahanapin ng sheriff ang mga property mo, dadalhin sa korte at i-o-auction. Yung napagbentahan sa public auction, yun ang ipambabayad sa utang sayo. Pero kung makukulong, walang kulong kung yan ay simpleng utang tulad nung dinidescribe ko. Ngayon, may utang ka, nag-issue ka ng cheque, hindi pinondohan.

Natural, makukulong. The fact na nag-issue kayo ng cheque at walang pondo yung cheque nyo, ang tawag dyan ay bouncing check. Pinaparosahan po ito ng pagkakulong, one month up to one year for every check that you issued without funding or insufficient funds. Kaya kung may checking account kayo, make sure na laging may laman pag nag-issue kayo ng cheque. Dahil the moment na nag-issue kayo ng cheque, regardless of your reason, eh pwede kayong makulong, although bihira naman po ang nakukulong sa Batas Pambansa bilang 232, kasi sa experience ko dyan, normally settlement lang yan.

Okay? Walang settlement, ipapa-execute lang ng korte yan. Although kung marami na po ang checking in issue, chances are, baka.

makulong. Pero may regulasyon na ang Korte Suprema na instead of imposing imprisonment, yung last paragraph dyan sa inyong screen ang ginagawa. Pag mumultahin na lang kasi kung ikukulong mo yung may utang niyan, lalong di makakabaya dyan. E nag-issue ng cheque. Pag ikinulong mo, magkakagasot pa ang gobyerno pa, kainin pa ng gobyerno yan.

Pagmultahin mo na lang. E magkano yung multa? Double the amount of the cheque, but not more than 200,000 pesos for every check.

Okay? Depende sa korte kung ano na i-order. So kaya, huwag mag-issue ng check kung alam nyo walang pondo. Regardless of your reason, regardless ng natin dahil, makakasuhan kayo dyan sa paglabag sa BP22. Ano naman yung poll tax?

Ang poll tax po ay personal capitation tax. Wala na ho tayong sedula ngayon. Ang sedula po pinunit na ni Andres Bonifacio doon sa bahay ni Tandansora sa Casong City.

Ito naman nung meron tayo ngayon ay CTC, Community Tax Certificate. Nung unang panahon natawag Resident Certificate, ngayon po CTC. Para sa inyan, isa po ito sa income generating activities ng local government unit.

Eh makukulong ka po pag hindi ka kumuha ng sedula? Hindi po. Wala pong pagkakulong.

Yan ang sinasabi ng ating konstitusyon. Pero hindi ko sinasabi na huwag kayong kumuha kasi yan ay pagtulong natin sa local government. Pero kung kayo ay magpapanotaryo, hindi na po tinatanggap ng mga notaryo publiko ang CTC.

Ang tinatanggap po ay any government issued ID. Yung ID natin sa UMAC, pwede po yun na inyong identification na ipipresenta sa notaryo publiko kasi yan po ay nakasaad doon sa Notarial Practice Rule of 2004. Para saan ba ang notarization? Eh para mapatunayan na sinumpaan ninyo ang isang dokumento.

Gawing public instrument yung isang private document. Para pag ipresentan ninyo sa korte, hindi nyo na kailangan papatunayan yung authenticity and due execution. Bahala na yung notary public doon. At ang notary public, magingat kasi hindi na pwede magnotaryo ang mga hindi abogado.

Bago ko kasi mag 2004, sa mga lugar na walang abogado, kinukomisyon yung mga prominent people of the society na maayos ang reputation. para maging notary public, eh magmula ho 2004, bawal na yan. Hindi na nag-i-issue ng commission as notary public kapag ka hindi abogado yung tao.

Okay? Now, no person shall be put twice in jeopardy as a punishment for the same offense. Okay?

Ano po ba yung double jeopardy? Jeopardy means peril or danger. Okay?

So, hindi ka ilalagay sa dalawang danger dahil lang sa isang ginawa mo. Halimbawa po, example dito sa second paragraph, if an act is punished by a law and an ordinance, conviction or acquittal under either shall constitute a barter or another prosecution for the same act. Ganito, under the Clean Air Act, mawal pong manigarilyo sa mga public places or public buildings. Eh itong si Mario naman ay nanigarilyo sa Makati City Hall. Eh may ordinansa pala ang Makati na pag nanigarilyo ka dito sa public...

places, public building, ay mumultahan ka ng 300 piso. Ay minultahan na siya ng city government na Makati. Hindi na po siya pwedeng kasuhan pa under the Clean Air Act. Kasi masasubject siya sa double jeopardy.

