Para sa mga incoming ICT, senior high school students.
Para sa mga gustong magkaroon ng background sa coding at programming.
Para sa mga second at third year students na hindi pa pamilyar sa coding.
Ano ang Programming?
Kahulugan: Ang programming ay ang proseso ng pagbibigay ng mga tagubilin sa kompyuter sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga tagubilin sa isang espesyal na wika.
Tagalog: Ang programming ay ang pagbibigay ng instructions kay computer kung ano ang dapat niyang gawin.
Sino ang mga Programmer?
Kahulugan: Ang mga programmer ay mga tao na sumusulat ng mga tagubilin na sinusunod ng kompyuter upang magsagawa ng isang gawain o lutasin ang isang problema.
Ano ang Program?
Koleksyon ng mga Instruksyon: Ang program ay ang koleksyon ng mga tagubiling ginawa ng mga programmer.
Halimbawa ng mga Program: Calculator, video games, mobile applications, desktop applications, social media apps.
Ano ang Programming Language?
Kahulugan: Ito ang mga code na ginagamit para makapagsulat ng mga instructions.
Halimbawa ng Programming Languages:
Python: Ginagamit sa artificial intelligence, web development, data analysis, at automation.
Java: Ginagamit sa pag-develop ng mobile at desktop applications.
C++: Madalas na ginagamit sa game development at robotics.
Mga Plano at Blueprint sa Programming
Algorithm:
Kahulugan: Ito ay step-by-step instructions na dapat i-execute ng program.
Katangian: Dapat sunod-sunod at tiyak.
Flowchart:
Kahulugan: Isang graphical illustration ng plano o blueprint ng program.
Katangian: May mga simbolo at visual representation.