Okay? So yan po ang napakasimpleng paliwanag ng double jeopardy. Although may mga komplikasyon yan kapag may mga actual cases na criminal cases. Now, ano naman yung ex-post-fact o law?

Ang ex post pactulo po is a law from the Latin, from after the action or after the facts, that is a law that operates retroactively or a law that increases the penalty. Okay? Ganito po yan.

Nakikita nyo naman siguro itong nasa picture, public knowledge naman, na yung congressman na ito ay kinasuhan po ng statutory rape. Statutory rape is raping a minor 12 years old and below. Statutory rape ang kaso. Nung nagawa niya ito, 1993, wala pa hong death penalty.

Ang parusa sa statutory rape ay reklusyon perpetua. Nung 1994, nagkaroon ng death penalty at napasama yung statutory rape. Doon sa mga kaso, napaparusahan dapat ng death penalty. Okay? So nasundan nyo.

1997, convicted itong mamang ito. Hindi ko napapangalanan si Congressman Haluzos. Ano po?

Sorry, nabanggit nyo pala. People versus Haluzos yung kaso. So ano ang ipapataw na parusa? Death penalty o reclusion perpetua?

Kapagka death penalty ang ipinataw na parusa sa kanya, ay magre-retroact. Kasi 1994 yung penalty naging batas. 1993 na commit yung crime.

So ang ipapataw na parusa sa kanya, yung parusa noong 1993, which is reclusion perpetua. Kasi pag nag-retroact yun, bawal yun. That is ex post facto law.

So pwede naman mag-retroact ang batas kung ito ay pabor sa akusado. Katulad noong Republic Act 93-46, tinanggal ang death penalty noong 2007. So yung mga nasintensya ng death penalty, Earlier than 2007, kung hindi pa sila napapatay ng 2007, hindi na sila papatawan ng death penalty kasi nag-retroact yung batas dahil ito po ay pabor sa akusado. Bakit nga ba pinapabura ng akusado?

Kasi po maraming kalaban ng akusado. Kasi yung criminal case, ang pangalan People of the Philippines versus. Ibiruin mo yan, People of the Philippines ang kaaway mo. So dapat marami ka rin karapatan bilang akusado. people of the Philippines will be your enemy.

Diba? Now, ano naman ang bill of attainder? Bill of attainder is also known as bill of pains.

Bill of Penalties, ito po ay batas na nagpapataw ng parusa ng walang paglilitis. Ay violation o ng due process yan. Okay? So, hindi pwedeng magparusa ng walang paglilitis.

Kaya yung pag-aresto po ng polis o ng barangay, tapos pag-pupush-upin ka, pag-iexercise-in ka, ay bawal mo yun. Yes, nakalabag ka ng quarantine protocol. Pero ang tangi lang nilang gawin ay ikulong ka at kasuhan. Pero mag-push up ka, mag-exercise ka, parusahan ka, bawal po yun. Because that is in the nature of Bill of Attender.

Nagpaparusa ng walang paglilitis. Constitution mismo ang nagbabawal niyan. Okay? Bakit po palaging ganun?

Because we are a government of laws and not of men. Kahit na po 16 million, kahit po 100 million ang bumoto sa Pangulo, Hindi ho ito mag-justify sa mga gawa na labag sa batas. Why? Everybody is governed by law.

And remember, we are a democracy. The end does not justify the means. Maaring honorable ang iyong purpose, pero yung paraan para isakatuparan mo ang purpose na ito ay labag sa konstitusyon, ay hindi ho natin papayagan yan. Because we are a government of laws and not of men, and the end does not justify the means.

So natapos po ang Article 3, puntahan natin ang Constitution, Article 4. Article 4 po ay citizenship. Citizenship means membership in a political community. Kapag ka-citizen ka ng Pilipinas, ay meron kang responsibilidad.

Dahil may karapatan ka, may responsibilidad ka. Inaaral po natin yung mga karapatan natin sa Article 3 pero marami tayong obligasyon under our laws. So ang tanong, ikaw ba ay Filipino citizen? Ang sagot ay matatagpuan sa Section 1 ng Article 4. Sino ang Filipino citizens? Number one, those who are citizens of the Philippines at the time of the adoption of this Constitution.

Sabi ng Korte Suprema de Leon v. Esguerra, the 1987 Constitution was adopted on February 2. 1987. Doon ho, naging effective ang Constitution of 1987. At hanggang ngayon po, effective yan. So kung Pilipino ka, magmula nung February to 1987, hanggang ngayon, mananatili kang Pilipino. Unless, gusto mo na maging Pilipina.

Joke lang. Unless, kumuha ka ng foreign citizenship. Okay.

Number two, those whose fathers or mothers are citizens of the Philippines. Sumusunod doon kasi tayo sa prinsipyong yus sangwines. Blood relationship. So ang Pilipino, ipinanganak sa California tulad ni Edu Manzano, na tumakbong vice mayor dati ng Makati, hindi ba?

Kaya may kasong Mercado versus Manzano. At ang sabi ng Korte Suprema, eh Pilipino yung mga magulang niyan, ay sa California pinanganak. Ay sinusunod natin blood relationship eh.

So kahit sa buwan ka pa ipinanganak, basta isa sa mga magulang mo ay Pilipino, mananatili kang Pilipino. Kaya nga, maraming Pilipino, at the same time, citizens ng Amerika. Bakit?

Eh sa Amerika pinanganak, ang sinusunod ng mga Amerikano ay you solely. Citizenship by the place of birth. So regardless of your parentage, kung pinanganak ka sa American territory, under American law, you are an American citizen. Kaya si Edom Manzano, American citizen at the same time. Ano sabi ng Korte Suprema?

Dahil ang sinusunod natin ay you sanguinis, land relationship, Pilipino siya. Kaya pinayagan siya tumakbo na Vice Mayor ng Makati. Okay?

I am not sure. Okay. And those who were born before January 17, 1973 of Filipino mothers who elect Philippine citizenship upon reaching the age of majority.

Ito ang medyo komplikado. Bakit? Kasi po, doon sa 1935 Constitution, panahon ng Commonwealth, at doon sa Commonwealth Act No. 63. Ang Pilipina, pag nag-asawa ng foreigner, the moment kinasali siya doon sa foreigner niyang papa, nawawala ang kanyang pagkapilipina.

Hindi naman siya citizen kaagad doon sa kanyang foreign country nung asawa niya. E anong citizenship nung anak niya? So wala. So kaya sa ilalim mo ng bagong konstitusyon, yung ipinanganak noong January 17, 1973. Before January 17, 1973. Ano ba yung January 17, 1973? Ito po yung effectivity ng 1973 Constitution na nabago yung patakaran.

Sa ilalim ng 1973 Constitution, Kahit na magpakasal ka sa foreigner, basta hindi mo inire-renounce yung Filipino citizenship na nanatili kang Pilipino. Sa 1935 Constitution kasi ulitin ko, pag nagpakasal ang Pilipina, yung Pilipino walang problema eh. Yung Pilipina, pag nagpakasal sa foreigner at the time na ikinasal siya, hindi na siya Pilipina.

So yung anak niya, wala ng Pilipino blood. Kaya yung anak niya, kailangan mag-elect ng Philippine citizenship. Pag umabot sa age of majority, at that time, the age of majority was 21. Okay?

So, kung ipinanganak ka, katulad ko, 1969 tayo pinanganak. So, malaman niyo ang edad ko. So, 1969, at that time, ang governing constitution ay 1935 constitution. So, nagkataon, pinanganak yung bata 1969. At ang tatay niya ay foreigner. kasal yung nanay niya doon sa tatay niyang foreigner, kailangan niyang mag-elect ng Philippine citizenship kung gusto niya maging Pilipino.

Dahil kung hindi siya mag-elect ng Philippine citizenship, hindi siya magiging Pilipino. Kasi nga, walang Philippine blood na mananalay tayo sa kanyang dugo dahil yung nanay niya hindi na Pilipina. Nung ipinanganak siya, dahil nagpakasal yung nanay niya sa tatay niya. At those who are naturalized in accordance with law.

Okay? So, Yan po ang mga Pilipino. Now, sino ang natural? Paano ba magkaroon ng citizenship? Citizenship by birth.

Okay? So, dalawa ang prinsipyo na binabanggit natin yung sanguinis yan ang sinusunod natin. Blood relationship. Those whose fathers or mothers are citizens of the Philippines.

Sa Amerika and some other countries in the world, usually sila. Pero uilan lang ho yan. Kasi kung saan ka pinanganak, yun ang citizenship mo.

Now you can be naturalized either by judicial process, pupunta ka sa korte, legislative process, congressional grant, or administrative process. So yan po yung naturalization. As compared to natural born, sino ba ang natural born citizens of the Philippines? Those who do not have to perform any act to acquire or perfect their Philippine citizenship. Tanongin ko kayo, kayo ba ay may ginawa pa para lang masabi na Filipino citizen kayo?

Kung wala, kayo ay natural born. At yung mga nag-elect ng Philippine citizenship sa ilalim ng paragraph 3, those who were born before January 17, 1973 of Filipino mothers who elect Philippine citizenship upon reaching the age of majority ay natural born din. So hindi Pilipino, pero gusto maging Pilipino, abay, may proseso tayo.

Judicial, mag-a-apply ka sa korte. Alam nyo, tayo may isa sa pinakamahigpit na citizenship requirement para sa naturalization. Kasi kailangan under Commonwealth Act 473, dapat yung magpapanaturalize na Pilipino ay nanirahan sa Pilipinas na sampung taon.

Sa ibang bansa, limang taon lang pwede na, di ba? Sa ating sampung taon. Kung yun naman, sa Korte ho, ipinapayl yan.

Kung yun naman, foreigner, ay dito pinanganak sa Pilipinas. At nanatiling dito nakatira. Pwede siyang magpanaturalize, administratibo ang tawag, under Republic Act 19139, hindi niya na kailangan pang magpunta sa korte, mag-file na lamang siya ng application doon sa Special Committee on Naturalization. Sino ba yung Special Committee on Naturalization?

Ang chairman po niyan, yung Solicitor General, ang members niya ay yung National Security Advisor. at saka yung Secretary of Foreign Affairs. Ang requirement, foreigner, dito pinanganak at dito rin nakatira.

Now, tulad nitong mamang ito na dati naglaro doon sa Gilas, Pilipinas, yan si Andre Blach at saka yung isa pa, si Marcos Doutit. Hindi sila pwede maglaro sa Philippine team sa basketball kung hindi sila mananaturalize. Matagal yung administrative at saka administrative, hindi po pwede kasi di naman sila dito pinanganak. So ang ginawa ko, gumawa ng batas para gawin silang Pilipino.

Pwede ho ba yun? Pwede yun. Legislative process ang tawag dyan. Okay?

Pagka yan ay nanumpa sila bilang Pilipino. Sa ating Immigration Bureau, Pilipino na sila. At makakapaglaro na. Naglaro nga ho sa ating team, talo naman.

Okay. Tandaan po na ang citizen ay isang mamamayan sa demokratikong bansa. Kaya tayong lahat ay mga citizens kasi demokratiko daw ang Pilipinas eh. Pero pagka kayo ay mamamayan ng isang monarchial state, kayo po ay hindi citizen kundi subject. Basically, walang English citizens or British citizens, they are subjects.

Kasi meron silang quid. Walang Japanese citizen, except yung Riloyata citizen. Pero lahat po sila ay subjects.

Pero wala akong Pilipino subject except in college. Pero sabi nga ng CHED at saka ng Korte Suprema, eh optional na lang yung Pilipino subjects. Dahil mga Pilipino citizens tayo. Okay, kung paano natin yung Article 5 for lack of time, eh binisa natin.

Suffrage is the right and obligation of every Filipino to vote in an election. So ano ba karapatan at saka tungkulin? Kaya walang nakukulong pag hindi bumoboto.

Pero pag hindi kayo bumoto, you're not performing your obligation as a citizen. So ano ang scope ng suffrage? Election. Tayo po ay nag-election on the second Monday of May every three years. yung po nakalagay sa Constitution, 2nd Monday of May, every 3 years.

Ang presidente, 2nd Monday of May, every 6 years. Pero yung mga local officials, yung kalahati ng Senado, 12 senators, every 3 years o yan. Okay? So, election.

Sa Japan daw, medyo matagal ang election kasi ang basa nila sa L, R. So, matagal ang election nila. Pero tayo, every 3 years. Now, another scope of suffrage ay plebiscite.

At nalilito ang mga tao, Sa referendum, ano bang kaibahan? Pareho po iyan, natatanongin kayo ng yes or no. Ang sagot niyo, yes or no.

Pag plebiscite, may kinalaman sa konstitusyon, may kinalaman sa sistema ng national government. Halimbawa, gusto niyo bang mag-shift tayo magmula sa presidential, unitary, papunta sa federalismo? Yan po ay plebiscite.

Kasi mababago yung sistema ng ating gobyerno. Pero tinanong noong 1995, Ang mga mamamayan ng Municipality of Makati, gusto nyo na ba ang Makati ay maging city? Yes or no?

At nanalo ang yes, kaya naging city ang Municipality of Makati, yan po ay referendum. Kasi walang kinalaman sa konstitusyon, walang kinalaman sa national government structure. Yun lamang ang tanging kaibahan ng plebiscite sa referendum. Pag tungkol sa konstitusyon, sa national government, we call it plebiscite.

Pag local governance, referendum. walang kinalama sa Constitution natin. Pero pareho pong yes or no ang sagot.

Gusto nyo ba na ang Constitution ay mabago? Aba, ay plebisituyan. Okay?

At sama din yung initiative. Ito, may gusto tayong batas pero ayaw aksyonan ng Kongreso, pwede ho tayong mangalap ng mga pirma. Sabi ng ating Article 17, 12% of the registered voters representing 3% in every legislative district.

So halimbawa, Makati, dalawa ang distrito, ay dapat 3% kung bawat district na yan pumirma doon sa ating proposal, dadali natin ito sa Kongreso at ang Kongreso a-actionan yan. That's what we call people's initiative. Now, para sa mga local government elected officials, ay meron tila tawag na recall under Republic Act 7160 as amended.

Ito yung local government code, as amended by Republic Act 9244. Ito ang recall, for example, yung mayor. May mga mayor na ganito, sa Kaluoka, noong panahon, Mayor Ray Malonzo, sinabject siya sa recall. Ano yung recall?

Magkakaroon nun ang recall petition. Meron dyan sa Republic Act 9244, may certain percentage. Kung ilan ang butante ng lugar na ito, ng isang city, for example, may certain percentage, from 10% up to 25% ng mga butante na nakarehistro, sila ang piperma. Pag naabot nila yung percentage na yun, dadalin nila sa Comelec. At sasabihin nila sa Comelec, ito po, nagpe-petition kami po recall at ito yung percentage na mga butante pumirma.

Okay? Pag nakita ng Comelec na in order at nag-comply sa mga requirements ng batas, ang Comelec ay mag-schedule ng recall election. At yung nakaupong mayor sa Pasay, nagkaroon din sila ng recall election dati, di ba? So ang mangyayari niya, yung nakaupong mayor, kahit hindi siya mag-file ng certificate of candidacy, siya po ang number one candidate kasi siya nakaupo eh. Pagkatapos, yung mga gustong tumakbo, magpapile ng Certificate of Candidacy at ang Comelec mag-schedule ng eleksyon.

So parang special election ito pero ang tawag ko ay recall election. Now sa ilalim ng Republic Act 7160 at 9244, ang recall election ay hindi pwedeng ganapin kung wala pang isang taon or during the first year of the term. Kasi kai-elect pa lang sa kanya, isang taon, para tahimikin nyo naman.

At hindi rin pwede magkaroon ng recall election kung less than one year na lang ang natitira sa term ng local government official na i-recall natin. So in effect, pwede lang i-recall ang mayor, vice mayor, governor, vice governor, o kung sino man, on the second year of the three-year term. So on the second year lang.

Now, pag natalo si incumbent mayor, natanggal siya. Doon kasi sa kaluokan dati, nanalo rin si Ray Malonzo. Yung papalit sa kanya, tatapusin lang yung term.

Ngayon, kung nanalo yung nakaupong mayor, ay tutuloy niya na yung term niya. So parang impeachment pero local application. Now, hindi lahat ng tao pwedeng bumoto.

General rule, basta 18 years old in above, Filipino citizen, pwedeng bumoto. Walang tayong mga property requirement. Kaya lang, kung kayo naman ay nasintensyahan na makulong ng more than one year, ay hindi po pwedeng bumoto.

Kahit nakalabas na, mag-aantay pa siya ng five years, bago siya payagang bumoto ulit. Yung mga taong nasintensyahan, ng paglabag sa batas ng rebeliyon, sedition, o yung illegal possession of firearms or other crimes against national security, katulad ng Cudita, ang kaso ni Natrell Llanes, hindi sila pwedeng bumoto. Eh bakit nakaboto at nanalo ko ang senador si Trillanes?

Kasi po, binigyan siya ng amnesty ni President Aquino. At yun ang binawi ni Presidente Duterte. Kaya nasa korte ngayon, legal ba yung pagbawi? Kasi kung legal ang pagbawi... ay dapat nakakulong ulit ito si Trillanes.

Kasi nakalaya lamang sila dahil binigyan sila ng amnesty. At nung binawi ni Presidente Duterte, ang sabi ni Trillanes, amnesty is such a lonely word. Kasi nababawi pala yan.

So ang usapin po ay nasa korte pa para malaman pwede ba itong bawiin ng Presidente o hindi. So wala pa ang desisyon. Okay.

Now, ito namang mga nasentensyang ito, after 5 years, pwede silang bumoto ulit. Hindi rin po pwedeng bumoto ang mga incompetent o mga baliw na mga tao ay walang kinalaman yung mga picture. Insane or incompetent persons as declared by proper authority. Korte lang po ang nagsasabi. Okay, so ngayon o, puntahan natin yung Article 6. Pagod na ba kayo?

Eh huwag kayong mapagod kasi para ito sa inyong kapakanan. Okay, we only have 4 minutes left at alam nyo nagkakaroon ng... Screen fatigue pag makitagal kayo nakatutok sa inyong screen.

Legislative power is the power under the Constitution to make laws. Kumuha ng batas. Paguhin ang batas o burahin ang mga batas na ito.

So nakalagay po yan sa Article 6. At ang legislative power natin ay nasa Kongreso. Pag sinabi po natin Kongreso of the Philippines, ito po ay binubuo ng Senado at ng House of Representatives. Okay? So, dalawa ho ang chambers natin, but we only have one Congress. Sabi ng iba, Congress.

Pero yan po ay Congress. Ha? Twelve, you have the House of Representatives and the Senate.

Hindi natin po pwedeng tawaging upper house at saka lower house. Kaya po naging upper house ito kasi dun sa Kongreso ng Amerika na ginaya natin. Ang Senado ay nandun sa second floor. Kaya upper house.

Yung House of Representatives nasa ground floor, kaya lower house. E sa atin, ang ating Senado ay nasa Pasay. At yung House of Representatives nasa Quezon City. Parang mas mataas ang Quezon City kaya sa Pasay.

Kaya bihirang bumaha sa Quezon City. So ang Kongreso, ang sabi dyan, ay pwedeng gumawa magmanong batas kahit na ano. Provided, hindi po ito against the Constitution at hindi po ito immoral na batas.

Pwede bang gumawa ng batas ang Kongreso na magkakaroon na tayo ng diborsyo? Sabi ng iba, sana all. Eh pwede ho. Bagamat may mga kumukontra, nasa kapangyarihan ng Kongreso yan. Ngayon, kung yung batas na ginawa ng Kongreso ay hindi ayon sa saligang batas, trabaho ng Korte Suprema na i-deklarang unconstitutional after a petition for the declaration of unconstitutionality.

Now, puntahan natin ang Senado. There are 24 Senators na sila po ay natural-born citizens of the Philippines. So alam nyo na kung sino ang natural-born, di ba? Sila po ay at least 35 years old. Ay, pwede na pala ako.

At able to read and write. Eh, ba't po kayo magsisimple service exam? Ay, pwede naman pala yung able to read and write maging Senador. Ang bihirang buhay ito.

Pagka ikaw ay hindi ka ma-permanent as administrative officer. Samantalang yung Senador. permanent siya for six years able to read and write lang saan ang justisya ano po at a resident of the Philippines for at least two years before the election at the term of office ay six years Ito po ay pwedeng ma-reelect for not more than two terms.

So 12 years ang maximum ng isang senador. At yun namang House of Representatives ay hindi daw po lalagpas ng 250, kaya lang yan po yung sinabi ng Constitution. Pero may kapangyarihan kasi ang Kongreso na mag-redistrict.

Ang bawat distrito dapat may isang congressman. So elected sila by district at under the party list system. Ang party list, ipapaliwanag ko sa inyo later on. Sa atin pong ongoing Congress, there are 24 senators and 304 members of the House of Representatives at 20% ng 304 ay party list. So district representative, 80%, party list, 20%.

So ang district representatives po ay elected from legislative districts. At ano ang qualification ng mga congressman? Natural born citizens of the Philippines, at least 25 years old on the day of election, able to read and write.

O pwede naman pala kayong maging congressman, bakit magsisi-civil service example kayo? Eh, joke lang. A registered voter, kundistrict representative, kusaan distrito ka tatakbo.

A resident of the Philippines for not less than one year before the day of election. At ang term of office ay three years with re-election for three terms. Nine years maximum. Pwede tumakbo ng tatlong ulit.

Now, yan yung district. Ganon din ang qualification ng party list. At ito yung party list na itatayo natin para sa kapakanan ng mga lalaki.

Union of husbands, afraid of their wives. Now, ang party list, ang ibinoboto natin hindi yung tao, kundi yung party mismo. At yan po ay 20% ng mga congressman.

Ito ho ang pinagagalingan ng mga sektor ng party list. Labor, peasant, fisherpock, urban poor, etc. Kasama ho yung women, youth.

Gita nyo, wala ang mga lalaki dyan. Kaya kailangan talaga natin ng isa pang party list para sa mga lalaki. Yung uhaw.

Disqualified ang religious sector. Eh bakit nandyan yung Sibac? Ano bang problema ng Sibac?

Eh JIL ho yun eh. Citizens Battle Against Corruption. Nandyan yung...

buhay. Anong problema ng buhay? Buhay, hayaang yumabong. Eh kay Mike Bilardi po yun eh. Ang sabi ng Korte Suprema, hindi yan religion.

Charismatic groups yan. Okay. Bawal din po yung mga foreign organization, yung mga nag-a-advocate ng violence or unlawful means.

O kaya yung mga organization na tumatanggap ng mga donation from foreign government. Bawal ho yun. Okay? Ako sa syo nila, yung bayan muna tumatanggap daw ng mga foreign donation, e wala naman silang patunay. Remember, accusation is not synonymous with guilt.

Ang ladlad, dinisqualify ng Comelec dati kasi hindi naman daw sila underrepresented. Napakarami daw pong member ang ang ladlad, kahit na sa gobyerno, ayaw lang magladlad. Kaya ang ang ladlad ay qualified o.

Kasi ito ay samahan ng LGBT community. Ang problema, para manalo kayo sa party list, kailangan makakuha kayo at least 2% of the votes for the party list. So 2%, pag naka 4% kayo, meron kayong dalawang seats. Pag naka 6% kayo, 3 seats.

Pero ang maximum lang o yan ay 3 seats lamang. For proportional representation. Now, you also have the so-called concept of incompatible office. Ang mga miyembro ng Kongreso, pag sinabi kong Kongreso kasama yung Senado at ang House of Representatives, ay hindi sila po pwedeng maghawak ng ibang posisyon sa gobyerno habang sila ay members of Congress, otherwise, iiwanan nila yung seats nila in Congress.

Yan o sumikat si Mar Rojas, di ba? Mar Rojas was first elected as congressman from Capiz. Ang problema, in-appoint po siya ni Gloria Arroyo as Secretary of Trade and Industry. Kaya naging Mr. Palenque. So iniwanan niya ang pagka-Congressman niya.

Hindi ko kasi po pwede yung incompatible office ko yan. At yun ang namang konsepto ng forbidden office. Ang isang senador o congressman, hindi siya pwedeng gumawa ng bagong opisina na kung saan siya ang mauupo or i-increase niya yung mga beneficyo at sweldo. ng isang posisyon na later on balak niyan siya ang maupok doon. Bawal po yun.

Forbidden. Okay?